14

169 64 53
                                    



"Mira, tara na!"



I was eating my ice cream and grabbed my things pagkatapos kong mag bayad kay kuya. I was struggling to hold everything in one hand habang tumatakbo papunta sa tabi ni Rain at Adrian.



"Let me hold that," Sabi ni Adrian at kinuha ang mga libro na hawak ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko nalang iniwan 'to sa kotse ko.



"Asan yung pinapa-xerox ni Mam?" Sabi ni Rain habang naglalakad kami sa hallway. I pointed at the folder na hawak ni Adrian and Rain nodded. We were on our way papuntang faculty para ibigay sa prof namin yung pinapagawa niya sa'min.



"Thank you so much! Buti nalang maaasahan ko kayo."



"No worries, Mam." I said, gave the papers to my prof and we bid goodbye. We walked back to our class.



"Nagugutom na ako!" Sigaw ni Rain habang papalabas kami ng classroom.



"Kakakain mo lang ng spaghetti kanina, gutom ka nanaman!"



Habang inaantay namin si Adrian, My phone vibrated. I grabbed it inside my bag and saw a message.



From: Sebastian

Hi Mira, patapos na klase ko. Kita nalang tayo sa KFC, yung sa tapat ng Coastal Mall. See you!



It's only a week 'til Blaze's birthday. I was walking down the stairs nang makita ko ang message sa'kin ng kapatid ni Blaze. When I was still at Pangasinan, agad kong tinwagan yung number na sinend ni Sky. Buti sumagot agad at nakapagplano kami ng meet up ngayon.



"Rain, I have to go na pala. I have to meet someone." I said and bid goodbye to her. Nagmamadali akong naglakad papunta sa parking and realized something.



"Shit! Di ko nga pala dala kotse ko ngayon." I cursed at myself. What am I gonna do? I tried to contact the others pero lahat busy. Ang natira nalang ay si Sky, so I decided to call her. Alangan naman si Blaze edi alam niya yung mga balak ko.



"Anong kailangan mo?"



"Asan ka?" Tanong ko habang naglalakad palabas ng school.



"Palabas ng La Salle, bakit?"



"I need a ride."



"Kay Blaze ka sumakay!"



"Tanga! Eto apaka dumi ng utak 'e. Kelan ba?" I laughed at what I said.



"Tangina mo! Saan ka ba kasi pupunta?" She asked. I sighed, sigurado ako na kapag nalaman niya na kikitain ko ngayon yung kuya ni Blaze hindi niya ako sasamahan. I don't know what's their issue pero Sky is trying her best not to see him.



"I need to go sa KFC. Sa tapat ng Coastal Mall." I said, I was waiting for her response nang biglang umulan. Agad kong kinuha yung payong ko sa bag at binuksan ito.



"Ang dami daming KFC ba't doon pa?"



"Basta kunin mo na ako dito sa school at ang lakas ng ulan!"



I ended the call and waited for her. Good thing, agad siyang nakarating at pumasok ako sa kotse niya. Hindi na nagsalita si Sky at agad na nagdrive papunta sa pupuntahan ko.



From: Sebastian

Hi Mira! Where are you na? Andito na ako sa KFC :)



Collide With You (Hermosa Series #1)Where stories live. Discover now