Chapter 24

54 5 2
                                    

A/N: Enjoy reading, wuvs!

This chapter is dedicated to @miminker!

___

Sophia's POV

"A-aray! Bakit mo ba ako pinapalo, Angie?" Daing ko sa kanya. Pumunta kasi siya ngayon sa bahay namin para marinig ang mga kwento ko sa nangyari sa Siargao. Nakwento ko na din kasi sa kanya ang nalaman ko tungkol kay Sebastian. Nakangiti pa rin ito sa akin sabay hampas ulit sa braso ko.

"Nakakakilig kasi kayo, sis! Meant to be talaga!" Napailing na lamang ako sa sinabi niya. Meant to be nga ba ang tawag don?

The trip to Siargao ended.

Many things happened and I still can't believe it. That night, Sebastian and I were surrounded by stars full of truth and longing.

He told me that he is Chan Chan- my childhood sweetheart.

Walang lumabas na kahit anong salita sa bibig ko noon kaya niyakap ko na lang din siya pabalik. Hinayaan nya lang ako na maunawaan ang mga pangyayari. Bumalik lahat at naalala ko ang mga memorya na kasama ko si Chan Chan.

Gusto ko pa sanang maging malinaw ang lahat. Magtatanong na sana ako sa kanya ngunit tumawag na sa kanya si Director Kim para pag-usapan yung project nila. Tahimik lang kami nung bumalik sa cottage. Sa paghatid ni Sebastian sa akin sa room namin ni Joanna, hindi ko na siya nakita hanggang sa pag-uwi.

Hindi man lamang napunan ang mga tanong sa isipan ko.

"Feeling ko naman siya talaga si Chan Chan, tinawag ka niyang Pia di ba? Sabi mo naman yung childhood sweetheart mo lang ang natawag sayo nun."

May point but what if?

"Paano nalang kung inimbestigahan nya ang tungkol sa nakaraan ko para bawian ako?"

"Masyado ka nang nag-iisip ng kung ano-ano, Sophie," natatawang sabi sa akin ni Angie.

"Kami lang naman ang nakakaalam nina tita tungkol dun at yung mismong childhood sweetheart mo. Bakit ka naman pag-aaksayahan ng panahon ng isang Sebastian Blue kung hindi naman mahalaga?" Dagdag niya.

"Oo nga."

"Kailangan mo nang makausap si Sebastian para malinaw na at maniwala ka na talaga,"  sabay bigay sa akin ng churros.

It's been four days. Wala naman akong natatanggap na kahit anong message man lang galing kay Sebastian. Kahit "hi" man lang o mga bagay tungkol sa sinabi niya sa akin sa Siargao. Iniwan niya lang ako na confused. Hindi ko alam kung trinitrip lang ba ako ng lalaking yun.

"Kung hindi si Sebastian yun, lagot talaga siya sa akin."

"Paano kung siya talaga? Ano kayang mararamdaman mo?" Angie teased me.

Sa totoo lang, naghahalo ang emosyon ko ngayon. Ayokong maniwala kay Sebastian dahil pakiramdam ko masasaktan lang ako at may mangyayaring hindi maganda. Hindi ko alam kung naglalaro lang ba siya o seryoso. Kung totoo man na siya nga na si Chan Chan, hindi ko alam kung anong mukha pa ang maihaharap ko sa kanya. Aakalain ko ba namang ang lalaking sinabutahe ko ay childhood sweetheart ko? Parang di ko mapapatawad ang sarili ko.

Bakit nga ba hindi ko man lang napansin?

Lagi lamang kasing nakatatak sa isip ko na napakalayo naman ng mundo namin dahil artista siya at fangirl lang naman ako ni Noah na binangga siya. Malaki din ang pagkakaiba ng mukha ni Chan Chan kaysa sa mukha ni Sebastian.

"Can you remember me now? I am Chan Chan, Phia. Your childhood sweetheart."

Aish, hindi ko muna iisipin. Ayoko munang magconclude agad hanggat hindi ko nakakausap ulit si Sebastian at maconfirm ang tungkol dito.

