Chapter 16

73 9 8
                                    

A/N: Hello to all the readers of #TGSA, silent reader man kayo o yung mga nagcocomment, vote and message pa sa akin, super appreciated ko! Thankful ako na naging part kayo ng journey kong ito.

Enjoy reading, wuvs!

**************

Sophia's POV

"Welcome to Siargao!"

The staff of the resort we checked in greeted us while hanging neck garlands on us. My eyes roamed around as we went to the lobby. The ambiance of the place was so bright and lovely. 

Hindi kami nagkaroon pa ng oras na makapaglibot dahil gabi na din at sabi ng mga directors na makikita din naman ito bukas. Mayroon na daw unang gagawin at ngayon ang pagbubukas ng variety show.

Sa lobby muna kami ng resort nagstay habang kumakain na ng hapunan. Excited na excited na si Joanna sa gagawin mamaya samantalang ang katabi niyang si Sean ay kalmado lamang habang nakasuot pa rin ng earphones. Tsk. Ako naman ay nakain ng tahimik at iniisip pa din ang maaring mangyari mamaya na magkita muli kami ni Sebastian.

Naagaw ang atensyon ng lahat sa mga dumating. The cameras are flashing as the artists walked with charisma. I was looking at each one of them and paused when I saw Sebastian's eyes met mine. Umiwas na lamang ako ng tingin sa kanya at ipinagpatuloy ang pagkain ko. Pumunta lahat ng artists sa isang hall at may staff ding nagsabi sa amin na sumunod pagkatapos. 

Kinuha na ng mga staffs sa hotel ang gamit namin pagkatapos mag-ayos ng sarili. Dadalhin daw nila ito sa designated na rooms namin. May mga tinanong muli ang mga organizers sa amin.  Pagkatapos nito’y pumunta na kami sa hall at humanga ako sa aking nakita. Iba't ibang artista na napakasikat ngayon ay kasama ko sa isang silid na dati'y tanging sa telebisyon ko lamang nakikita. Buti nalang dala ko ang fangirling kit ko sa travel na ito.

Fangirl tip: Maganda na may dala kang marker, magagandang papel at iba pang fangirling stuffs para sa mga di inaasahang pangyayari, kapag makakita ka ng artista/ idol mo ay makapagpaautograph ka. Maganda na nakapagpapicture ka na ay may autograph ka pa! Hindi yung wala ka man lang kahit anong dalang panulat tapos sa kamay mo na lang ilalagay yung pirma nila, mawawala din yun agad.

The artists formed a line then Director Kim, the director of the variety show, instructed us to go to our partners. I silently go beside Sebastian who’s now smiling at me.

“Hi.” Tinanguan ko lamang ito at ginantihan ng isang ngiti.

Bakit niya nagagawa yon? Parang ako lamang ang apektado sa sinabi niya noon.

Kalma, Sophia. Kaya mo to.

Tumingin na din ako sa harapan ng mga staffs, the cameras are focusing to all of us. Ganito din pala ang nafefeel ng mga artista sa TV. Medyo nakakailang pero sa tingin ko kailangan kong masanay sa limang araw na ito.

The emcees came and they did a countdown for the opening of the show. They are so good at delivering lines and greeted the viewers pati na din kami.

“Welcome to Let’s Be Close, Idols Edition.” They both said.

“I am Bella.”

“and I am Jerome.”

“Let’s look forward to the challenges that will be given to the idols with non-fans. Let them be close!”

“This episode is so challenging because we could see another side of artists. How could they be close to non-fans and will they be a fan of them after the show?”

That Girl: Sophia AureaWhere stories live. Discover now