Chapter 4

91 13 17
                                    

Sophia's POV

---- Today is the Day! #PRIZE

Yes, tama kayo ng nabasa. I am going to receive my prize dahil sa ginawa kong yun kay Sebastian. A prize to date Noah. Ganito kasi yung nangyari kaya ako na yung nakagrab ng opportunity na yon.

*Flashback*

Nagsesearch ako ng mga pictures and videos about Noah when I saw a post from Spice. Sino siya? Well, kilala siya sa pamimigay ng mga fanmeeting tickets and fan merchandises ni Noah. Minsan nga di ko maiwasang mainggit kasi may contact siya ng manager nito at mayaman kaya nakakabili ng madami huhu.

"Wanna meet Noah Cruz in person and have a date with him? Dm me." |Spice

Mabilis pa sa kidlat akong nagmessage sa kanila.

Sophie is my username here. 

Sophie: Hi! I'm interested.

Spice: Gusto mo ba talang makadate ang isang Noah Cruz?

Sophie: Yes! What should I do.

Spice: Ganito kasi yan, there's someone named Sebastian Blue nga na nasikat ngayon. He will do everything to make Noah Cruz down. Hindi naman natin gustong mangyari yun, right?

Sophie: Oo naman.

Spice: Merong fanmeet yung Sebastian, madali lang ang gagawin.

That time inexplain niya sa akin at balikan ko siya para maconfirm yung prize ko. Sa akin na muna daw niya irereserve hanggang sa date nung fanmeet. Legit siya kaya ipupush ko na.
 

Lakasan nalang talaga ng loob.

Para sa idol!

*End of Flashback*

Medyo mahirap man talaga ang ginawa ko, mukhang worth it naman lahat. Ano kayang magandang suotin at ayos?

Agad kong inopen yung site at napakaraming news about dun sa nangyari kay Sebastian. Mukhang magandang opportunity daw yun para mawala yung issues about kay Noah. Sa fandom namin, syempre priority siya! Clinick ko na ang profile ni Spice at nagchat agad sa kanya.

Sophie: Hi, Spice! Nagawa ko na yung sinabi mo sa akin. 

Spice: Wow, so ikaw pala ang nakagawa non. Ginawa mo ng maayos ng deal without being caught.

Sophie: Syempre naman!

Sophie: So, can I get my prize na? I can't wait to meet him!

Hinintay ko pa ng ilang sandali ang chat ni Spice ngunit hindi ito sumagot sa akin.

Sophie: Spice?

Spice is typing

Spice: Aw, girl. I appreciate what you did lalo na ng fandom but I have a bad news.

Bad news?

Sophie: Ano yun?

Spice: Hindi na available yung date with Noah e, ipinacancel nila.

Sophie: Ahm, okay lang naman na maghintay ako kahit gano katagal basta matuloy lang yung date. Please.

Spice: Hindi na daw ulit magaaccept sina Noah ng ganon kasi baka maissue na daw e. Sorry. I will just send you merchandises nalang ha?

Sophie: Oh, sige. 

Isinend ko na ang address at contact number ko. Malungkot akong napaupo sa kama. I did that just for merchandises? Hindi man ganon kadami e meron na din naman ako noon. Masyado akong nagpakaepal at nagenter- nakilala ko pa si Sebastian Blue para sa merchandises?

Nagbasa nalang ulit ako ng posts sa fansite at nainis sa isang post ng babaeng fan din. It was trending on the whole site.

Just now | Sugar

Thank you for picking me, Spice! I'm the lucky one to date Noah! Hindi na mauulit dahil last kind of fanservice pero atleast naranasan ko. Mainggit kayo girls.

Agad kong binuksan ang comments at makikita don na super laki ng binayad nung Sugar kaya siya na ang napili. That was so unfair! Binalikan ko yung chat box namin ni Spice pero blocked na ako sa kanya. Argh. Nakakainis!!!

Ako pa din ang nauna, sa akin nakareserve tapos ginawa ko naman yung deal. Bakit ganon?! Gusto ko sanang magpost tungkol kay Spice ngunit mukhang sa akin din babalik at maging issue ako pa ang itakwil nila.

Naiinis akong lumabas ng kwarto at nakita ko si Mama na naghahanda na ng almusal.

 "Bakit nakasimangot ang anak ko ha? Good morning. " Yakap nito sa akin. Napangiti ako agad. 

"Good morning po. Wala naman po Mama.  May nakakainis pong balitang nabasa sa internet." Sobrang swerte ko sa Mama ko dahil napakamaintindihin niya sa akin. She supports me always.

"Nako anak, hayaan mo nalang yang mga ganyan. Mababawasan kagandahan mo kapag nakasimangot ka." Napatawa naman ako sa sinabi ni Mama. Well.

"Oo na po Ma." Sabi ko sabay kagat sa tinapay na inihanda nya at isinawsaw sa kape. Yum. Sabay kaming nag-agahan ngayon.

"Oo nga pala, Anak. Nakapagpasa ka na ba ng script mo dun sa company?"

"Hindi pa po, Ma. Bakit po?" 

"May nagpadala ng letter sayo." Iniabot sa akin ni Mama ang letter at binuksan ko naman iyon. Hindi naman ako nageexpect ng letter e.

Dear Ms. Aurea, 

You still have 2 days left to answer.

Mr. Blue

That Girl: Sophia AureaWhere stories live. Discover now