Chapter 7

70 9 8
                                    

A/N: Keep on spreading positive vibes! Thank you for all the support! Sobra sobrang saya and thankful ako sa inyooo :( Enjoy reading!

***************

Sophia's POV

"Ma, bakit nyo naman po kakausapin yun?!" Gulat kong sabi kay Mama. Kinakabahan ako sa maaring mangyari kapag nakapag-usap silang dalawa. Knowing Mama, napakalakas ng powers niya. 

"Gusto ko lang iconfirm kung nandyan at kasama mo talaga siya." 

"Kasama ko nga po siya Ma, magsend nalang po ako ng picture sa inyo na kasama ko siya ngayon."

"Anak, minsan lang naman mangyari yan. Itanong mo sa kanya kung pwede ko siyang kausapin." Napabuntong hininga nalang ako at pumayag. 

"Try ko, Ma. Kung di ka lang malakas sa akin." 

"I love you, anak." Rinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya.

"I love you, Ma." 

Bumalik na ako papunta sa may couch kung saan nakaupo si Sebastian. Nakasandal lamang ito habang nagbabasa ng libro at nakain ng snacks.

"Uhm, Sebastian. May gustong kumausap sayo." Napakunot naman ang noo niya pero tinanggap naman yung phone. 

"Hello?" 

"WAAAAAHHH! Ikaw nga!" 

Sabi na nga ba. 

Kahit ako nagulat sa pagsigaw ni Mama. Gusto ko ng kunin yung phone sa kamay ni Sebastian pero hawak lang niya ito at talagang nakikinig.

"Alam mo ba na ang galing galing mo sa bago mong movie! Kaya tiwala akong sisikat ka talaga. Fan mo ako. Ako nga pala ang Mama ni Sophia. " 

Hay nako, Mama.

"Thank you po. Nice meeting you."

"Teka, may sakit ka ba? Halata sa boses mo."

"I'm okay, Ma'am."

"Ang cute naman ng Ma'am. Stay healthy ha para mas magbunga ng maganda ang career."

Ang daya, samantalang pag tinatanong ko si Mama tungkol sa thoughts niya kay Noah wala siyang sinasabi.

"Ma, ano ba sinasabi mo dyan?!"

"May tanong lang sana ako, Sebastian."

"Ano po yun, Ma'am?"

"Safe ba dyan sa lugar na nakastay kayo? Ang alam ko building yan ng  Blues right?"

"Yes, Ma'am."

"Ay, I like it."  Wala ng sumagot sa kabilang line. Baka naputol na, sa wakas.

"Akin na yung pho--"

"Pwede bang dyan muna magstay sa inyo si Sophia?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mama. Kung si Noah to gagawa pa ako ng paraan pero wag namang si Sebastian. 

"What Ma?! No." Pagmamaktol ko.

"Kasi delikado na. Gabi na kung ihahatid nyo tapos malakas pa rin ang ulan. Isa lang naman ang tanong ko, mapagkakatiwalaan ba kita na ligtas siya dyan at makakauwi ng maayos bukas?"

Matagal na hindi sumagot si Sebastian. Kahit ako naghihintay din sa sagot niya kahit alam kong di pabor sa kanya.

"Okay, Ma'am." 

Napaupo nalang ako sa sofa at di makapaniwala sa nangyari. Para akong ipinamigay. Nakakaiyak naman to.

"Okay, ingat kayo and enjoy." Enjoy?! 

That Girl: Sophia AureaWhere stories live. Discover now