Itinigil ko muna ang pag-iisip ko ng todo sa bagay na yun at nagkwento pa ako kay Angie tungkol sa mga nangyari sa akin sa variety show.

"Mag-iingat ka sa Donnang yun ha."

"Huh? Mabait naman siya."

"May gusto nga yan kay Sebastian. Aagawan ka ng babaeng yan!" Sigaw ni Angie sa akin.

"Aagawan? Wala naman akong gusto kay Sebastian. Tsaka, bagay kaya sila."

"Weh? Mas bagay kayo! Basta, lumayo ka  at may naaamoy akong di maganda sa kanya."

"Ikaw talaga, Angie. Di na naman siguro kami magkikita. Ang mahalaga lang naman sa trip na ito ay nanalo kami!" Natatawa kong sabi sa kanya.

"Masaya ka na ba ngayon?"

"Masaya ako na nanalo kami," ngiti ko kay Angie. Kukuha na sana ulit ako ng churros nang mapatigil sa itinanong niya sa akin.

"Masaya ka bang tapos na ang contract nyo?"

"Oo naman! Wala na akong problema at tapos na talaga lahat ng connections namin ni Sebastian," pilit kong nginitian si Angie sa sinabi niya.

"Kilala kita sis, alisin mo na ang ngiting yan," iling niya sa akin at nagfocus na sa pinapanuod naming movie.

Napatingin tuloy ako sa salamin dahil sa sinabi ni Angie. Ang mga ngiting ito ay hindi sa akin.

Ano bang nangyayari sa sarili ko?

----

"Angie, sigurado ka bang may sundo ka ngayon? Pwede ka namang matulog dito."

"Don't worry sis, may sundo ako," kindat sa akin ni Angie.

Medyo late na din kasi kaya nag-aalala ako kung dadating pa ba ang sundo ni Angie. Nasa labas kami ng bahay at patuloy na naghihintay. Biglang dumating ang isang di pamilyar na sasakyan sabay tigil sa tapat ng bahay namin.

"May bago kayong sasakyan, Angie?" Curious na tanong ko sa kanya.

"Wala, Sophie. May bago lang akong sundo," sagot niya kaya agad ako napatingin sa taong lumabas sa kotse.

Si Dan?!

"Ang dami kong nakwento sayo, Angie. Tapos hindi mo man lang kwinento sakin ang tungkol dito," maktol kong sabi sa kanya.

Nagpeace-sign lamang sa akin si Angie at niyakap na ako.

"Madami pa namang time, sis. Tsaka kulang pa nga yung oras ng pagdradrama mo kay---"

Tinakpan ko nalang ang bibig ni Angie dahil baka marinig ni Dan. Nagpaalam na sa akin si Angie at pumasok na sa kotse.

"Ingatan mo si Angie ha," ngiti ko kay Dan. Yumuko ito at sasakay na sa kotse nang may sinabi siyang huling linyang sa pagpapaalam na ikinagulat ko.

"Ms. Aurea, naging abala lang siya noong mga nakaraang araw. Magkikita ulit kayo. Wag ka na malungkot dyan," ngiti ni Dan sa akin sabay pasok sa kotse.

Si Sebastian ba ang tinutukoy nito?

Kumaway ulit ako nang makaalis na sila. Napakabilis naman ng dalawang iyon. Nagkita lang din sila dito tapos ngayon nagkakamabutihan na sila.

Mag-isa na lamang ako sa bahay ngayon dahil may trabaho si Mama. Humiga na ako sa kama at chineck ang phone ko. I saw a message from Joanna.

|From: Joanna

Hi, Sophia! We'll be having our Despedida party tomorrow. Punta ka ha?

Free naman ako at walang plans bukas kaya makakapunta ako. Agad naman akong nagreply kay Joanna.

|To: Joanna

Syempre naman, malakas ka kaya sakin. See you tomorrow!

Naalala kong nasabi niya na after the Siargao trip ay aalis na din sila. Madami na din daw aasikasuhin doon kaya narush ang pag-alis nila. Kahit sa napakaikling panahon ay naging close na din kami at nakabuo ng magandang bond.

|From: Joanna

Don't miss it. Sebastian will be there too.

That Girl: Sophia AureaWhere stories live. Discover now