Chapter 1

169 13 22
                                    


Sophia's POV

Anong gagawin ko dito?!

I might be caught. Trinry kong alisin ang pin na nakakabit dito ngunit maaring masira yung scarf kapag ginawa ko yun. I think there's only one way- kailangan kong maitapon ang scarf na to.

Agad akong lumabas sa boutique at itatapon na sana ang scarf nang may nakita akong isang matandang nakaupo sa gilid ng boutique. She seems so familiar pero di ko matandaan kung san ko siya nakita.

Without knowing, lumapit nalang ako sa kanya at kita rito na sobrang naiinitan na.

"Lola? Ito po oh, ipangtakip nyo muna." Ibinigay ko na sa kanya ang scarf at nginitian ako.

"Salamat iha" I felt her sincerity. Nakakapagtaka, bakit kaya nandito siya sa at mag- isa pa?

"May kasama po ba kayo lola?"

"I'm not with someone. I'm lost here, I can't remember where to go." Looks like she's really from a wealthy family, taga san kaya ito? Pero back to the topic, ayaw ko namang iwan si Lola dito, mamaya makidnap pa sya ng van tapos hays hindi ako makakatulog nito. Madami ng nangyari sa akin ngayong araw.

"Lola, alam nyo po ba yung address no?"

"Yes. Here." Bigla niyang ibinigay sa akin ang isang tag na nakalagay sa may wrist niya. Wow ha, alam ba nilang mawawala to kaya nilagyan ng address?

Sally Enriquez| #12 Heart St.

"Alam ko to Lola Sally, tama po ba?" Tumango si Lola sa akin.

"Sumama ka na sakin Lola, dadalhin po kita doon. Wag po kayong mag-alala." Hinawakan ko ang kamay niya at nagantay kami ng masasakyan.

____________

Pinagmasdan ko ang bahay na nakalagay sa address. Wow, ang ganda tapos ang laki pa.

Nagdoorbell na ako at ilang saglit lamang ay lumabas ang isang middle-aged na babae at ngumiti sa akin. Shems, ang ganda niya guys.

"Mama, buti nalang may nakakita sayo. Bat ka ba kasi lumabas ng hindi ako kasama." Mahinahon na sabi nito at inalalayaan ang si Lola Sally.

Napangiti naman ako sa kanya, ang sweet lang. Magkamukha na magkamukha sila ni Lola- masasabi kong maganda ang lahi nila. Kung may anak siguro ito na lalaki at wala si Noah loves ay tiyak na magpapakilala ako.

"Hi iha, salamat ha.What's your name?"

"Sophia po."

"Sophia, I'm so thankful na ibinalik mo si Mama. I wanna prepare something for you. Pasok ka muna sa bahay namin."

"Ay hindi na po Ma'am, aalis na din po ako." Naalala ko kasi na kakausapin ko pa si Angela tungkol sa nakita kong pin.

Teka.

Na kay lola na pala yung scarf ko so wala na akong problema kung sakaling matrack ako? Yeheyy!

"I don't accept no for an answer, sige na." Hindi na din ako nakahindi dahil nakangiti siya sa akin at sobrang ganda niya dahil don. Magkakacrush ata ako ngayon ng babaeng mas matanda sa akin.

Pumasok na kami sa bahay nila at sobrang ganda niya. Vintage modern ang pinakatheme ng bahay nila at makikita yung mga wood carvings na galing sa ibang bansa.

"Ang ganda po ng bahay nyo Ma'am, para pong kayo."

"Tita Shane nalang iha." Ngiti nito sa akin. Waaah. Ang ganda niya talaga.

"Maiwan muna kita dito at maghahanda lang ako pagkain." Tinanguan ko lamang siya at umupo sa sofa nila. Nagmasid masid ako para tingan ang napakahusay na pagkakagawa sa mga disenyo ng bahay nila at pumukaw sa atensiyon ko ang grupo ng mga larawan.

Sa unang larawan ay ang larawan ni Lola Sally at ang sunod naman ay kay Tita Shane.

Ang ganda talaga niya.

Napatigil ako ng makita ang isang napakalaking larawan na nagstand out sa lahat. Bakit di ko agad nakita? Tiningnan ko ang lalaking katabi ni Tita Shane sa larawang iyon. Isang lalaking ayaw kong makita at ayoko ng magpakita sa mundong ito.

Nakarinig ako ng pagbati sa may hallway at nagmamadali akong pumunta sa may sulok ng sala nila. Ano ba naman yan!? Totoo bang nangyayari sakin ang mga ito?

"Mr. Blue, nakakapagtaka pero nandito yung location nung pin na nilagay nyo sa babae kanina."

I think I'm in trouble.

That Girl: Sophia AureaWhere stories live. Discover now