Chapter 26

21.4K 679 43
                                    

Zeke's

Welcome to Palawan.

Kakalabas pa lang namin sa airport pero si Amber parang lantang gulay na. Ayaw naman niyang magpabuhat kaya hinayaan ko na lang siyang sumandal sa'kin habang naglalakad kami. Nakapulupot ang isang braso niya sa braso ko habang nakadantay na halos ang katawan niya sa akin. Kulang na nga lang talagang buhatin ko itong cute kong girlfriend. Inaalalayan ko na lang siya hanggang makarating kami sa sasakyang nirentahan ko.

"Amber, okay ka pa?" I led her to the backseat. She really looked drained.

"Yeah..." she muttered. Hinawakan niya ang sentido at marahan iyong hinilot. "Just a little dizzy."

Pinahiga ko na siya since kasya naman ang katawan niya. But I doubt na comfortable siya sa gano'ng position. She smiled weakly at me. I didn't know na ganito ang magiging effect sa kanya ng biyahe. Napaisip tuloy ako kung paano niya nagawang sumama sa papa niya since pilot iyon. For sure nagiging lantang gulay rin siya. That's too kind of her.

Pumasok na ako sa driver's seat at ini-start na yung ignition, hindi nagtagal ay nabuhay rin ang makina. "Dapat sinabi mo kaagad na mabilis kang mahilo sa eroplano."

Tiningnan ko siya sa salamin. Nakapikit lang siya at mukhang masakit pa rin ang ulo. Nagdala sana ako ng gamot kung ganito ang mangyayari. "I just...don't want you to worry because of me."

"I can't stop myself to worry. Sige na, get some sleep habang nabiyahe tayo." Napailing na lang ako sa narinig. Pumunta ako sa pwesto niya para halikan siya sa noo. "Sleep tight, Amber."

Bumalik na ako sa harap ng manibela at nag-start nang magmaneho. I tried my best to drive smoothly para hindi maistorbo ang tulog niya. Papunta kami sa hotel na pina-reserve namin para magpahinga muna bago namin puntahan yung pakay na address. Sana lang nando'n nga ang papa ni Amber. At sana, may malaman pa kami tungkol sa league.

I hope this one hell of a ride mission will be a success. Amber's here, I have to double the security. I wanted to end this as soon as possible. Pakiramdam ko, habang tumatagal ay lalong lumiliit ang mundo namin. Lalong lumalapit ang panganib.

--

Halos lahat ng mga nadadaanan ko napapalingon sa'kin. Ang weird. Ngayon lang ba sila nakakita ng taong binubuhat ang prinsesa niya? Fine, babae ako and I know I really looked fine but was it really that odd to carry someone who's gorgeous like me?

Napabuntong-hininga na lang ako at hindi na sila inusisa pa. Ayoko na kasing gisingin si Amber dahil sobrang himbing ng tulog niya kaya binuhat ko na lang siya papasok sa hotel hanggang sa room namin.

Nakasunod na rin yung mga gamit namin kaya wala nang problema. Umalis na rin naman yung mga nagdala pagkatapos kong magbigay ng tip. Sinara ko na ang pinto at hiniga siya ng maayos sa kama. I was being so gentle kasi baka mapaano iyong injury niya. Hindi pa naman kasi magaling. Inalis ko na rin yung sapatos pati yung jacket niya nang dahan-dahan pero nagising pa rin ito.

"Amber," I hushed, "matulog ka pa."

Pinapahiga ko siya kaso nagpipilit naman umupo. Sa huli naman ay wala rin siyang nagawa. Sinipat niya ang paligid bago ako tingnan.

"You didn't wake me up." She pursed her lips. I wanted to kiss her but I stopped myself.

Inalis ko na ang pony niya sa buhok. I brushed her hair using my fingers. "Ang himbing na kasi ng tulog mo, ayoko nang istorbohin ka."

She stared at me for a few seconds before nodding. She hugged my waist and pulled me to lie down beside her. She rested her head on my chest. Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa tiyan ko. Bigla naman akong nakaisip ng kalokohan. I really like teasing her, that's for sure. "Honeymoon na tayo."

Zeke's Secret Obsession (GL) [Completed]Where stories live. Discover now