Chapter 15

63 10 8
                                    

A/N: Happy 600 reads! Sorry for the typographical errors. Enjoy reading, wuvs!

_______________

Sophia's POV

I'm excited yet nervous at the same time. First-time kong pumunta sa Siargao at hindi ko pa kasama si Mama.

"You are mature enough na, anak." Ito lamang ang sinabi ni Mama sa akin noong sinabi ko na malayo ang pupuntahan ko at limang araw pa. 

Nasa tamang edad na naman daw ako to travel. Gusto niya daw na maging independent na ako sa ibang bagay na gagawin ko. 

Hays. Hindi nyo naman ako masisi dahil lumaki talaga ako na kasama lagi si Mama.

Buong buhay ko, bawat paglalakbay hindi nawawala si Mama. She is the one who guides me when I'm lost. Sobrang swerte ko dahil binigay siya ng Panginoon sa akin.

Simula kasi ng mawala si Papa noong 7 years old ako dahil sa cancer, si Mama na lamang ang tanging gumagawa ng paraan para mapunan ang pangangailangan namin sa araw-araw. Sabi niya lamang na magpakatatag kami pareho at maging handa sa maaring mangyari sa amin.

Pumasok si Mama sa kwarto ko dala ang iba pang essentials sa pagtratravel. Siya raw ang expert dito. Hindi niya alam, expert siya sa lahat.

Tinulungan ako ni Mama sa pag-aayos ko ng maletang gagamitin at tiningnan kung ano pa ba ang kailangan kong dalhin sa trip na ito. Nagkaroon pa kami ng kwentuhan ni Mama dahil sa mga ganitong trips din sila nagkakilala ni Papa. Kinukulit pa niya ako na ipabati ko daw siya kay Sebastian.

I decided to wear a denim crop-top jacket with a white lace skirt that is above my knee and nude sandals as footwear. Pinili ko ding isuot ang dangle earrings ko and shades to complete the look.

"You look great."

"Syempre naman, Mama. Mana po kaya ako sa inyo!" I said as we go outside the house. Dala ko ang maleta ko and a small Korean backpack.

"Konting oras nalang. Mamimiss kita agad, Ma."

"Ano ka ba, mag-enjoy ka doon. Basta ichachat mo ako sa mga kaganapan ha."

"Yes po. Ma, this is it." Niyakap ko siya ng mahigpit habang hinihintay namin ang pagdating ni Dan. 

"Good luck, Anak. May tiwala ako sayo na kayang-kaya mo yan. Babatiin mo ako para makita ko sa TV ha." 

"Sophia, fighting!" We said in chorus na dahilan para matawa kaming dalawa. After a couple of minutes biglang dumating na si Dan at nagpaalam muli ako kay Mama.

Dan escorted me to a room na may mga staffs holding cameras. Mukhang mapapalaban nga ang visuals ko dito.

"Good day, this is Ms. Sophia Aurea. She will be the partner of Mr. Blue." Napatango naman ang mga staffs sa sinabi at pinaupo ako sa table na may nakatapat na mga cameras. May ikinabit ang mga ito sa aming kamay na sa tingin ko ay lie-detector machine. 

"There are some questions that we will ask you, Ms. Aurea. Please bear with us."

"Okay."  I calmly said and looked at Dan who's more confident than I do. Well, kayang kaya ko ito. Simula palang.

"Are you a fan of Mr. Sebastian Blue?" They asked me, full of courage. Mukhang ito nga talaga ang mga tanong dahil sa pagkakatanda ko sa mga sinabi ni Dan noon, fit ako sa role dahil di ako interesado kay Sebastian. Maybe the show wanted something unique with artists and true non-fan.

"No."

I am a fan of Noah.

Bigla naming narinig yung correct buzzer and that only mean na nakapasa ako sa unang tanong.

That Girl: Sophia AureaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora