Chapter 6

90 9 8
                                    

A/N: Hiiii. This chapter is dedicated to @jjxdevera! Thank you for cheering me up, fighting lang tayo kapatid! ps: Guys, you could also read his work. Quality!

Anyway, enjoy reading!!! <3

____

Sophia's POV

Ipinikit ko nalang ang mga mata ko kasi hindi ko alam kung saan ba dapat ako tumingin.

Sino ba naman kasing hindi magugulat?

Someone in front of you was topless at si Sebastian Blue pa talaga!

"What are you doing here, Miss Aurea?" 

Nakapikit pa din talaga ako. Ayokong makita.

"Uhm- Pwede bang magdamit ka muna?"

"Why??" Ramdam ko na lumapit siya sa akin kaya humakbang naman ako palayo. I signaled my hand for him to stop.

"Anong why ka dyan? Di ko dapat makita yan!"

"Why not?" Aba? In his dreams! Isa lang naman ang gusto ko laging makita.

"Nakareserve lang ang mata ko kay Noah loves kaya pwede bang magdamit ka na?" Yes, Sophia. Wala kang dapat na makitang iba. Lagi mong isipin si Noah.

Wala akong narinig na kahit ano pero nanatili pa ding nakapikit ang mga mata ko. Okay na ba? Imumulat ko na sana ngunit naramdaman kong may humila ng braso ko na naging dahilan ng pagkapit ko sa kanya.

"AAAAHHHH! Ano bang ginagawa mo?!" Napatili nalang ako sa ginawa nito at narealize na nakasuot na pala siya ng damit.

"Nakadamit ka na naman pala."

"As if that I'm going to show you my body." Napairap naman ako sa sinabi nito.

"As if din namang gusto kong makita yan!" 

Sa sobrang inis ko sa pangyayari ngayon ko lang nakita yung nasa likod nung sliding door.  Ang gandaaaaa. Siguro ito ang private room nito.

"Pwedeng pumasok?" tanong ko kay Sebastian. Nagkibit-balikat naman siya at pumasok dun sa isang pang room. Banyo siguro? Buti nalang hindi ako tinaboy nacurious kasi ako.

Nagpatuloy ako sa pagpasok ng silid. Ang simple ng background ng walls niya pero napakamanly with the mix blue and black colors. Makikita mo din pagpasok yung full-sized bed pero sa side there's a sitting area and a library wall. 

Ang hilig ko talagang magmasid ng mga ganito. Interesting kasi lalo na sa eyes. Minsan kasi  nakakaattract pumunta sa mga bahay na ganito ang mga designs. Instagrammable. 

Ano din kayang itsura ng bahay ni Noah? Malas ko lang at puro kay Sebastian yung napuntahan ko.

Nacurious naman ako sa pinasukang room ni Sebastian, bukas pa rin ito kaya sa kakulitan ko ay pumasok din ako.

Sebastian is hanging the wet hoodie na napakafamilar sa mata ko.

"Teka, ikaw yung lalaking nakahoodie kanina?" Napaharap siya sa akin- wala pa ding emosyon at ipinagpatuloy ang pagsampay nito. 

Wow. Siya talaga ang tumulong sa akin?

Well, hindi ko naman masisi ang sarili ko na ganito ang turing ko sa kanya dahil sa ginawa niya kay Noah pero kahit sino pa man ang taong tumulong sa akin, nararapat lang na iappreciate ko yung ginawa at magpasalamat ako.

That Girl: Sophia AureaNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