Chapter 8

74 9 9
                                    

A/N: Enjoy reading! Have a great night, wuvs!
-------

Sophia's POV

"Tsk. You're still  stubborn." 
I felt someone's hand caressed my face. 


Am I in a dream?


Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Nakahiga pa rin ako sa couch at nasa building pa rin ng mga Blues. Ngayon ko lang din napansin na may kumot na nakabalot sa akin.


"Thank you for yesterday." I saw Sebastian looking at me intently.


"Wala yun. Okay ka na ba?" Tanging tango lamang ang sagot nito. Mukhang ayos na nga siya. 

Kagabi kasi hindi ko na siya sinagot at hinayaan ko ng magpahinga. Hindi nga lang talaga ako umalis para icheck siya kahit nakatulog na sa pagtataboy sakin.


Nagexcuse muna ako sandali para magcr at mag-ayos din ng sarili kahit papaano. Bumalik ako ng may nakahain ng pagkain, naroon na din si Dan na nakatayo sa tabi ni Sebastian.


"Nasa lahi na siguro ng Blues na maghain ng madaming pagkain no?" Napangiti naman si Dan sa aking sinabi.


"Ms. Aurea, ready na po yung breakfast. Kumain na muna po kayo. Medyo okay na po ang weather kaya maihahatid na namin kayo after." Napatango naman ako sa kanya at umupo na. I will really enjoy this breakfast.  Kukuha na sana ako ng pagkain nang makita ko ang dalawa na tila ba walang ginagawa.


"Di ba kayo kakain?" Walang sumagot sa kanilang dalawa. 


Wag naman nilang sabihin na ako ang kakain ng lahat ng ito?! 


Pwede kayang iuwi para kay Mama? Joke.


"Sabayan nyo na ako. Kumain na ba kayo?"


"We can eat breakfast after we escort you home, Ms. Aurea."


"Kumain ka na. Ikaw, Sebastian?" sabi ko.


"I'm good."


"Magkasakit ka ulit nyan. Kumain ka na din." At nakatingin lang talaga sila sa akin.


"Bakit? Alangan namang kumain ako tas nakatingin lang kayong dalawa." Ewan ko ba. Kahit hindi kami close, nahihiya pa din ako na mag-isa nakain. Mas madami mas maganda.


Tumingin si Sebastian kay Dan at nagsignal ito na umuna. Wala namang magawa si Dan kaya  umupo ito sa tabi niya at kumain. Inabutan niya si Sebastian ng food at kumain na din. Ayan.


"I will just inform you that we'll still continue the contract. "


"Oo, wag kayong mag-alala. Kaya nga ako pumunta dito para ayusin na lahat at matapos na."


Kumakain lang kami ng magtanong ulit si Dan sakin. Makikita ko din sa dalawa na napakacomfortable sa isa't isa. Parang di tinuturing ni Sebastian na assistant lang ito.


"Bakit mo nga ba nagawa yon, Ms. Aurea?" Napatigil ako sa sinabi niya. Naisip ko na ang childish din ng ginawa ko. 


"Some invalid reasons. Please don't ask me kung ano. I've never said this before kaya gusto ko ding magsorry. Sorry sa nangyari, sana makabawi man lang ako sa ginawa ko." I was serious. Dahil siguro sa urge ko na ipagtanggol si Noah at dahil sa prize na yon nalimutan ko na kung ano ba talaga ang dapat gawin.


That Girl: Sophia AureaWhere stories live. Discover now