17

132 48 65
                                    


"Mira,"


I was writing some notes and was listening to my prof nang bigla akong kinalabit ni Rain. Hindi ko siya pinansin  at nagpatuloy sa ginagawa ko.


"Uy, Mira!" Rain whispered again. Nung kinalabit niya ako sa braso biglang kumaliwa yung sinusulat ko.


"Putangina, bakit ba!?"


"Wala naman, saan tayo pupunta mamaya?"


"Tangina ka, kanina ka pa kalabit ng kalabit tapos ganyan lang itatanong mong hayop ka!" I shouted.


"Miss Andrada." I looked at my prof who was looking at me. I apologized and he continued to discuss in front.


"Bat ang init ng ulo mo ngayon? Araw ng mga puso tapos ganyan ka. Meron ka ba?" Rain asked.


"Wala."


"Nag-away kayo ni Blaze 'no?"


"Hindi," I said and continued writing. "Nagtalo lang kagabi."


"Ano ba yan! Birthday mo kahapon, Valentine's Day ngayon tapos di kayo magkasundo. Monthsary niyo rin ngayon diba? Pano na mamaya?" She asked. Biglang nag ring yung bell and our prof bid goodbye.


"Bala siya! Kung ayaw niya pumunta, edi wag! Salamat nalang sa lahat."


I said, tumayo ako sa inuupuan ko at lumabas ng klase. Nagmamadali akong nag-lalakad habang si Rain naman ay tumakbo para makahabol sa'kin.


"Oh, mukhang badtrip ka 'ata?" Biglang dumating si Adrian at sumabay sa'min.


"Obvious naman diba?" I said and rolled my eyes at him. He put his hand on my head and stopped me from walking. He hugged me and caressed my hair.


"Belated Happy Birthday and Happy Valentine's Day, Mira. Kumalma ka na, if you need someone to talk too I'm always here." He whispered.


Medyo gumaan yung loob ko nung niyakap ako ni Adrian. But still, iba pa rin yung pakiramdam kapag si Blaze yung yumakap sa'kin.


"Mira, emergency! Kailangan daw tayo ni Elaine. Nadisgrasya 'ata!" Rain said.


"What!? Asan siya ngayon?" Kumawala ako sa yakap ni Adrian at tumingin kay Rain.


"Kasama ni Liana, tara!" Rain said. Nagpaalam na kami kay Adrian at agad agad kaming pumunta sa kotse ko. I started the engine, tinawagan ulit ni Rain si Liana habang nagdadrive ako.


"Hello? Asan kayo? Ano ba nangyari?"


I was focused on the road when one person caught my eye, leaving a flower shop. It was Blaze holding a bouquet of flowers with a red-haired girl. Who the hell is that?


"Hindi ba si Blaze 'yon? Sino yung kasama niya? Mukha namang pokpok." Rain asked pagkatapos niyang tawagan si Liana.


"Ewan ko, pake ko sakanya."


"Wow, taas ng pride. Mas mataas pa 'ata yan kesa sa Mayon sis."


Rain said, I rolled my eyes at her. Sanay na akong masabihan ng ganyan, wala namang bago. Pagkadating namin agad kaming pumasok sa dorm ni Liana at nakita ko agad si Elaine na umiiyak.


"Hey, what happened?" I caressed her back. Dala dala ko yung emergency kit ko at tinignan ang nga sugat niya.


"May masakit ba sayo? Ano ba nangyari?" I looked at Elaine, who was still crying. "It's okay if you can't tell us but atleast I have to know."


Collide With You (Hermosa Series #1)Where stories live. Discover now