23

105 31 0
                                    


"Mauuna na ako, bye!"


Sigaw ko at naglakad ako papalabas ng klase. This is our last day in school and finally, I can rest my body and mind after a long and tiring school year. Pang-limang araw rin ngayon ng burol ng ama ni Blaze. Hindi pa rin ako nakakapunta dahil ako ang nagasikaso kay Ate nung na-ospital siya.


Pumasok ako sa kotse ko pinaandar ito. Pinapapunta ako ngayon nila mommy sa ospital dahil pwede na daw maka-labas si Ate. Pagkatapos ko siyang sunduin ay agad akong pupunta sa burol. Habang nagmamaneho ako ay biglang tumunog ang selpon ko, tinatawagan ako ni Sky.


"Hello? Bakit?"


[Pupunta kami ni Elaine sa burol mamaya, sasama ka ba?]


"Oo pero baka mahuli ako," Sabi ko. Kailangan ko munang siguraduhing ligtas at maayos ang kalagayan ni Ate bago ako umalis ng bahay.


[Sige, kita nalang tayo doon ng mga 6pm. Mag-iingat ka ha?] Sabi ni Sky at binaba ang linya.


Pagkatapos ng mga ilang minuto ay nakarating na rin ako sa ospital kung saan naka-confine si Ate. Ipinarada ko ang kotse ko at bumaba. Pumasok ako sa loob at agad na dumeretcho sa kwarto ni Ate. Bubuksan ko na sana yung pinto nang makarinig ako ng ingay mula sa loob.


"Bakit mo nagawa sa'kin 'yon? Bakit!" Sigaw ni Ate habang umiiyak. Binuksan ko ng ka-unti ang pintuhan para mas lalo kong marinig ang usapan nila.


"Jennelyn, hindi ko talaga sinasadya 'yon. Lasing ako 'non, hindi ko alam ang ginagawa ko. I—"


"Fuck your excuses, Michael! Lasing ka man o hindi, dapat alam mo ang ginagawa mo. Buong buhay ko pinaniwalaan kita na hinding hindi mo magagawa 'yon. Pinagkatiwalaan kita tapos gagaguhin mo lang ako? Fuck that!"


Bigla nalang umiyak si Ate, lumapit sakanya si Kuya Michael para yakapin siya ngunit lumayo si Ate.


"Don't touch me," tinanggal ni Ate ang singsing na nasa daliri niya "Ayoko ko na, pagod na ako. Ibabalik ko na ang singsing na 'to sayo. You're free, Michael. Mahal na mahal kita pero tama na."


"No, please. Let's fix this, hindi kita kayang iwan. I can't live without you, Jennelyn." Lumuhod si Kuya Michael sa harapan ni Ate habang nagmamakaawa.


"Please stand up, I've already made my decision and that is to let you go. You can live without me, Michael. You just have to believe in yourself that you can."


Ngumiti si Ate pero kitang kita ko sa mga mata niya na hindi niya ito gustong mangyari, na hindi niya talaga gustong pakawalan si Kuya Michael. But, what she did was for the best.


Hinayaan ko muna sila at pumunta muna ako sa canteen. Bumili ako ng kape para naman ganahan ako dahil unti unti nalang at babagsak na ako.


Habang naglalakad ako pabalik sa kwarto ni Ate, nakasalubong ko si Kuya Michael na naka tayo sa harap ng elevator. Hawak hawak niya yung singsing na ibinigay niya kay Ate bilang pangako na papakasalan niya ito. Ngunit, mukhang wala nang magaganap na kasalan.


"Kuya Michael, you're here"


"Mira, kamusta ka?" Tanong niya sa'kin at itinago ang singsing sa bulsa niya.


"Okay lang naman po. Binisita niyo po ba si Ate?"


His expression changed when I said that. He really must've been hurt when my sister decided to end their 8 year relationship. Ang alam ko nga ay balak na talaga niyang pakasalan si Ate kaso sa kasamaang palad, nauwi sa hiwalayan.


Collide With You (Hermosa Series #1)Where stories live. Discover now