Chapter 22

63 8 8
                                    

A/N: Sorry for the late update! Anyway, HAPPY 1K READS, WUVS! HUHUHU I LOVE YOU ALL!

This chapter is dedicated to @MochiPark_13! Lovelots!

PS: Feedbacks are open so don't hesitate to comment or message me :))

___

Sophia's POV

We're just silent while hugging under the night sky.

I could recall those moments.

It was back then.

15 years ago.

*flashback*

Kalilipat lamang namin sa bagong bahay dahil nadestino muli si Papa sa bagong site na pagtratrabahuhan niya. Nasa labas pa ang mga kahon na naglalaman ng gamit namin mula sa dating bahay. Mamimiss ko ang mga kalaro ko doon. Sabi naman sa akin ni Mama na wag mag-alala sapagkat bibisitahin pa rin namin ang mga ito.

Mukhang hahanap na naman ako ng bagong makakalaro. Pinagmamasdan ko ang labas ng village, meron din daw ditong playground at excited na ako dahil dadalhin daw ako ni Papa roon. Naging abala sina Mama sa pag-aayos ng mga gamit namin at paglilinis ng bahay. Gusto kasi niya na lahat ng ito'y maayos na ngayon.

"Papa, dadalhin nyo na po ba ako sa playground?"Tanong ko kay Papa. Ngumiti naman siya sa akin at hinawakan ang aking kamay para alalayan. Nagpaalam na kami kay Mama na abala pa rin sa ginagawa.

Inihatid muna ako ni Papa sa may playground at nakita kong napakaraming bata ang naglalaro't naghahabulan.

"Mukhang marami ka na uling magiging kaibigan dito, anak!"

"Sana nga po, Papa! Para marami na ulit akong kalaro!"

"Babalikan kita dyan ha? Tutulungan ko lang si Mama," hinalikan ako ni Papa sa noo at bumalik na.

Umupo muna ako sa isang bench malapit sa may slide. Hawak-hawak ko si Jelly, ang paborito kong teddy bear at nagmamasid sa kanila. Nahihiya pa akong lumapit dahil bago pa lamang ako dito. Sana may lumapit sa akin. Maya-maya ay may grupo ng mga babae na pumunta sa akin at sa tingin ko mas matanda sila sa akin ng ilang taon.

"Oy, bata. Ikaw ba yung bagong lipat?"Bungad sa akin nung bata na nasa gitna. Tumayo ako at ngumiti sa kanila.

"Oo. Ako nga pala si Sophia! Sana maging magkaibigan tayo!"Bati ko sa kanila.

Nagtinginan naman sila sa isa't-isa na para bang nag-uusap yung mata nila. Ano ba ang meron?

"Diba galing ka doon sa may squatters area?" Nagtaka naman ako sa narinig. Maayos naman ang aming tinitirhan sa dating bahay. Village din ngunit mas malaki ang sa kanila.

"Home yun ng criminals at dirty people di ba?"Sabi naman nung isang batang may hawak na barbie doll at tumingin ng masama sa akin.

"Hindi! Hindi totoo ang mga sinasabi nyo. Nakatira ako sa isang vil---" Nagulat ako ng itulak ako nung isang bata na aking ikinabagsak. Nagkaroon pa ako ng sugat sa tuhod pero pinigil kong umiyak. Tinawanan lamang ako ng mga ito. Nasaan na kaya si Papa? Sana bumalik na si Papa dito.

"Ang lampa niya guys!"

"Mukhang poor din!"

"Ayaw kitang maging friend. Loser!"

"Hindi ako loser! Baka kayo ang loser!" Sigaw ko sa kanila at tumayo mula sa pagkakabagsak. Sabi ni Mama sa akin, magpakabait ako't wag makikipag-away para maging maganda ang pakikitungo nila sa akin pero matuto din akong ipagtanggol ang sarili ko.

"Aba nasagot ka pa ha!?"Kinuha nung batang nasa gitna si Jelly at pinagpasa-pasahan nila ito.

