Chapter 17

65 9 9
                                    

A/N: TGSA-17 is now updated. Sorry for the errors hihi.

Enjoy reading, wuvs!

*******

Sophia's POV

Natapos na yung last pair at nagtally na yung mga staffs ng points. Kami ang nasa first place kaya nakakatuwa!

"You all did great, guys! However, it's just the warm-up of the show. Be prepare for the challenge tomorrow! This one's more exciting and fun!"

Mukhang isa na ito sa highlights ng show at dapat talaga naming ayusin at galingan. Bago kasi magsimula, naipaliwanag na din sa amin na tatlong araw lang naman talaga ang shooting ng variety show. Dalawang araw daw dito ang pag-eenjoy sa Siargao na ikinasaya ko.

"Before we end this segment, we would like to announce something. Since we got two days left, things will be more thrilling." Bella paused as she signaled Jerome to continue the announcement.

"Each pair will sleep in the same room this night but don't worry because there are cameras around except for the comfort rooms. Also, you should come up with your team name for tomorrow. Another exciting twist for Let's Be Close!"

Ano?!

"This has been Bella and Jerome. Stay tuned for Let's be Close!" the emcees ended the segment and we just waved at the cameras. Pilit akong ngumiti sa screen dahil hindi ko pa rin talaga alam kung anong magiging emosyon ko.

Pagkatapos magwrap-up ng crew, iba't ibang comments ang aking narinig- most of them are shocked so as me. Sino ba namang hindi magugulat?!

Sa isang kwarto?

Kasama si Sebastian Blue?

Bahala na.

"The dinner is served at the dining hall. Pumunta nalang po muna kayo before you go to your rooms. Ibibigay namin ang susi sa mga idols."

"Hi, Pinsan!" Bati ni Joanna kay Sebastian saka ito niyakap. Si Sean naman ay tinanguan lamang ito at umuna na papunta sa dining hall.

"Kamusta ka?"

"Doing great. I hope you're not as messy as before."

"Hindi na no. Nagbago na kaya ako. Buti sinama pa kami ni Kim sa Siargao! Makakapag-enjoy pa talaga ako!"

"Tara na, Sophia!"

Humarap naman si Joanna sa akin at hinila na ako papunta sa dining hall. After naming kumain nagpaalam na si Sean at Joanna sa amin para pumunta sa kanilang kapares.

"Tara na sa room natin?" Tanong ko kay Sebastian na ikinagiti niya.

" Our room?" The tune of his voice was teasing me.

"Yung room ng bawat pair! Ano ba namang iniisip mo dyan?" Pagtataray kong sabi sa kanya, nagkibit-balikat lamang ito na tila ba inaasar pa din ako.

"I'm just asking."

That sounded weird. Kaya pala! Nakakahiya!

Ano pa kayang pwedeng mangyari mamaya?!


"What a lucky girl."

Sa di inaasahang pangyayari nakita ko sa aking likuran si Donna Melanie Recto.

That Girl: Sophia AureaWhere stories live. Discover now