Chapter 25

55 1 1
                                    

A/N: Hi wuvs! Just got back. Sorry kasi sobrang nagtagal si MsFrancee. Madaming nangyari sa akin nung nakaraang mga buwan at ngayon medyo loading pa din ako HAHAHAHA. Sorry sa typos and errors. Your comments/ feedbacks are highly appreciated. Thank you sa lahat ng messages, sa mga pangangamusta at patuloy na pagsubaybay kay Sophia, Sebastian and Noah. Babawi ako. :))) #TGSA25 

Sophia's POV

"Sophia! You looked so nice on that outfit," bungad ni Joanna at nagbeso sa akin. Natuwa naman ako sa sinabi niya dahil nagpatulong din talaga ako kay Angie sa suot ko ngayon. I prefer wearing simple top with denim jacket and white laced skirt dahil ito ang paborito kong style with accessories. Casual lang din naman ang gaganapin ngayon.

"Thanks!" I smiled at her complimenting the outfit she wore as well. Sinamahan ko muna si Joanna papunta sa living room. Napakaganda ng rest house nila. Ang refreshing ng vibe kasi napakadaming puno sa paligid tapos nakadagdag pa yung swimming pool kaya ang presko sa pakiramdam.

Nagpaalam muna sa akin si Joanna at hinayaan akong magstay sa may sofa dahil may aasikasuhin lang daw siya saglit sa may kusina. Hinayaan ko nalang siya at pinagmasdan pa ang mga bagay-bagay sa paligid.

"Ang ganda naman dito," puri ko.

Napukaw ang atensyon ko sa mga succulent plants na halatang alagang-alaga dahil sa pagkakadisenyo nito sa lugar. Tiningnan ko ang iba't ibang klase ng halaman at napatingin sa kabilang parte dahil may isang pamilyar na bulto ang pumunta sa mga ito .Nakatalikod ito kaya minabuti kong lumapit para malaman kung sino. Bigla itong humarap at nagulat ako nang makumpirma kong si Lola Sally nga iyon.

" Hi, Sophia. I really expected you here. The timing was really great," isang malawak na ngiti ang ibinigay niya sa akin. Ipinagtataka ko pa ang sinabi niya na inaasahan niya ako rito. Nasabi ba ni Joanna ang tungkol dito? Naalala kong magkamag-anak nga pala sila ni Sebastian kaya't posibleng nandito din si Lola Sally. Makikita ko din ba si Mrs. Blue ngayon?

"Nagkataon lang po na nagkita tayo kasi kaibigan ko si Joanna. Bakit naman po ineexpect nyo na pumunta ako ngayon?"

"Destiny, iha."

"Destiny po na magkita tayo. Namiss nyo ba ako, Lola Sally?" Biro ko sa kanya.

"Yes. It's great to see you here. You look so pretty," kahit gustong dumugo ng ilong ko sa page-English nya, natuwa naman ako dahil pinuri niya ako.

"Kayo din po Lola, walang kupas ang ganda nyo," napatawa naman siya sa sinabi ko at napahinto na tila nakaisip ng magandang ideya.

"Hmm. Since you're here, I wanna let my friends meet you," sabay hawak niya sa aking braso. Alam kong gusto nya lamang ako ipakilala ngunit pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda. Doon na nga ako dumaan sa kabilang bahagi ng rest house para makaiwas sa mga tao at baka makita ko din si Sebastian dito.

"Nakakahiya naman po yun, Lola. Sa susunod nalang po siguro," sagot ko sa pa-anyaya niya.

"You shouldn't be shy. You're Sebastian's soulmate after all," halata sa kanyang boses ang pang-aasar na naging dahilan para kabahan ako.Kaya pala sabi niya kanina destiny tapos ngayon soulmate?! Bakit naman nasabi ni Lola ito?

"Lola, nang-aasar na naman po kayo. Hindi po ako ang soulmate ni Sebastian," sagot ko sa kanya. Mas hinigpitan ni Lola Sally ang paghawak sa braso ko at nakikita ko sa mga mata niyang may plano talaga siya.

"Well, I think you are. I wanted you to be. I really like you, iha. Come on, let me introduce you to them."

"L-lola, hindi po talaga. Hindi ko po kaya tsaka baka po hinihintay na ako ni Joanna," palusot ko dahil naiisip ko palang na makilala ang mga tao dito ay nahihiya na ako. Baka kung ano pa ang sabihin ni Lola sa pagpapakilala niya sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That Girl: Sophia AureaWhere stories live. Discover now