"Jelly!"Pilit kong inaabot ang paborito kong laruan na tila napapagod na din sa pagbato at pagsalo muli sa kanya.

"Umalis ka na kasi dito. Di nababagay ang katulad mo dito." Ganito din ba ang ginagawa nila sa ibang bata?

"Hindi ako aalis dito," sabi ni Papa sa akin dito niya ako susunduin mamaya.

"Ayaw mo pa rin ha,"Natakot ako nung nakitang itatapon na niya si Jelly sa basurahan ngunit may batang lalaki na  kinuha si Jelly.

"Lennie, what are you doing?" Kalmadong tanong niya doon sa Lennie.

"We're just playing!" Kumunot ang noo nung batang lalaki at itinaas ang isang kamay.

"On the count of five, I don't want to see all of you here. Never do this again," kita ko naman doon sa nang-aaway kanina sa akin na natakot sa sinabi nito. Mukhang malakas ang powers nung lalaking may hawak kay Jelly.

Nasa tatlo pa lamang ang pagbilang niya ngunit wala na akong nakitang bata sa playground.

Wow. Ang cool naman niya!

"Ang galing mo naman! Salamat sa tulong mo," tumingin ako sa kanya ng may paghanga. Lumapit siya at inabot si Jelly.

"Anong name mo?" Tanong ko rito sabay kinuha si Jelly. Kawawa naman ang teddy bear ko. Ganito ang naging welcome party niya. Isusumbong ko sila mamaya kay Mama!

"---Chan," napatingin na lang ako dahil nagsasalita na pala siya. Chan daw ang name niya?

"Bakit ang hina ng boses mo?"Pagtataka ko. Kanina medyo malakas pa ang boses nya pero ngayon ang hina na. Naiiba din niya ang boses nya! Ang galing!

Hindi naman siya sumagot sa akin. Umupo nalang siya doon sa bench at ibinaba ang bag niya. Sinundan ko siya sabay upo din sa tabi niya.

"Sige, tatawagin nalang kitang Chan Chan! Ako nga pala si Sophia!"

"Pia," yun ang sinabi niya habang may hinahanap sa bag. Inilabas niya ang isang maliit na lalagyan na ginagamit din ni Mama sa akin tuwing may sugat ako. Tiningnan niya ang sugat na nasa tuhod ko at dahan-dahang ginamot ito.

"Salamat! Ang cute naman neto!"Turo ko sa duck band-aid na nilagay niya sa huli. Nilagay na niya yung kit sa bag at nagulat ako nang may kinuha din siyang isa pang band-aid at nilagay kay Jelly.

"Thank you din daw sabi ni Jelly!"

"You're welcome, Jelly."

"Teka, bakit nung ako yung nagthank you kanina pa di ka nag you're welcome?"Pagmamaktol ko. Alam kong mas cute si Jelly sa akin pero cute din naman ako. Gusto ko ding marinig yun sa kanya!

"You're welcome, Pia. Happy?"Napangiti naman ako sa sinabi niya. Sabi na nga ba! Mabait din si Chan Chan.

"Chan Chan, ilang taon ka na ba?"

"Seven."

"Wow! Magkaedad tayo!"Nakangiti kong sabi sa kanya.

Magsasalita pa ulit sana ako nung biglang dumating si Papa. Nagtataka siyang lumapit sa akin.

"Sophia, anak. Bakit mukhang nawala yung ibang bata dito?"

"Magic po, Papa. Si Chan Chan po ang magician, bagong friend ko," masaya kong pagpapakilala kay Chan Chan. Mukha namang naniwala si Papa sa sinabi ko kaya lalo akong nasiyahan.

"Hi Chan Chan," nginitian ito Papa at tango lamang ang naging sagot niya.

Nagpaalam na ako kay Chan Chan dahil uuwi na din kami ni Papa sa bahay. Bumalik ang tingin ko kay Chan Chan at kinawayan siya.

"Sana makita ulit kita bukas!" 

That Girl: Sophia AureaWhere stories live. Discover now