24

99 27 0
                                    


“Nineteen years old pedestrian, Ameera Selene Andrada, vitals are unstable, blood pressure’s low,” sabi ng paramedic sa isang doctor while Mira was being brought down from the ambulance and rushed inside the hospital. 


“How long has she been out?” tanong nung isa, “10 minutes. She was already unconscious when we arrived at the scene. It’s hard to find a steady pulse since she hit her head hard and she has already lost a lot of blood.”


“Okay, Dr. Jimenez, get him into trauma room 2, page Dr. Ledesma and Dr. Gomez and have an OR room on standby. ” sabi ng doctor, and they all rushed to do the jobs assigned to them.


“I- I’m Cathy po, a friend of hers. Is she going to be okay?” tanong ng isa sa mga kaibigan ni Mira sa doctor habang papalapit siya sakin. 


“Hi, Cathy. I’m Dr. Lim, and I assure you that we will do anything we can to save your friend. Ms. Andrada is in good hands.” sabi sakanya ng Doctor.


Bigla nalang naiyak si Cathy, Sky at Elaine nang makita ang duguang katawan ni Mira.


"Alam na ba ni Blaze 'to?" Tanong ni Elaine


"Hindi. Hindi niya na kailangan pang malaman 'to." Cathy said and they all took a seat habang inaasikaso ng mga doktor ang kaibigan nilang sugatan.


"The OR is ready, doc." Dumating ang isang nurse agad nilang dinala si Mira do'n para maooperahan.


Nag-antay sila Cathy, Elaine at Sky sa labas ng OR at nagpahinga muna habang inaantay ang iba. Inabot ng umaga ang operasyon, nanatiling gising si Cathy sa kadahilanang hindi maka-tulog dahil sa pag-aalala niya para sa kaibigan.


"Cathy!" 


Sigaw ni Fayth at agad na tumakbo palapit sakanya at niyakap nang mahigpit ang kaibigan. Kasama ni Fayth ang isang lalaki at dumating din si Ralph.


"What happened to Mira? Asan siya? Is she okay? Please tell me she's okay." Pag-aalalang sinabi ni Fayth.


Cathy explained everything to them. Tiyak na hinding hindi niya mapapatawad si Blaze sa mga nangyari. Bigla nalang naiyak si Fayth at agad siyang niyakap ng kasama niyang lalaki.


"Blaze?"


Lahat sila napatingin sa direksyon kung saan nakatitig si Ralph. Sa sobrang galit ni Cathy ay agad siyang naglakad palapit kay Blaze at sinampal ito.


"Walang hiya ka! Bakit ka pa nagpakita dito? Sino nag-sabi sayong pwede kang pumunta dito!? Pagkatapos mong lokohin si Mira. Gago ka!" Sigaw ni Cathy habang pilit siyang pinipigilan ni Ralph.


"Tama na, Cathy." Ani ni Fayth pero hindi parin nila mapa-kalma ang kaibigan.


"Tangina, bakit mo nagawa kay Mira 'yon? Bakit, Blaze!? Matagal ko na siyang pinagsabihan na itigil na 'to pero ayaw niya, kasi mahal na mahal ka niya. Pero anong ginawa mo? Niloko mo siya!"


"Catherine, tama na!"


Tumigil ang lahat at napatingin sa dalaga. Sa sobrang pagod ay bigla nalang nahilo si Fayth at nahimatay. Agad siyang sinalo ng lalaking kasama niya at pinaupo sa upuan.


"Dapat hindi mo na siya dinala dito. Kakatapos lang ng umagang ensayo niya, imbes na magpahinga siya dinala mo pa siya dito. Sana hindi ka nalang naki-alam." Sabi ni Ralph at tumitig ng masama sa lalaki.


"I already told her that going here would only stress her but she insisted. Sinunod ko lang naman ang gusto niya." Ani nung lalaki at inayos ang buhok ni Fayth.


Collide With You (Hermosa Series #1)Where stories live. Discover now