"Ayaw mo muna bumaba? Miss ka na nila paps" tanong ni Deanna pagka-park ko sa tapat ng bahay nila
Hindi ko alam isasagot ko nahihiya parin kasi ako kela mama
"Pati si milo miss ka narin" miss ko narin sya
Binalik ko sakanila si milo bago ako umalis
Pinakuha ko kay Justine
Hindi ko parin sya sinagot nakatingin lang ako sakanya
Ngumiti sya, pumitlag naman ako ng hawakan nya ang kamay ko
"Hindi sila galit sayo, kung yan ang inaakala mo"
"Tara na! Excited nga silang makita ka eh, sinabi ko kasi sakanila na dumating ka na" sabi nya ulit
Tumango ako at sabay na kaming bumaba ng kotse
Pumitlag muli ako nang maramdaman muli ng palad ko ang palad ni Deanna
Tinignan ko sya nakatingin din sya sakin
"Namiss agad ng kamay ko eh hahaha" napailing nalang ako
"Ready?" Tumango ako, pinisil naman nya ang palad ko
Alam nya siguro kinakabahan talaga ako
Para naman kasing unang beses nya ako muling ipapakilala sa parents nya
"Ma!!! Paps!! Nandito na ako" sigaw ni Deanna pagpasok palang namin sa pinto ng bahay nila
"Jusko kang bata ka! Bakit ka ba nasigaw jan" sabi ni mama ng sumilip ito galing sa kusina
Napatigil naman sya nang makita ako, lalo tuloy akong kinabahan
"May kasama ako ma! Bumalik na sya" excited na sabi ni Deanna
"Jema? Iha? Ikaw na ba yan! Jusko lalo ka atang gumanda" tila pinamulahan ako sa papuri ni mama
Napabitaw ako sa pagkakahawak sa kamay ni Deanna nang yakapin nya ko ng mahigpit
"Masaya kami at nakabalik ka na iha"
Hinawakan nya ang kamay ko tila naluluha naman ako
"Thank you po ma" hinaplos ni mama ang pisngi ko
Kahit walang gusto mag-open sa mga bagay na nangyari sa nakaraan alam ko sa mga oras na to
Nawala na ang lahat ng pangamba kong makaharap sila
Alam ko hindi nila ako sinisisi dahil para sakanila wala akong kasalanan sa nagawa ko kay Deanna
Pero para sakin sobrang laki ng kasalanang nagawa ko sakanila
Pero nawala na lahat ng isipin iyon sa isang yakap lang ni mama
Ngumiti ako at niyakap syang muli
"Naku!! Ang drama" natatawang wika ni Deanna
Sabay namin syang tinignan ng masama ni mama hahaha
"Paps tulong! Nakakatakot ang dalawang amazona hahaha" sabay din namin syang kinurot ni mama
"Aray!!! Paps!!!!" Natawa na kami ni mama kay Deanna
"Bahala ka jan anak!!! Nagluluto ako rito!" Sigaw ni paps galing sa kusina
Napangiti nalang ako namiss ko ang pamilya na ito
"Naku iha, sobrang saya ko at bumalik ka na may artista na namang dadalaw sakin" hinarap ulit ako ni mama
"Ma! Athlete si Jema hindi artista" singit ni Deanna
"Aba'y nalabas din naman sya sa TV hindi ba ah? Kayo talagang mga kabataan hilig nyong kuntrahin mga magulang nya mga suwail talaga kayo" napatawa ako, parang ganto din yong eksena nung unang punta ko dito sa bahay nila
"Ma!!! Tinatama ka lang suwail agad? Masyado kayong judgemental"
"At ikaw naman may sakit sa mental hahaha joke lang anak" singit ni paps na kalalabas lang galing kusina
Nagulat ako at napatingin kay Deanna baka kasi mag-wala sya dahil sinabihan itong baliw
"Ah ganun paps?" Sabi ni Deanna at inipit ang leeg ni paps sa kili-kili nya
"Hahaha ang baho anak!!!!" Pigil ni paps pero kiniliti pa sya ni Deanna
Natawa na ako bumalik na yong maloko at maharot na si Deanna kahit hindi na sya si Boyet hahaha
"Loko ka talagang bata ka" natatawang sabi ni paps at hawak ang leeg nito
Bumaling naman agad tingin sakin at ngumiti
"Masaya ako at bumalik ka na anak! Kita mo? Nabaliw na naman ang boyet na to hahaha" sabi ni paps
Agad ko syang niyakap
"Namiss ko po ang kakulitan at mga payo nyo paps" sabi ko sakanya
Ginulo lang naman nya ang buhok ko
Napatingin naman ako sa paa ko dahil kinakagat ni milo ang sintas ng sapatos ko
Agad ko naman syang kinarga
"Namiss mo si mama?" Agad syang tumahol
"Namiss ka din ni mama"
"Halika na kayo at nakahanda na hapag-kainan" sabi ni paps
Binaba ko si milo at sumunod na sakanila
Naging masaya ang hapunan namin sobrang harot lang talaga ni Deanna at paps kahit sa harap ng pag-kain nag-aasaran sila
Nakikitawa lang kami ni mama sakanila
"Come back is real na ba?" Nasamid pa ako sa tanong ni paps
"Naku, Iha kung ako sayo wag mo ng balikan yang anak ko, pasasakit lang nya muli ang ulo mo" sabi ni mama
"Si mama naman!" Nakangusong reklamo ni Deanna
Natawa nalang kami sakanya
"Handa naman po akong umimom ng gamot sa sakit ng ulo ma, hahaha" napatingin sya sakin
"Sana all" natawa kaming lahat kay paps
Nag-paalam na ako sakanila pag-katapos namin mag-hapunan
Pero ayaw nila akong pauwiin masyado na daw gabi kahit 8 pm palang naman
"Pasok ka" sabi ni Deanna at binuksan ang kwarto nya
"Dito ka nalang matulog sa sala nalang ako" sabi nya ulit
"Ah eh! Maliligo ka ba? Maglilinis ng katawan? Kuha ka nalang sa tukador ko ng pamalit" tila natetense na sya
Natawa naman ako at hinawakan ang kamay nya, napitlag naman sya
"Relax ka nga!" Napalunok naman ito
"Ano kasi Jema!" Nilapit ko ang sarili ko sakanya
"Wag po ate bata pa ko!!!!" Sabay takip sa katawan nya ng mga palad nito
Binatukan ko sya
"Siraulo ka talaga"
"Hahaha ikaw Jemalyn ah? May pag-nanasa ka na naman sakin! Sabihin mo lang handa naman akong magpakain" sabay kagat ng pang-ibabang labi nya
Pinang-ningkitan ko sya ng mata at kinagat ang hintuturo ko
Napalunok naman sya at tila ba pinag-papawisan
"Li.li.ligo muna ako! Masyadong mainit eh" sabi nya at tumakbo palabas ng kwarto nya
Natawa nalang ako ng mahina
![](https://img.wattpad.com/cover/210935986-288-k263067.jpg)
YOU ARE READING
Patiently
FanfictionHanggang kailan ka lalaban para sa taong mahal mo? Chasing The Stars Book 2