Chapter 23

74 8 0
                                    

A/N: Enjoy reading, wuvs!

This chapter is dedicated to my kambs, @funchamcham! Hii! Love youuu!

___

Sophia's POV

*Continuation of the flashback*

"Good morning, Mama!"

"Good morning, anak. Maaga kang nagising ngayon ah," Umupo na ako't tiningnan si Mama habang naghahanda ng agahan.

Yehey! Pancakes!

"Mama, may bago po akong naging friend!" Share ko kay Mama habang nilalagyan ng syrup yung pancake ko.

"Ang bilis mo namang humanap ng kaibigan, anak."

"Syempre naman po, Mama!" Kindat ko na nagpatawa lang kay Mama. Umupo na din siya sa tabi ko at dumating na din si Papa suot ang suit niya.

"Mukhang masaya ang gising ng anak natin," Papa lightly tapped my head and kissed Mama. Ang sweet naman nila.

Pagkatapos naming mag-almusal, tinulungan ko muna si Mama sa paglilinis ng bahay. Laging sinasabi sa akin ni Mama na bago ako lumabas para maglaro ay gumawa muna daw ng gawain rito. Inihatid muna ako ni Papa sa playground at nagpaalam na sa akin papunta sa trabaho.

Nakita ko si Chan Chan na nakaupo lang sa bench at nakikinig sa kanyang earphones.

"Chan Chan!" Kinulbit ko siya para malaman niya na naririto ako. Ngumiti ako sa kanya at tinabihan siya sa bench.

"Why are you here again?" Nakakunot ang noo niya sa akin habang tinanggal ang earphones.

"Ikaw, bakit maaga kang nandito?" Umiwas naman siya ng tingin sa akin at inilagay ang kamay sa bulsa niya.

"I always go here every morning."

"Ako naman nandito kasi gusto kitang makalaro," nakangiting sabi ko sa kanya.

"I don't play."

"Bakit ka pa naging bata?" Pagtataka kong tanong sa kanya. Parang di naman siya makapaniwala sa sinabi ko.

Totoo naman ah?

Mukhang hindi nagustuhan ni Chan Chan ang sinabi ko dahil tumayo siya at lumakad sa kabilang side ng playground.

"Saan ka pupunta, Chan Chan? Hindi pa tayo nakakapaglaro," malungkot kong tanong sa kanya.

Siya ang unang nakilala't naging kaibigan ko dito kaya gusto ko talaga siyang makalaro.

Humarap naman sa akin si Chan Chan at itinuro yung kabilang side ng village.

"You wanted to play right? Come on," napangiti naman ako dahil ibig sabihin nun pumayag siya. Yehey!

Sabay kaming lumakad papunta sa sinabi niya. Namangha naman ako sa nakita.

"Ito ang bahay nyo?" Tinanguan lamang ako ni Chan Chan. Ang taas naman ng gate nila! Hindi ko makita yung bahay nila. Masasabi kong mayaman sila. Sabi kasi ni Mama kapag malalaki daw yung gate mayayaman yung nakatira.

Pumasok kami doon at hinila ako ni Chan Chan papunta sa may bakuran.

"Wow."

Mayroong tree house sa tabi ng napakagandang bahay na napasukan ko ngayon. May ganito pala sa village! Umakyat kami ni Chan Chan at di naman ako nahirapang tumaas dahil inalalayan nya ako. Ang payapa namang tingnan kapag nandito sa taas.

That Girl: Sophia AureaWhere stories live. Discover now