Chapter 2

131 13 15
                                    

A/N: Sorry for the late update! I wanna thank you all for reading the story. I hope magustuhan nyo ang mga susunod pang chapters.

This chapter is dedicated to my ever supportive nanay @exy_fryz! Love you!

Enjoy! :)

-------------------------------------------------

Sophia's POV

Nagtago muna ako dun sa side. I really need to go, naliit na ang mundo namin. Mahirap na kapag nahuli nila ako. 

Noong nakaramdam ako ng paghina ng yabag nila I think signal ko na yon para umalis.  Mabilis na pumunta ako sa may pinto ng bigla akong harangan ni Lola.

"Where are you going?" napatingin ako kay Lola na suot pa rin ang scarf na ginamit ko kanina. Geez.

"A-ah, eh aalis na po ako. May kailangan pa po akong ayusin e." Kinakabahan kong sabi.

"Eat with us first then you may go. Consider it as my appreciation for you."

Sa totoo lang kinakabahan talaga ako na mabuko ako pero mas nakakasakit sa ulo ang ginagawang page-english sakin nitong si Lola. Naaawa naman ako kung tatanggihan ko siya di ba?

'Sophia, mag-isip ka please' 

"Lola, who is she?" napatayo na lamang ako ng maayos ng marinig ang malamig na boses na yun. Napapikit nalang ako.

Hinarap ako ni Lola Sally sa kanya at nagkatinginan kami. Ganun pa rin ang expression ng mata niya. Cold, parang wala siyang nararamdaman.

"She is, what's your name again?" Tiningnan ako ni Lola Sally na parang nahingi ng sagot, should I give my real name?

"Sophia Aurea po" Pilit kong ngiti. Hinila niya ako palapit at hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko. Please, someone help me TT!

"Sophia,this is my grandson, Sebastian. I think you know him since he's a rising star in the showbiz industry." Napatango na lamang ako at napatingin sa lalaking nakatingin pa rin sa akin ng walang emosyon. Ganito ba talaga attitude nito? No offense ha, mukhang hindi talaga ako nagkakamaling isabutahe to.

"Btw, Sebastian, she is the one who saved me and brought me home. You should thank her." Lola smiled that made me smile too.

Lumapit sa akin si Sebastian na nagpalakas ng tibok ng puso ko. His eyes were looking at mine.


"You look familiar." sabi niya. Kinabahan ako at ngumiti na lang sa kanya. Please umalis ka na sa harapan ko.


"Osya, I think you knew each other na. Sophia right?" biglang sabat ni Tita Shane. Buti nalang!


"I prepared something, tara na sa dining area. By the way, Sophia, I haven't introduced myself well a while ago. Ako ang mother ni Sebastian" Ngiti nito sa akin.


So it really means, si Sebastian ay anak ng girl crush ko?! Hay. Nagpahila nalang ako kay Lola Sally papunta sa  dining area kasi wala naman daw akong choice.

I sat on the dining table with my eyes wide open.Lima lamang kaming kakain (kasama yung assistant niya) pero sobrang daming pagkain.

"Enjoy the food, Sophia. This is what I serve them everyday at para mas madami kang  mapagpilian" Everyday?! Parang 3 days na pagkain na namin to eh. 

Tumango nalang ako at nahihiyang kumain. Sino ba namang hindi?! Ikaw na ang kumain kasama ang taong sinabutahe mo at ang pamilya niya. Jusko.

"Btw, Sebastian. How's your tour today?" Saglit akong napatigil sa sinabi ni Tita Shane at nakinig na lang habang nakain.

"A little okay." Tipid na sagot nito.

"Why is that?" tanong naman ni Lola.

"Kasi po Ma'am, may babae po sa tour na nagproproclaim na girlfriend daw siya ni Mr. Blue kaya nagkagulo ang fans." sabi ng assistant niya. Kailangan ko ng mag-isip kung paano tumakas dito. Feeling ko didispatchahin na ako dito.

