1

1K 172 102
                                    


DISCLAIMER: This story is fictional. This is not affiliated with the school, institutions and places that will be mentioned. Names and events are all made up and coincidental.


"Hoy! Gumising ka na malalate ka na sa klase mo!


Idinilat ko nang kaunti ang mga mata ko at inunat ang aking mga kamay. Kinuha ko ang cellphone ko para tignan ang oras.


Fuck! It's 5:40 in the morning!


I have a class at 7am at dito ako natulog sa bahay! Shit! Bawal akong ma-late sa klase na 'yon. Tumayo agad ako at nagmadaling mag-ayos.


Grabe naman kase kagabi, pinuyat ba naman ako ng mga kaibigan ko. Sabi nila, kakain lang kami sa labas tas biglang nag-aya mag MOA. Sabi ko uuwi na ako, aba kinidnap ako ng mga tanga. Sana kasama nalang namin si Fayth, edi sana maaga kami nakauwi.


"Shit... Shit.... Shit..." Nagpapanic na ako habang kinukuha ang uniform ko. Dumeretcho agad ako sa bathroom para maligo.


Dapat pala natulog nalang ako sa dorm ni Rain. Bat ba nila ako dinala dito bahay? Mga tanga talaga, ang sarap nilang ibalibag ngayon.


Sinuot ko ang sapatos ko at agad na kinuha ang bag ko. Nang makalabas ako ng kwarto, naalala kong naiwan ko yung jacket sa kama kaya agad kong binalikan.


Pagkababa ko ng hagdan, nakita ko si Ate Lyn na nagluluto ng almusal habang si Kuya Austin naman ay umiinom ng kape habang nagbabasa ng libro.


"Oh di ka na kakain, Mira?"


"Hindi na po sa school nalang ako kakain, malalate na ko eh." Nagmamadali akong lumabas ng bahay at sumakay sa kotse.


Nang maka-dating ako sa UST, nakita ko ang prof kong naglalakad papunta sa main building. Patago akong tumakbo papunta ng main building para hindi ko makasalubang ang prof ko.


Pagdating ko sa klase, agad kong nakita si Rain na natutulog sa kanyang upuan. Di na 'ata natulog 'tong gagang 'to.


Lumapit ako sakanya at binatukan siya.


"Hoy Raelynn Allison Aquino gumising ka na! Gigising ka o sasampalin kita?" Pagkatapos kong sumigaw, napansin kong tumahimik ang buong klase. Yun pala, andiyan na yung prof namin.


Buti nalang mabait 'to kung hindi, kanina pa kami pinalabas.


The past 3 hours was boring pero may natutunan naman ako. Pagkatapos ng klase, biglang nag-ring yung phone ko. Fayth was calling me.


"Baket?"


[Panget ka den!] Sagot sa'kin ni Fayth. Ito tumawag lang ata toh kase walang mapagtripan.


"Ito tatawag tawag tas ganyan sumagot."


[Okay okay ito na kasi yon. Nag-text sa'kin si Ate Lyn. Sabi niya, tawagan daw kita at sabihan na pag tapos na lahat ng klase mo, puntahan mo daw yung pinsan mong si Ralph sa Mapúa.]


Ha? Bat kailangan kong puntahan si Ralph sa Mapúa?


[Kunin mo daw yung camera kase aalis daw ate mo mamayang gabi at may pupuntahan daw sila ng jowa niya. Di ko alam kung baket ako pa yung ginulo niya 'e pwede ka naman niyang tawagan.]


"Oo nga naman. Bat ikaw pa tinext niya?" Natawa nalang ako.


[Aba'y ewan ko don. Sige na, may training pa 'ko. Bye! Ingat papunta at huwag tanga!] Sabi ni Fayth at bigla niya nalang pinutol ang tawag.


Collide With You (Hermosa Series #1)Where stories live. Discover now