Chapter 9

68 9 5
                                    

A/N: This chapter is dedicated to paterisyamaeee thank you for reading and supporting! Lovelots! 

Enjoy reading, wuvs!

___________

Sophia's POV

Naiinis talaga ako sa isang yon. Napakaunpredictable!


Inalis ko agad yung wallpaper at nilagay ko nalang ang picture ko.  Pasalamat siya, pagbibigyan ko to ngayon. Chinat ko muna si Angie na nakauwi na ako at ibinaba na ang phone. Dumating si Mama dala ang pagkain at tinulungan ko na din siya.


"Oh anak, bakit ka sumigaw?" 


"Wala po Mama. Nabigla lang po ako."  


"Nabigla ka lang talaga anak ha, si Sebastian na ang sinabi mo." Grabe talagang mang-asar si Mama. Inihanda na niya ang pagkain at kinukulit niya talaga ako na magkwento tungkol kay Sebastian. 


Naalala ko tuloy yung nagawa ko kaya nagsimula ang lahat ng ito.

"Mukhang marami kang sasabihin sakin anak. Ang lalim ng iniisip mo."

"Ma? May kailangan po akong sabihin sa inyo." Huminga ako ng malalim dahil mukhang mahabang kwento ito. Kailangan ko nading sabihin kay Mama. 


Kwinento ko simula sa ginawa ko noong fanmeet, sa aming muling pagkikita hanggang sa pagpunta ko sa building ng mga Blue kagabi. Walang labis, walang kulang. Sinabi ko na lahat kay Mama. Hindi ko din naman matitiis na may itago sa kanya. 


"Sa dami mong nasabi anak, isa lamang ang masasabi ko. Mukhang talagang itinadhana kayo anak ah."

Nagawa pa talaga ni Mama ang magbiro. Parang pinupush pa ako nito kay Sebastian.

"Wag mo naman pong sabihin yan, Ma." 


"Kasi pinagtatagpo kayo sa di mga inaasahang pagkakataon."


"Pinagtagpo nga siguro kami Ma pero di kami magkakatuluyan. Sure po ako doon. Ang advance nyo naman pong mag-isip." Inaaliw talaga namin ni Mama ang isa't isa.


"Wag kang magsalita ng tapos anak at di tayo nakakasiguro dyan." Sumeryoso ang mukha niya.  "Lesson na yan sa iyo. Sa susunod dapat mag-ingat ka na sa mga online na yan. Isipin kung ano ang tamang gawin sa lahat ng pagkakataon. Masamang gumawa ng bagay na makakasira sa kapwa mo. Alamin mo muna kung ano talaga. Wag padalos dalos." Napatango nalang ako sa sinabi ni Mama. The best talaga ang mga payo nya.


"Oo nga po. Pasensya na po talaga. Basta babawi nalang po ako doon sa deal."


"Galingan mo, mukhang makikita na kita sa tv. Proud ako sayo."


"Di ko pa nga din po alam yung gagawin pero basta babatiin ko kayo doon. Okay ba yun Ma?"


"Oo naman, anak. Mag-ayos ka din ha." Hinawakan ni Mama ang aking buhok at inayos ito.  "Sa nangyari ba, ano namang naramdaman mo, Anak? "


Naramdaman ko?


"Wala naman po, Ma." Hinto ko.  "Di ko naman talaga ganon kakilala si Sebastian at alam nyo namang hindi ako bibitaw basta kay Noah. Loyal to."


"Anong first impression mo sa kanya?"


Nagulat naman ako sa tanong ni Mama sa akin. Para talaga akong nasa hot seat.  Pangalawa na siya ngayong araw  na nagtanong sa akin nito. Talaga bang kailangan pa yung impresyon ko sa kay Sebastian?


That Girl: Sophia AureaWhere stories live. Discover now