5

332 134 28
                                    

"I'll be there. Just a sec."


Nagmamadali ako papuntang klase dahil malalate nanaman ako. Buti nalang talaga at ginising ako ni Ate Lyn kung hindi, nako talaga.


"Muntik ka nanaman ma-late. Hindi mo ba dala yung kotse mo?" Sabi agad ni Rain pagkapasok ko.


"Maaga ka lang! At saka tinatamad ako mag drive 'e."


Dumating ang prof namin at agad na nagturo ng panibagong aralin sa'min. Me and Rain were listening attentively since next week daw ay magoobserve kami sa ospital.


The class ended and we decided to eat outside.


"San mo balak kumain?" She asked.


"Kahit saan."


"Sige, hanap tayo ng kainan na 'kahit saan'."


Apaka pilosopo talaga. Ang sarap itulak sa kalye.


Since hindi namin alam kung saan kami kakain, niyaya na rin namin si Adrian.


"Sa KFC nalang kaya tayo kumain?"


We all agreed at pumunta na kami sa KFC. Si Adrian na ang umorder habang kami naman ni Rain ang naghanap ng table. Umupo ako sa tabi ni Rain at tinignan ang sugat niya.


"Is your wound okay na?" I asked.


"Medyo okay naman na siya. Thank you, Mira." Rain smiled.


I smiled at her and rest my head on her shoulders. Pag nakita ko yung gumawa nito sakanya sasakalin ko talaga hanggat sa hindi na siya makahinga.


Dumating na si Adrian dala dala ang mga pagkain na inorder namin. We ate and talked about our plan next week para sa observation at research.


"Anyways, how are you and Kurt?" Adrian asked.


Napatingin kami kay Adrian. I glared at him while Rain looked down. Hinawakan niya ang sugat niya at parang naluluha siya nang marinig niya ang pangalan ni Kurt.


"Siya ba ang gumawa sayo niyan?"


Tumingin sa'kin si Rain at tumango. Sabi na 'e. Gago talaga yung Kurt na 'yon. Humanda siya pag nakita ko siya. Pagkatapos namin kumain, bumalik na agad kami sa school.


"Mira, kumalma ka! Wag mong gawin 'yang binabalak mo!"


Pigil sa'kin ni Rain habang hinahanap ko ang lalaking nanakit sakanya. Pagkadating ko sa klase ni Kurt, agad akong hinarang ng dalawa niyang tropa.


"Bat kayo andito? Bawal kayong pumaso—"


"Tabi! kung ayaw niyong tadyakan ko pa kayo." Inis na sinabi ko.


At tumabi nga sila. Mga duwag naman pala 'e. Kung kasama ko lang si Fayth ngayon siguro kanina pa niya sinuntok yung dalawang 'yon.


Nakita ko si Kurt na may kaharutang babae habang naka upo ito sakanya. Napatingin ako kay Rain, hindi ko mapinta ang mukha niya. Agad akong lumapit kay Kurt at sinampal siya.


"Fuck! What was that for?" Kurt asked.


"That's for using Rain." Sinampal ko ulit siya sa kabilang pisngi naman.


Lahat ng kaklase niya ay napatingin sa'ming dalawa. Buti nalang wala pa silang prof at nasampal ko din 'tong hayop na 'to.


"And that's for hurting her. Gago!"


Collide With You (Hermosa Series #1)Where stories live. Discover now