Chapter 18

65 8 9
                                    

A/N: Let us always look at the brighter side >3<

Enjoy reading, wuvs!

*******

Sophia's POV

"Sana magkita pa din tayo."

"Hahanapin kita."

"Pangako?"

"Pangako."

Lalapit na sana ako sa mga naririnig kong boses nang bigla akong nakaramdam ng mahinang pagtapik sa aking pinsgi na siyang dahilan para imulat ko ang aking mga mata. Panaginip lang pala.

"Hey. Wake up, sleepyhead."

Bumungad sa akin ang mukha ni Sebastian na nakapag-ayos na. Napapapikit naman akong tumingin naman ako sa orasan ngunit maaga pa naman para sa call time.

"Ang aga mo naman ata para mag-ayos."

"I'm used to it." He shrugged and sat on his bed. Buti pa siya, samantalang ako mukhang kulang pa rin sa tulog.

"Get up and fix yourself. We'll have a breakfast first." Tumango nalang ako sa kanya. Kahit na inaantok pa ako, tumayo na ako para kuhanin ang kit ko at ang inihanda kong damit kagabi. Hawak ko pa din ang unan ko hanggang sa pagpunta ko sa banyo.

Ibinaba ko yung unan sa side at ngayon lang narealize ang isang bagay.

Wala pala akong bra??!!!

Disappointment was written all over my face. Ang alam ko kasi hindi ko yun inalis kasi may kasama akong iba sa kwarto. Bakit ba kasi sanay akong nag-aalis ng bra kapag tutulog? Siguro unconscious ko na ding inalis kasi pagod na ako. Feeling ko naman nasa ilalim yon ng unan ko.

Aish, Sophia!!!! Sana makita ko yun nang di niya napapansin.

Mabilis na akong nagligo at ginawa ang essentials ko tuwing umaga. I wore floral blouse with denim shorts. Maliban sa pagiging fangirl ko kay Noah, fan din ako ng mga denim na damit. Syempre, suot ko na din ang undies ko ngayon.

Tahimik akong lumabas sa comfort room at inayos ang mga gamit ko. Si Sebastian naman ay nagcecellphone kaya palihim akong naghahanap sa kama ko. Nasan na kaya ang bra na yon?! Dora, send help.

"What are you looking for?" He caught me and his brows are furrowed.

"Mahalagang gamit lang, hehe."

"Let me help you." Tumayo ito ngunit hinarangaan ko agad.

"Wag na, okay lang naman." Nakangiti kong sabi rito. Hindi nagpapigil si Sebastian at tumulong sa paghahanap. Hinawakan niya ang kumot pero agad ko siyang pinatigil. Mabilis ang pagtibok ng puso ko sa kabang mahuhuli niya ako.

"Ako nalang maghahanap. Sebastia-" Pilit ko sa kanya ngunit parang wala siyang narinig. Hinila nito ng buo ang kumot, at sa hindi ko ginustong pangyayari ay nagpakita ang bra ko na tinakluban nga lamang ng makapal na kumot. Nakasabit ito sa isang designs ng gilid ng kama. Pahamak kang bra ka!!!

Agad ko itong kinuha at itinago sa aking likuran. Tumingin ako sa cameras dahil ngayon ko lamang naalala ang mga ito. Nakahinga ng maluwag ng nakasara na pala ang mga ito. Goodness!

"The cameras were off since nap time."

Humarap naman ako kay Sebastian na hindi makatingin sa akin. Buti nalang talaga di bukas yung mga cameras pero nakakahiya pa din ang nangyari.

That Girl: Sophia AureaWhere stories live. Discover now