Chapter 19

88 9 6
                                    

A/N: "Once you replace negative thoughts with positive ones, you'll start having positive results."- Willie Nelson.

Fighting lang! Be positive, walang susuko. <3

Long updateeee! Sorry sa typos and errors.

Enjoy reading, wuvs.

*********

Sophia's POV

"The first pair to arrive! Wow! Ang bilis naman nila, Bella."

"Tama ka dyan, Jerome. Ngayon makikita natin ang pagbubukas ng box para sa Team Cutie."

Sinalubong kami ng dalawang emcees habang papunta doon sa pwesto namin kanina. Si Sebastian ang nagbukas ng box at sa pagbukas nito, may nakita kaming papel sa loob. Itinago din namin ang susi dahil sabi ni Bella na kailangan namin ito sa last challenge. Kinuha ko yung yellow na sticky note sabay binasa naming dalawa ang clue.

First Station: 3se Dpdpovu 3

YES!! Codes nga!

"Can you decode it?" Ibinigay sa akin ni Sebastian ang papel at tiningnan ko itong mabuti. Simula nung nagfangirl ako, nasanay na ako sa ganitong activities dahil nagbibigay ang co-fans ng mga merch kapag nanalo ka sa mga quizzes, etc. Minsan nga may pa- giveaway pa!

Fangirl tip: Kapag may opportunity (lalo na kapag libre naman), igrab mo! Try lang ng try!

Hmm, tingnan natin.

Feeling ko yung number 3 sa una ay may ibang meaning doon sa nasa dulo. Napatingin naman ako sa mga letrang nakalagay, pakiramdam ko na hindi ito jumbled letters at kailangang ishift ang mga ito.

Nagsulat ako sa may buhangin ng letters na R S T at D E F. Ito ang mga posibleng paraang ginamit sa variety show para ipakita yung words. Nung pinili ko yung letter R and D, agad kong nahulaan na rankings ang ibig sabihin nun, 3RD. Posible din na ito ang ginamit na letters para sa isa pang salita.

First Station: 3se Dpdpovu 3

D P D P O V U 3

>>>>>>>>>>>>

C O C O N U T 3

3rd Coconut Tree

Gotcha!

"Third coconut tree yung nakalagay!"

"Nice, let's go."

"Teka. Napakarami namang ganito, saan natin hahanapin?"

"I saw coconut trees on the entrance of the resort. We may find another clue there." Tumango ako sa kanya at sinabayan siya sa pagtakbo. The cameraman was also following us to record the things we found out.

Nakita ko naman sina Joanna at Sean kasama ang kanilang kapartner na nagdedecode na nung clues sa box samantalang di ko pa nakikita ang iba kasama na sina Miss Donna.

"We're here."

Napakarami ngang coconut trees dito sa entrance. Lumapit kami sa bawat puno para makasigurado. Sa aming paghahanap, nakakita na siya ng isang bagay na kumikinang sa damuhan. Agad naming pinuntahan ang bagay na iyon.

Napatingin ako kay Sebastian na hawak na ang next clue. Napakamapagmasid din niya katulad ko. Pinulot niya ang bote at nakakita kami ng scroll sa loob nito. May sign ito katulad ng papel kanina.

That Girl: Sophia AureaWhere stories live. Discover now