10

212 109 57
                                    



"Papunta na ako kay Fayth."



I'm on my way sa dorm ni Fayth kasi nagpapatulong si Sky sa photoshoot nila sa La Salle.



"Wag mong sabihin na sa La Salle yung photoshoot ha? Alam mo naman 'yon ayaw pumunta dito."



Di niya mapilit si Fayth na pumunta sa La Salle sa kadahilanang hindi namin alam, basta ayaw niya daw.



The call ended, tamang tama kakadating ko lang sa Ateneo. I waited for Fayth sa parking lot dahil kakatapos lang daw ng training niya. I was scrolling through my Instagram nang makita ko yung post ni Blaze.



sevriano_blaze  lunar deity



It was a picture of me, nung nasa Starbucks kami. I smiled at the caption and liked his post. I saw some comments from my cousin and from my friends.



andrada.raphael: grabe naman yon


faythvillareal: ang daya di nag aya


lanaaa_catherine: sana all may label



Habang tinitignan ko ang ibang comments biglang may kumatok sa bintana ko. It was Fayth. I unlocked the door at pumasok siya sa front seat.



"Saan ba yung photoshoot at kailangan kasama ako?" Tanong ni Fayth. She was wearing her Ateneo shirt, black jeans and white shoes.



"Basta, malalaman mo din pag dating natin 'don."



Dumaan muna kami sa McDo para bumili ng pagkain, nilibre ko na din si Fayth para di na magreklamo.



We bought two iced coffee, one for me and one for Fayth. Bumili rin kami ng large fries at dalawang chicken burger.



"Malapit na birthday ni Blaze ah."



"Pano mo alam? Di ko nga alam 'e." Nagtatakang tanong ko kay Fayth.



"Sinabi sa'kin ni Ralph, tapos ang gago nanghihingi agad ng regalo."



I laughed at what Fayth said. Ano bang magandang regalo para kay Blaze? Tanungin ko nga si Sky mamaya.



We're finally here in La Salle at as expected, nagulat si Fayth kung bakit andito kami.



"Bakit tayo nandito? Susunduin ba natin si Sky?" Tanong ni Fayth sa'kin. Hindi ko siya pinansin at patuloy na pumasok sa La Salle.



"Don't tell me na dito yung photoshoot."



"Nadali mo," I chuckled at her reaction.



"Gago, seryoso? Sana naman sinabi niyo sa'kin!." Sigaw ni Fayth.



"Pag sinabi ba namin sasama ka?"



"Hindi."



"Diba? Kaya di namin sinabi." I laughed at her. Problemadong problemado si tanga.



"Fuck, naka Ateneo shirt pa ako. Sana naman sinabi mo sa'kin na magdala ako ng extra na damit diba?"



We went out of the car and pinuntahan namin si Sky sa Yuchengco Hall. Pagkadating namin, agad namin nakita si Sky na may inaayos na mga box na puno ng props para sa photoshoot.



"Mira! Fayth! You're here!" Sky walked towards us and gave us a hug.



"Bwisit ka, Skylar Astrid! Libre mo ko after nito ha?" Natawa si Sky sa sinabi ni Fayth.



Collide With You (Hermosa Series #1)Where stories live. Discover now