Chapter 11

74 8 6
                                    

A/N: This chapter is dedicated to @aestheriiiles! Thank you! 

Happy 380 reads and 50 votes! - That Girl: Sophia Aurea

Enjoy reading, wuvs!

_____________

Sophia's POV

Tatlong araw na ang lumipas simula ng naging busy ako para ifinalize ang script na ipapasa ko.  Pinag-isipan ko talaga ng mabuti ang bawat eksena ng kabanata. Mas nagsikap pa ako sa ginagawa ko dahil mayroong contest na ginawa ang Moon Entertainment. Open ito sa lahat ng writers, kailangan lamang ay magpasa at sumailalim sa interview. Isa lamang ang mapipili nila na panalo at ang likha ay gagamitin nila para sa isang pelikula. 

Napakarami ang interesado at isa na ako sa mga ito. Matagal daw ang proseso ng pagpili sapagkat napakarami nga ang sasali at may isang buwan pa ang oras para sa pagpapasa ng lahat. Kahit gaano pa katagal yan ay maghihintay ako pero mas maganda na maagang magpasa para kapag nakuha na nila ang sa akin ay di na maghanap ng iba.

 Biro lamang, mukhang madami pang pagdadaanan ang bawat likha. Balak ko na noon pa magpasa- ngayon na siguro ang tamang panahon.May napakalaking opportunity- it's a sign!

May rumors din daw na ang gaganap ay mga naglalakihang artista kaya kapag nagustuhan nila at napili yung work mo, makakatrabaho mo ang mga ito at isa ka sa magdedesisyon kung sino ang gustong maging lead role! 

Noah, wait for me! 

Sana maconsider nila ang ginawa ko.

Nagprint na ako ng copies at maayos na iniligay sa mahiwagang envelope. Naipacheck ko na ito kay Mama kaya saludo akong magiging maganda ang kalalabasan nito. Nag-ayos na ako at handa ng pumunta sa Moon Entertainment.

Napakaaga kong pumunta ngunit sobrang haba na agad ng pila. Nagearphones nalang muna ako hanggang sa ako na ang sunod sa interview. Kaya ko ito. Maging kalmado lamang at sagutin ang kanilang tanong.

"Thank you for joining, Ms. Aurea. Wait for your stub as proof of application mo, you are 4305, nasa 4295 na."

"Okay, thank you din po."

Lumabas na ako pagkatapos ng interview. Hay, sana naman nasatisfy sila sa mga nasabi ko roon. Agad na pumunta ako sa room para kuhanin yung stub at napatigil nang makakita ng vending machine. Napakasarap ng snacks na nakalagay kaya napagdesisyunan ko munang kumain sandali. Nakita ko din ang paborito kong Clover Chips kaya madami din akong nabili. Nakitabi muna ako sa lalaking nakabucket hat at nagbabasa lamang ng dyaryo. 

"Cutie Pie."  Napahinto ako sa pagkain dahil sa napakapamilyar na boses na yon. Humarap ako sa aking katabi at ngayo'y inalis na niya ang dyaryo na nakaharang sa mukha niya kanina.

"Sebastian?!" 

"Keep quiet." Sabi nito na parang nagtatago. Ano nga bang ginagawa ng artistang ito dito? Mahuhuli siya kapag nagpagala-gala pa.

"Bakit ka nandito?"

"I have a meeting. You?"

"Nandito ako para doon sa contest." Natahimik kaming dalawa, wala na din naman akong sasabihin sa kanya at inalok na lamang ang kinakain ko.

"You didn't reply to me." Pagsisimula muli ng usapan namin. Sa totoo lamang, hindi ko talaga alam ang isasagot ko sa kanya. Gusto niya sigurong ako lang ang guluhin ng mga araw na yon. Clueless naman ako at ayokong magmukha pa akong mali kapag sinagot ko siya. Pagpinalala ko pa kasi, baka may ibang taong makakita at mamisinterpret. Baka awayin ako ng mga fans nito! 

That Girl: Sophia AureaWhere stories live. Discover now