Chapter 18

4.2K 172 21
                                    

Tinanggal ko ang pagkakayakap ni Deanna sakin

Pinag-masdan ko sya kanina lang tila nananaginip ito ng masama

Nagising naman sya kaso nakatulog din agad pagka-inom ng tubig

Kaya hindi ko na natanong kung ano bang napanaginipan nito

Hindi na din ako dinadalaw ng antok nag-aalala kasi ako baka managinip na naman sya ng masama

Tumayo ako ng kama at kukuha sana ako ng tubig sa pitsel ngunit wala na palang laman

Kaya lumabas nalang ako ng kwarto

Naabutan ko naman si paps na malalim ang iniisip

Nakaupo ito sa mahabang sofa may hawak din syang parang maliit na bote ng gamot

"Paps!" Umangat ang mukha nya sakin

"Ano pong iniisip nyo?" Tanong ko at lumapit sakanya

Agad naman nya sakin inabot ang bote ng gamot

"Iniinom nya na yan simula pa nung 2nd year college sya! Sabi nya gamot lang daw yan sa sakit ng ulo" sabi nito

Hindi pamilyar sakin yong label ng gamot

"May sign na po pala sya ng stress dati pa" sagot ko

"At yang gamot na yan ang tinitake nya para labanan ang sakit na yon!" Umupo ako sa tabi ni paps

"Sabi ni Justine! 2nd year college daw sila nung nakita ni Deanna na pinag-tataksilan sya ni Mitch at Tots! Umiinom na sya nyan ng mga panahon na yon!" Kumuyom ang mga palad ni paps

"Drugs yan Jema!" Nagulat ako at tinignan ulit ang bote

"Nag-tetake na sya ng drugs dati pa! Pero ngayon ko lang nalaman! Ngayon ko lang narealize" napasabunot na si paps sa buhok nito

Gumagamit na si Deanna dati pa? Bago kami nag-break?

Buong akala ko ako ang dahilan ng pagkakasira ng buhay nya?

"Anong klase akong magulang! Bakit hindi ko napansin na may iba ng nangyayari sa anak ko!"

Hindi na pumapasok yong mga sinasabi ni paps sa utak ko

Pakiramdam ko nadaya na naman ako

Sinisisi ko yong sarili ko? Pero hindi naman pala talaga ako ang dahilan?

Tinanggap ko ng buo yong tao nakasakit ng sobra sakin

Dahil akala ko kasalanan ko! Kasi akala ko dahil sakin!

Hindi ko alam pero parang may-question mark na sa utak ko ngayon

Minamahal ba talaga ako ni Deanna? Nagsasakripisyo ba ako sakanya ngayon para sa wala lang?

Tumulo ang luha ko sa isiping tila naisahan na naman ako

Parang nadaya na naman ata ako

Agad kong pinunasan ang luha ko at hinarap si paps

"Uuwi na muna ako samin paps! Iiwan ko muna si Deanna at milo dito" natigilan si paps

"Pero gabi na anak! Masyadong dilikado ng bumyahe" pigil nito sakin

"Hindi ko po kasi alam paano mag-papaalam kay Deanna, na aalis ako for 2 weeks may training po kami sa Thailand at sa makalawa na po ang alis namin! Kailangan ko na po mag-empake ng mga dadalhin ko" sabi ko

"Iiwan mo si Deanna dito na hindi ka mag-papaalam sakanya?" Tumango ako

"Paano kapag hinanap ka nya?"

"Sabihin nyo po yong totoo" hinawakan ni paps ang kamay ko

"Jema! Anak, siguro may mga tanong na nabubuo sa utak mo ngayon sa nalaman natin! Pero hindi natin malalaman ang sagot dahil tanging si Deanna lang ang nakaka-alam ng lahat ng sagot! Sana wag kang mag-paapekto sa kung ano mang-gugulo sa utak mo ngayon! Kailangan ka ni Deanna anak!" Napayuko ako at dumaloy muli ang luha sa mga pisngi ko

Naramdaman ko ang pag-hagod ni paps sa likod ko

Walang salitang gustong lumabas sa bibig ko

Nahihirapan ako ayokong sukuan si Deanna

Pero hindi ko din alam ang nararamdaman ko ngayon

Lahat ng sakit na naramdaman ko nung niloko nya ako tila bumabalik ngayon

Pinilig ko ang ulo ko! Mahal ako ni Deanna

Sana nga minahal nya ako!

--

"Ok ka lang ba Jema? Ilang araw ka ng  tulala" basag ni kyla sakin

2 days na kami dito sa Thailand

Pinadala ko nalang kay Justine yong mga gamit ni Deanna sa bahay nila

Hindi ko rin sya kinakausap simula nung umalis ako

Hindi ako nakikibalita sakanya baka kasi lalo lang ako mawala sa focus sa training ko

Pero hindi ko naman maitatanggi na namimiss ko na sya

Namimiss ko na yong parang bata nyang tonong boses

Yong ngiti nyang nakakapawi ng pagod ko

Yong pangungulit nya sakin! Namimiss kona talaga si budoy

Unti-unting bumuhos ang luha ko sa mga pisngi ko

Nag-papatalo ako sa lahat ng gumugulo sa utak ko

Kaya iniiwas ko na muna sya ngayon pero ako din ang natatalo dahil namimiss ko sya!

Miss na miss ko na sya

"Ano ba kasing problema?" Naramdaman ko na ang palad ni Kyla sa likod ko

"Pakiramdam ko nadaya ako Kyla" humihikbi kong sagot sakanya

"Napapagod na ako"

"Napapagod ka ng alagaan si Deanna?" Tumango ako

"Ano ba kasing nangyari?" Tanong nya ulit

Sinabi ko yong pinag-usapan namin ni paps yong mga tumatakbo sa isip ko

Yong mga pag-duda kung talaga bang minahal ako ni Deanna

"Ito kasi ang pakinggan mo" turo ni Kyla sa kaliwang dibdib ko

"Marami kang tanong sa utak mo! Pero hindi natin yan masasagot dahil hindi naman tayo si Deanna! Hindi rin naman nya yan masasagot dahil sa current na sitwasyon nya ngayon" sabi ulit ni Kyla

"Pero Jema! Kung pag-babasihan mo ang pinag-dadaanan nyo ngayon ni Deanna! Anong bang sinasabi nyan?" Turo nya ulit sa puso ko

"Ikaw ang pumili ng sitwasyon mo ngayon Jema! Kakayanin mo bang mawala sayo si Deanna? Dahil lang sa mga gumugulo sa utak mo dahil sa nakaraan nya? O mas papahalagahan mo ngayon ang pagmamahal mo sakanya?"

Hindi ko na rin alam! Hindi ko kayang sisihin si Deanna ngayon tama si Kyla

Dahil ako yong pumili na makasama sya kahit ganun ang sitwasyon nya

Kasi akala ko responsobilidad ko sya kasi akala ko ako yong may kasalanan!

Hindi ko pweding sisihin si Deanna

Kaya sarili ko nalang sisihin ko dahil ako nag-lagay sa sitwasyong kong ito

Bakit ba kasi ang dali kong mag-pauto pag-dating kay Deanna?

May sakit na sya! Pero nagagawa parin nya kong saktan kahit hindi na nya sinasadya

Ayoko na ng pakiramdam na to! Pagod na ako

Pero kakayanin ko rin bang pakawalan at pabayaan si Deanna?

PatientlyWhere stories live. Discover now