Chapter 12

77 9 10
                                    

A/N: Happy 400 reads, wuvs! Thank you sa palaging pagsubaybay sa aking unang likha. Sorry sa typos and errors hehe.

Dedicated kay ulit kay  paterisyamaeee, hiiii!

Enjoy reading, wuvs!

______________

Sophia's POV

"Angie, nasaan ka na ba?"

Nasa labas ako ng bahay at inaabangan si Angie na dumating. Kasama ko siya ngayon sa "date" daw namin ni Sebastian. Ayokong mag-isa ako sa araw na ito, mas maganda na nandito si Angie para hindi awkward.

Nakangiting kinawayan ako ni Angie at nag-iba ang ekspresyon niya nang makita ako. 

"Anyare sa mukha mo?"

"Bakit ganyan ang suot mo?" I arched my brow as I looked on my outfit. 

"Wala namang masama sa white shirt, jeans and sneakers diba?"

"Si Sebastian Blue ang idadate mo sis tapos---"

"Di ko pa din icoconsider to as a date. Magkakasama pa din tayo."

"Pumasok nga muna tayo sa bahay nyo!" Nilalabanan ko ang paghila niya sa akin. Okay na ako sa suot ko!

We stopped when we heard a noise, it's from a blue Ford Mustang. I felt the excitement to ride on it. Minsan lamang ang ganitong opportunity! Let's try to take all of it.

Angie looked at me,  mas disappointed dahil sa suot ko habang nalakad na kami palapit dito. Bigla namang lumabas si Dan na ikinatigil ni Angie. Anong problema nito?

"Sis, ang gwapo." she whispered. Napailing naman ako sa sinabi niya, kapag gwapo talaga ay napakabilis ng kaibigan ko.

"Hi, Ms. Aurea. Ihahatid ko na po kayo." Napatingin naman si Dan sa katabi ko na nakahawak sa braso ko at mas excited pa sa akin.

"Uhm, may kasama ako."

"Hi, I'm Angie nga pala!" She offered her hands at agad naman na tinanggap ni Dan. 

"Okay lang ba, Ms. Angie na sa tabi na kita?" Nagtaka ako sa sinabi ni Dan. Naattract ba agad ito sa kaibigan ko? Napatingin naman ako kay Angie dahil baka makalimutan nya ang rason kung bakit siya sumama sa akin.

"Ang bilis naman non! Katabi mo agad?" Nagiisip talaga si Angie ng sasabihin at tuwang tuwa sa naging desisyon "Oo naman!"

Dan opened the car door at agad namang pumasok si Angela. Napanganga ako sa ginawa ng kaibigan ko. Hindi ba dapat magkatabi kami? Edi mag-isa lang ako sa likod?  Nadisappoint ako nang nakaupo na talaga si Angie sa tabi ng driver's seat.

Binuksan naman niya yung passenger door at di ako makagalaw sa kinatatayuan dahil di ko inaasahang kasabay namin si Sebastian! Kaya pala nagtanong si Dan ng ganon at eto namang kaibigan ko larga kaagad.

Hindi ko siya tiningnan. Dahan-dahan akong pumasok sa kotse at ramdam kong nakasunod lang ang mata ni Sebastian sa akin. Narinig kong nagsara na ang passenger door kaya nagseat belt na din ako.

"Isinama ko nga pala ang kaibigan ko." Tumango lang ito at nagsignal na kay Dan na magdrive.

I glared at Angela when she looked at me and Sebastian. Sa ngiti niya, mukhang magbibiro it maghapon. Tama bang sinama ko pa si Angie?

"Kaya pala dito ako nakaupo ngayon" She nodded. "Hi, Mr. Blue! Ako si Angela- bestfriend ni Sophia!" 

"Hello, Angela."

That Girl: Sophia AureaWhere stories live. Discover now