Chapter 20

67 9 7
                                    

A/N: Stay safe to y'all! Thank you for all the messages, votes, and comments.

Revelation 1.0 next

Enjoy reading this, wuvs!

*****

Sophia's POV

Day 3.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Sebastian kahapon. Bakit ba parang gusto nya na magkasama kami? Bakit ba gusto nyang kilalanin pa ako ng mabuti? Ano bang ginawa ko at ako ang nakapukaw ng interes nito?

Ayon kasi sa mga naririnig ko, wala namang malapit na babae sa kanya maliban sa relatives nya at close friends. Minsan naiisip ko kung matagal na ba kaming magkakilala dahil ganoon ang pakikitungo niya sa akin. Pilit kong inaalala kung nagkita na ba kami bago pa mangyari ang sa fanmeet pero di ko naman nakakasalubong yung ganong mukha dati.

Gusto ko man siyang kausapin tungkol rito ngunit mukhang madami siyang inaasikaso para sa bago niyang project. Si Joanna ang nakasama ko simula kagabi.

Pasimple ko lang tinatanong ang mga bagay tungkol kay Sebastian ngunit wala din naman itong masyadong alam dahil nasa ibang bansa siya. Wala akong magagawa kundi itanong mismo kay Sebastian.

Mas nababahala ako dahil sa bawat araw na magkasama kami sobrang lakas ng tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit. Well, malapit na din naman matapos ito. After the show, wala na din ang contract at hindi na din posible na magkita pa kami nito. Mabuti na din yon.

Nakangiti akong tinanggap ang isinabit na gold medal sa amin ni Sebastian. Nanalo kami! We are the champions for the show! Woot!

Napakalaki kasi ng lamang namin sa mga kalaban kaya nakita agad kung sino ang panalo. Nagkaroon din kagabi ng mini-games at syempre di kami nagpahuling dalawa ni Sebastian. I can recall that we had a bonfire and talked about our perspectives to his/her partner. Mayroon ngang pagbabago, naging close kami kahit papaano ni Sebastian. Inaasar nga nila akong maswerte kasi nakapartner ko siya.

Pagkatapos ng huling shoot, they wrapped up and we traveled again for our last destination- Cloud 9 Siargao.

According to some travelers, Cloud 9 Siargao is rated as the best surf break in the Philippines and one of the spots to hang out on Siargao. Nagsearch pa ako tungkol dito at mas namangha nang makita ko na mismo ito. Napakaganda.

Excited na talaga ako! Ngayon ay makakapag-enjoy na kami ng walang cameras na nakabantay. I wore white high-waist trousers and use my floral scarf as a top. Nagsuot din ako ng shades to complete my look.

Pagkarating namin, nagstay muna kami sa isang cottage- magkahiwalay ang sa artists, crew and participants. May kanya-kanya na din silang plans for this travel. Sina Joanna ay mabilis din nawala kasama si Sean para magsurf samantalang ako ay nagpaiwan muna dito.

Napatingin ako sa cottage ng mga artists kung nasan si Sebastian. He looks so busy. He closed his eyes while stretching his neck a little. Mayroon talaga siyang pinagkakaabalahan simula kahapon. Napatayo na lamang ako nang tumingin siya sa pwesto ko. He smiled at me that made me cover my face. Napailing nalang ako sa naging reaction ko at umalis muna sa cottage.

Lumabas na ako at nagmasid-masid sa paligid. The waves are calling out my name as the wind embraces me. Pinuntahan ko din yung kabilang side at nakakatuwa lang dahil napakadami ding puno dito sa Siargao. Napakarelaxing pumunta rito, I could also see Joanna and others enjoy surfing. People would really love to visit this paradise!

I took a lot of pictures and stopped when I saw Angie calling me.

Angie calling....

That Girl: Sophia AureaWhere stories live. Discover now