Prologue

276 21 22
                                    

Sophia's POV

"Sis, sigurado ka ba dyan sa plano mo?" 

"I need to do this sis, minsan lang mangyari to. Sayang naman kung di ko igragrab yung opportunity." Napabuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa mga taong nadaan sa mall. I am with my bestfriend Angela and now she handed me a scarf as part of the plan.

"Paano kung mahuli ka? Nag-aalala ako sayo sis." Napatawa nalang ako sa kaibigan ko at niyakap siya. Alam kong natatakot din siya sa gagawin ko. 

"Di naman ako magnanakaw. I'll just do everything as planned." I winked at her. Napailing nalang siya sa akin.

"Basta andito lang ako para sayo." 

Isinuot ko na ang scarf at pumunta na sa event hall ng mall.

Sebastian Blue's Fanmeeting Event

Sa mga natatanong kung sino siya,

Well. Isa siya sa mga sikat na artist ngayon at karibal ni Noah sa showbiz industry. Noah Cruz is really my idol and my love. May issue ngayon si Noah ko at rumors na siya ang nagpasimula non. Hindi ko talaga siya mapapatawad!

Lumakad ako sa bandang gitna at sa tingin ko ito ang magandang pwesto sa gagawin ko. Sebastian Blue, maghanda ka na *smirk*

Habang abala sila, nagkunwari akong nanghina't bumagsak at nakuha ko na ang atensyon nilang lahat pati na si Sebastian. Yes, level 1 succeeded! Nagulat ako ng biglang pumunta si Sebastian at inalalayan ako.

'Wow naman, sana pala nahimatay na lang din ako.'

'Swerte ni Ate girl ngayon, walang nakakapaganyan kay Sebastian.'

'Ang bait talaga ni Sebastian. Kaya mahal na mahal ko siya.'

'Buti nalang tamang stan ko siya, hindi katulad ni Noah nako.'

Napantig ang tenga ko sa narinig. Aba't dinadamay ang loves ko?! Lalo akong nainis kaya't napatingin ako kay Sebastian na inalalayan ako at tiningnan sa mata. I will make you suffer.

"Miss okay ka lang ba?" Tanong sa akin. Medyo nakita niya ang mukha ko at napakunot ang noo. Kilala ba niya ako? I think not.

Bigla akong lumuhod sa kanya at hinawakan sa paa para hindi na niya makita pang tuluyan ang mukha ko.

"Sebastian, bakit ka ganyan? Natatakot na ako. Makikipaghiwalay ka na ba sa akin dahil nasikat ka na?" Naiiyak na sabi sabi ko at siniguradong maririnig ng lahat ang sinabi ko.

'What?! May girlfriend si Sebastian?'

'Wala namang rumors na merong babaeng napapalapit sa kanya.'

'Kawawa naman si Ate Girl'

'Baka naman nagpapanggap lang yan.'

Heh. Lagot ka ngayon.

Nagulat nalang ako ng bigla niyang hinawakan ang scarf ko and I felt his hand on my face. He whispered something that got me chills on my spine.

"I will find you."

"Sebastian?!" sabi ko at napatayo.

Nagtataka siyang tumingin sa akin at ramdam ko ang coldness niya. Oh, sht.

Bigla akong napaatras at nag-alala ng tumawag na ng security ang manager nito.

I better run. Tumalikod na ako at tumakbo ng mabilis palabas ng mall.

Hays, buti nalang di ako naabutan. Binuksan ko ang phone ko at nakitang nagtext si Angelay yung bestfriend ko.

|Angela

Ano ba yang ginawa mo bes! Malaking issue yan ngayon lalo na't sikat si Sebastian. Magtago ka muna ngayon. Buti nalang nakascarf ka kaya di ka namukhaan.

Sa totoo lang, medyo kinabahan ako sa sinabi ni Sebastian kanina pero hindi ko na muna iisipin yon. Nagtagumpay naman ako and I think this is the opportunity to meet Noah!

Pumunta muna ako sa isang malapit na botique sa mall para bumili ng bagong damit dahil baka mamaya makita nila ako at habulin ulit.

Inaayos ko ang gamit ko nang may makitang pin na nailaw dun sa scarf ko.

Sht, natratrack ako.

__

This is a work of fiction. Names, characters, places, events, and even incidents are the product of the author's imagination. Any resemblances to actual persons living or dead, and events are purely coincidental.

PLAGIARISM IS A CRIME!

That Girl: Sophia AureaWhere stories live. Discover now