2

505 158 43
                                    


I heard my alarm ringing. I think I forgot to turn it off last night. What time is it? I looked at the wall clock infront of me.


It's just 6 o'clock in the morning!? God, I still need some sleep!


Sinapo ko ang ulo ko sa sobrang sakit. Ayan puyat pa, Selene. Onti nalang talaga kukunin ka na ni St. Peter.


I did my morning stretching and went to the bathroom para maghilamos. I went down to the kitchen to cook some breakfast. Wala si Ate ngayon sa bahay dahil nasa apartment siya ng boyfriend niya at si Kuya naman ay may shift sa hospital.


I cooked tuna omelette and some pancakes. I also made myself some coffee para naman ganahan ako.


Pagkatapos kong lutuin at ayusin ang mga kakainin ko. Dinala ko yung mga pagkain sa living room at nilapag 'yon sa maliit na lamesa dahil manonood muna ako sa Netflix.


Before I watched a movie, I was using my phone at nakita kong may notification ako sa Instagram.


Blaze accepted my follow request and he followed me back!


Nang makita ko ang pangalan ni Blaze, naalala ko yung nangyari kagabi. Chineck ko ang messenger ko at nakita ang message niya.


"Are you stalking me?"


Bigla nalang akong napapikit at namula sa sobrang kahihiyan. Akala ko panaginip lang, totoo pala. Hindi ko alam ang sasabihin ko sakanya kaya hindi ko nalang binasa yung message.


Pagkatapos ng movie, iniligpit ko ang mga kinainan ko at hinugasan ang mga 'yon. Umakyat ako sa kwarto para makapagayos na dahil pupuntahan ko pa si Fayth sa dorm niya.


I took a bath and wore a white low neckline with puff sleeves partnered with a maong high waisted shorts and a black belt. I also matched it with a gold chain black shoulder bag.


Hinayaan kong nakabagsak ang buhok ko since basa pa siya. I looked at the time and it's already 9 o'clock. I grabbed my car keys and walked downstairs.


"Manang Flor, aalis po muna ako ha? Pakisabi nalang po kay ate at kuya na may pinuntahan ako." Agad na tumango si Manang Flor. Sinabihan niya ako na mag-ingat at nagpatuloy siya sa kanyang paglilinis.


Lumabas ako ng bahay at sumakay na sa kotse ko. Di naman siguro ganon ka-traffic papunta sa dorm ni Fayth ngayon diba?


After an hour, nakarating na din ako sa dorm ni Fayth sa Ateneo. Kung hindi siya pinalad maging varsity, balak niya nalang sana mag-aral sa UST para sa iisang dorm daw kami.


Wala 'e. Ang galing galing kase mag volleyball. Sa aming magtotropa, siya ang sporty. Taga "sana all" nalang kami.


Nang makarating ako sa may pintuan ng dorm ni Fayth, naririnig ko ang mga teammates niyang nagtatawanan. Kakatok na sana ako ng biglang bumukas yung pinto.


It was Fayth. She was wearing a black indy sports bra partnered with a high waisted khaki cargo pants. She was also wearing some white shoes at may hawak hawak siyang windbreaker jacket.


"Tara?" Aya ni Fayth na nakangiti. Mukhang excited pumunta sa MOA palibhasa libre ko.


Pumunta kame sa parking lot at agad na sumakay sa kotse. Sumakay si Fayth sa tabi ko at umalis na kami.


I missed this kind of roadtrip! Nakakamiss rin siya kasama sa mga ganitong gala. Simula kase nung naging varsity siya naging busy na siya sa training at acads niya since ang course na kinuha niya is architecture.


Collide With You (Hermosa Series #1)Where stories live. Discover now