"Well, magkakagulo talaga sila. Pano ba naman di ba? Wala naman talagang nilalapitan si Sebastian na lady kahit maraming nagkakagusto sa kanya."

"Stop it, ma." Napatingin ako kay Sebastian na nakafocus sa pagkain niya. Seryoso ba? Akala ko madami itong issues tungkol don. Well, di niya kasi ako fan kaya wala akong pakialam . Di pa ako nakakakita ng news about sa kanya na ganon pero sabi ng co fan ko. Ang gulo lang.

"Oh, sorry." natatawang sabi nito at sumeryoso. "Pero, sino ba yung babaeng yun?" Lumakas ang tibok ng puso ko nung iniba ng mama niya ang topic. Hinawakan ko ang baso at uminom.

"Hindi po namin alam. Baka po avid fan ni Mr. Blue o gusto siyang siraan." Bigla akong nasamid sa nasabi niya.

"*cough* *cough*"

"Are you okay?" Nakatingin na silang lahat sa akin kasama na si Sebastian na nakakunot ang noo.

"Hehe, okay lang po Lola." sabi ko at bumalik sa pagkain na parang walang nangyari.

"So,what are you going to do now?" Baling ulit ni Tita Shane kay Sebastian.

"We should find the girl and settle it asap" Naibagsak ko ang kutsara ko sa gulat. ANO?!

"Kilala nyo ba siya?" 

"Hindi pa po pero mabilis naman po ang proseso ng paghahanap, makikita din po namin yung babae." Nakikinig lamang ako sa kanila at nagpretend na wala akong alam. Mas mahuhuli ako kung magpapahalata ako.

_________

"Thank you po ulit sa masarap na foods. Nag-enjoy po ako." Ngiti ko sa kanila.

"Thank you din iha, kulang pa nga yan sa pasasalamat namin na ibinalik mo si Mama." Tumingin ako sa paligid at wala na si Sebastian. Buti naman.

"Okay lang po yun. Sige po una na po ako." Nagmano ako kay Tita Shane at Lola Sally. Aalis na sana ako pero nagsignal si Tita na wait.

"Maybe Sebastian went on his room. Dan, pakisabi nalang mamaya na aalis na si Sophia at ihatid mo na din siya."  Oh no.

"Tita, okay lang po. Tanda ko naman po yung way."

"Sige na."

Nasa hallway na kami ng bahay ng mga Blue. Naglalakad ako pero ramdam ko na nakatingin sakin yung assistant niya. Alam na kaya niya? Ramdam ko ang tibok ng puso ko sa kaba.

"Miss Aurea, right? Pwede may itanong ako sayo?" I need to cut off this conversation. Baka mamaya mapahamak pa ako at madamay pa ang fandom namin lalo na si Noah!

"Uhm, saan ang CR dito? Kailangan ko kasi." Wala na siyang nagawa kaya itinuro niya kung saan. Mabilis naman akong tumakbo sa CR at nilock agad. Ang ganda naman ng CR nila, may pinto na nagdidivide sa bathtub and sa toilet tas sa mga organizers nila ng toiletries. Humarap ako sa mirror nila at nag-ayos.


"Buti nalang di natuloy yung pagtatanong nun. Ano ba naman yan, Sophia?!" 

Nagstop muna ako ng five minutes sa banyo at binuksan ang pinto. Walang tao, I could---. 

"Where do you think you're going?"

"S-sebastian." Nauutal kong sabi. Hawak niya ang braso ko.

"What you did is wrong." Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin paharap sa kanya. Magkalapit kaming dalawa and I can't stand it.

"H-ha? A-anong ginawa ko?"

Tinulak ko siya palayo at tumalikod na.

"Have a deal with us or you'll be sued." Napatigil ako sa sinabi niya.

Mukhang nahuli na talaga ako.

That Girl: Sophia AureaWhere stories live. Discover now