Chapter 5

88 11 11
                                    

A/N: This chapter is dedicated to  AzhumeeMizzoo! Thank you for being one of my inspirations. Fighting!

Sophia's POV

Kanina pa akong nakatingin sa letter na sinend ni Sebastian sa akin. What should I do? 

I can't really make it up to the 3rd day or just leave. I didn't know Sebastian pero masasabi kong napakapowerful niya.

Tiningnan ko yung names sa contacts ko and looked for Angela- her nickname is Angie, my bestfriend.

Oh right, Angie! I should meet Angie nga pala. I've never called her sa sobrang dami kong iniisip. Gosh. 

To: Angie

Sis! Fave chikahan place, 2pm. Emergency to.

I waited for a few minutes and agad akong nakareceive sa kanya ng reply. Ito yung talagang masarap kausap, mabilis magreply HAHAHAHA.

From: Angie

Okay sis, mukhang madaming nangyari sayo. Your treat ha?

To: Angela

Oo na hahahaha. Dami kong chika. Ingat.

Well, naiintindihan naman nya ako kung hindi ko na siya natawagan non. We don't call each other often but when we meet each other, grabe! We're still the best of friends kapag magkasama. Wala man lang pagbabago.

Angela and I have different favorite places. Fave chikahan, fave kainan, fave place for shopping at iba pa kaya talagang magkasundong-magkasundo kami sa lahat ng bagay. 

 I dressed myself up at nagpaalam na ako kay mama para makipagkita muna kay Angela.

She was in our favorite burger place since highschool. I hugged her so tight.

"I have so many things to say." 

"Pero bago yun, umorder muna tayo."

"Kapag pagkain talaga tsk."

Umupo na ako at pumunta muna si Angela para umorder.

"So magkwento ka na. What happened after?" Seryoso kaming dalawa na nag-usap at kahit 30 minutes na bago naserved yung pagkain ay di pa rin tapos sa pagkukwento.

"Ayan, SCAM pala yon." Napasimangot ako at kinagat yung burger.

"Akalain ko ba na ganon? Siya pa naman pinakalegit na seller sa site."

"Ano bang true name nyan? Susugudin ko yan."

"Hindi ko nga magawa kasi baka mabuking ako e."

"Yang mga Spice talaga na ganyan sarap igisa kasama ng bawang at sibuyas e." Habang hawak nya yung phone ko at binabasa yung chat namin nung Spice. Hay, nagjojoke na naman siya.

"Angie, di ako nagbibiro."

"Sophie di din ako nagbibiro. Hmm. Malay mo naman talagang pinagmeet kayo ni Sebastian."

"What?! No."

"Joke lang." Napatawa siya. "Alam ko namang fan na fan ka ni Noah. Di ko nga alam kung bakit gustong gusto mo yun. Dami pang issues at scandals." 

Napairap naman ako sa sinabi niya.

"What do you think? Papayag ba ako?"

"As if namang may choice ka di ba? Just be careful and contact mo agad ako." Sabi nito.

I guess I really don't have a choice.

"Anyway, nasend mo na ba sa Moon Entertainment yung script mo? Ongoing pa din yung search nila right?"

"Not yet, nag-iisip pa ako ng magandang ending e."

"Sana makuha ka, malay mo na yan na ang start ng napakaganda mong career." Yes. Tama kayo guys, I am also a writer and I decided to join the search sa isang famous na entertainment. Baka sakaling mapili. Di naman masamang magtry.

"Good luck sa pagpunta mo don. Sure ka ba na hindi na kita sasamahan?"

"I am sure. I gotta go." I hugged Angie at nagpaalam na sa kanya.


Looks like it's going to rain. Wala pa naman akong dalang payong.


After naming mag-usap ni Angela, nagsearch muna ako kung saan yung way patungo sa aking target location. Wish me luck talaga.

Sumakay na ako ng bus at naghanda ng kung anong sasabihin mamaya. Raindrops fell on the window's bus.

Noooo.

"Oh my. Umulan na nga." Naiiyak kong sabi. Paano naman ako pupunta ng basa doon? Nakakahiya. Saka nalang kaya ako pumunta pag 3rd day na?

The bus stopped at the location. Napakalakas pa din ng ulan. Paano na ba to?

Napatingin ako nang kinulbit ako nung lalaking nakahoodie at mask tapos binigay sa akin yung payong niya.

"Paano ka, mister? Wait---"

Nagdirediretso lang ito at lumabas na kahit na napakalakas na ng ulan. 

I was stunned for couple of seconds at nagmadali ako palabas ng bus ngunit hindi ko na siya naabutan. Ang bilis naman non.

"Thank you, Mister!" sigaw ko nalang.

Hindi ko man lang ito napasalamatan ng maayos.

Naglakad na ako papunta sa mismong building ng Blues.Hindi naman ako gaanong nabasa because of the umbrella pero nagwoworry pa din ako. Pano kaya yung lalaki? Aayusin ko talaga ang gagawin ngayon.

Nandito ako sa building ng entertainment nina Sebastian ngayon. I just wanted to clear my name. Sabi nga ni Angie, wala din naman akong choice kasi pagpinatagal ko pa hindi ko na mahandle ang issue na to. 

"Wala ng atrasan to, Sophia." bulong ko sa sarili.

Pumasok na ako sa loob and it looked so nice. 

"Miss Aurea?" Napangiti ako ng makita si Dan sa may lobby. Buti nalang siya ang nakasalubong ko, hindi yung supladong nilalang. 

"We didn't expected na pupunta ka na agad ngayon. Have you decided?"

"Yes." Tumango ako sa kanya.

"I'll guide you to the office. Papunta na din naman dito si Mr. Blue."

"Okay." I chose not to say more. Kinakabahan pa din naman ako sa pag-uusapan namin.

Hinatid niya ako sa 27th floor and it looks like some kind of special space in this building. Wow.

"Good luck, Miss Aurea."

"Good luck?"

Ngumiti lamang ito sa akin ang sinarado na ang pinto. 

I just looked at the room's interior. Sino kaya ang nagdedesign ng buildings ng family ng Blue at ganito kaganda? Ang simple pero elegante tingnan.

Napatingin naman ako sa carpet nila. Wet footprints.

"Is there anyone here?"

 Sinundan ko yung footprints at natagpuan ang sarili sa harap ng isang sliding door. Sinubukan kong buksan iyon ngunit may naunang magbukas nito. Nagulat ako sa aking nakita at napapikit na lamang ako. Goodness. Hindi po dapat ako makakita ng ganitooo.

"What are you doing here, Ms. Aurea?"

Sebastian...

******************

A.N: Hello readers! Thank you for waiting for me TT. Medyo masama pakiramdam ko noon e.  I'll update moreeee! 

ps: What do you want me to call you? Feel free to comment it. :))

That Girl: Sophia AureaWhere stories live. Discover now