27

116 12 0
                                    

"Is it night already?"


Tanong ko sa isang nurse na kasama ko dito sa operating room. Ang hirap kase maging surgeon, ni hindi ko na napapansin ang oras kapag may inooperahan ako.


"Opo Dra. Mga 11:57 na po ng gabi."


Tumango nalang ako sakanya at tinulungan siyang ligpitin ang mga ginamit namin kanina sa pag-oopera. I was about to go nang bigla kong naalala si Rain. I didn't see her today.


"Excuse me but did Dra. Aquino went home already?"


"No doc. Hindi po siya pumasok ngayon."


That's strange. She never texted nor called me today. Maybe she had an emergency? I sighed and walked straight towards the station when I saw a guy talking to my Dad. He glanced at me then his face lit up.


"Mira!"


"Felix?!"


Tumakbo ako papalapit sakanya at niyakap siya. We were best friends back at Med School. Me, Felix and Rain.


"Lalo kang gumaganda. In-love ka 'no?" aniya.


"Tanga, may jowa ako diba?"


"Ay, taray kayo pa' rin? Sanaol nalang." He chuckled. I gave him a soft smile and he just sighed.


"Is she here?" he asked.


"No. Hindi siya pumasok."


I said and that made him look down. I know what he's talking about. They both still haven't moved on from what happened and I understand every pain they felt.


Nagpaalam na ako kay Felix at agad kong tinawagan si Manong George para sunduin ako. Hindi na ako pinayagan ng parents kong mag-maneho mag isa simula nang maaksidente ako kaya ayon, naghigpit sila saken. Naging 50/50 daw ang buhay ko dahil sa lakas ng pagkabangga saken. It's miracle that I survived.


I was in a coma for weeks but when I woke up, I can't remember anything that happened recently. The doctor said na I have a retrograde amnesia and it is usually affecting the recent formed memories. While resting at the hospital, my family and friends helped me to remember everything.


Dumating si Manong George sa ospital at agad agad akong pumasok sa kotse


"Kamusta ang iyong trabaho, Mira?" Tanong niya sa'kin.


"Katulad lang rin naman po ng mga nakaraang araw. Masaya pero nakakapagod." nakangiting sinabi ko. Habang nasa byahe hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.


Naramdaman ko ang malambot na unan na aking hinihingaan. Huh? unan? Hindi ba nasa kotse ako? Unti unti kong binuksan ang aking mga mata at napansin ko na umaga na at nasa kwarto ako.


"Good Morning, Mira." Agad kong nakita si Ate Lyn na may dalang almusal para sa'kin.


"Good morning Ate! Teka, umaga na? Sino ang nagbuhat sa’kin papunta dito sa kwarto?" Tanong ko sa Ate kong nagtitimpla ng kape para saken.


"Ah, dinala ka ni Kuya sa kwarto mo kase hindi ka na magising sa sobrang pagod mo kaya ayon. Sigurado akong gutom ka dahil hindi ka nanaman nag-hapunan kagabi." Sabi niya sabay abot ng tasang may lamang kape.


“At pa’no mo naman nalaman yon?”


“Your surgery started at 7:00pm and sabi ni Dad hindi mo daw siya sinulpot sa cafeteria para kumain.”


Collide With You (Hermosa Series #1)Where stories live. Discover now