22

96 31 1
                                    



"Any plans for this summer, Ameera?"


"I don't know." Sagot ko kay Rain habang inaantay kong matapos yung pinapaprint ko. "I just wanted to rest, that's all. Kung may pupuntahan man kami ng pamilya ko, edi okay. Ikaw anong plano mo?"


"Actually, wala rin 'e. Siguro kung may gala tayong magtotropa ayon, yun na 'yon. Baka umuwi rin pala kami sa probinsiya dahil yun yung hiling ni kuya para sa bithday niya." Sagot niya.


"Musta na pala yung kuya mo?" Tanong ko,


"Ganon pa 'rin naman, naghahanap pa rin kami ng heart donor. Bilib nga ako 'don 'e, kinakaya niya pa 'rin lahat kahit lumalala na ang condition niya." Napabuntong hinginga si Rain, inakbay ko ang kamay ko sa balikat niya at niyakap siya.


"Ate, magkano po lahat?"


"25 pesos ho,"


Binayaran ko si Ate, lumabas na kami ni Rain sa computer shop at naglakad pabalik sa UST. Habang naglalakad kami, may nadaanan kaming stall ng street foods.


"Libre mo ko, Rain!" Sabi ko habang kinukuha niya ang wallet niya sa bag.


"Ayoko nga!" Sigaw niya, kumunot ang noo ko at umiwas ng tingin sa kanya, "Sige na nga, bwisit ka!"


Natawa ako sa sinabi niya at tuwang tuwa rin dahil ililibre niya ako. Kumuha ako ng maraming kwek kwek at fishball. Bumili na rin kami ng buko juice para naman may mainom kami. Bago pa kami makarating sa eskwelahan ay agad na namin 'yon naubos.


Pagkadating namin sa eskwelahan ay agad kaming pumunta sa klase namin. Hindi na namin inantay si Adrian dahil baka mahuli daw siya. Hindi ko maiwasang isipin ang mga nangyari nung mga nakaraang araw.


Hindi ko alam pero hindi ako masyadong pinapansin ni Blaze at hindi nanaman siya sumulpot sa date namin last week. Alam kong busy siya pero sana naman mag-text siya o mag-reply sa mga text ko, hindi yung pinagmukukha niya akong tanga kakaantay na baka sakaling dumating siya.


"Huy, tulala ka nanaman baka may langaw na pumasok sa bibig mo." Tinakpan ni Rain yung bunganga ko at agad kong tinanggal 'yon.


"May naalala lang ako,"


"Si Blaze?"


I nodded and sighed when she said his name. This past few weeks has been bothering me. Siguro masyado lang akong nag-iisip ng mga bagay bagay na hindi naman totoo.


"I know you miss him, why don't you ask him for dinner tonight?"


"I don't think he will meet me tonight. Besides, his busy and I don't want to bother him." I said and rested my head on the table.


"Hindi naman 'ata masamang mag-try diba? Try asking him. If he declined, then atleast you did your best as a girlfriend." Sabi ni Rain, umupo siya ng maayos at nakinig na sa prof namin.


Maybe I should try asking him. I just have to meet him malapit sa Mapúa para pumayag at makapunta na siya. I miss him so much, I hope he feels the same.


To: Blaze

Hi Evri! How are you? Pwede ka ba mamaya? Let's eat dinner later? Puntahan kita sa Mapúa, just message me if your classes are done. I love you!


I messaged him and waited for his reply. I looked at the time, it's already 5:30pm. 30 mins nalang and my class will be over, I just have to wait for a while. I can't wait to meet him.



Collide With You (Hermosa Series #1)Where stories live. Discover now