TITD03

148 8 0
                                    

ALAS-SIETE pa lang nang bulabugin ako ni Genesis nang sandamakmak na missed calls. Maging sila mama ay kinutyaba niya dahil isa rin sila gumising sa akin. Mabilisan ang ginawa kong pagkain ng almusal at nakisabay na kanila mama at papa, nagpahatid sa bahay nila. Pagkarating ko ay hindi na sila nagpatumpik-tumpik pang nagsimula sa dapat naming gawin.

Nakailang sulyap ako sa kanila dahil wala akong maintindihan. Itinuro ng aming instructor ang tungkol sa share premium, at treasury stocks, kaso hindi ko maalala.

Seryoso ang lahat, pero maya-maya ay may patalatastas si Genesis. Pinipilit niyang ituloy na lang next week, pero hindi kami nagpadaig sa kaniya. Tatlo kaming kumontra kaya kusa rin itong sumuko nang sawayin siya ni Tita Melissa.

"Umayos ka, Genesis. Nagpaalam kang magre-review kayo rito, hindi para manood ng korean drama." Nagbabanta ang tinging ipinukol niya kay Genesis habang isinusuot ang sandal.

"Pero mommy—"

"Huwag mo akong tawaging mommy kung ayaw mo akong sundin," seryosong pagputol ni tita nang nakataas ang isang kilay.

Naitikom ko ang bibig, nagpipigil ng tawa dahil parang makahiya kung tumiklop kapag si tita ang kaharap niya. Ipinilig ko ang ulo ko sa direksyon ni Tito William nang marinig ko ang mahinang pagtawa niya. Nakapamaywang itong itinataas-baba ang dalawang kilay at nakataas ang hintuturo niyang nabababala sa anak.

"Kyla, huwag mong hayaang masunod ang gusto niya," paalala ni tita. Mahinhin namang tumango si ate.

"Kayo rin, huwag kayo magpatalo," bilin niya sa amin nang magawi ang tingin. Tumango lang ako saka ngumiti.

Mas maganda pala kung dito kami palagi sa bahay nila't nandito si tita para hindi nananalo si Genesis sa mga gusto niya.

"She gets what she wants. We can't beat her." I heard Jazz whisper that it made me laughed. Sinikil ko ang braso niya dahil tila narinig iyon ng tinutukoy niya.

"Mag-usap tayo mamaya, Ge," mahinahong singit ng daddy niya. Lumapit si tito kay tita. Inayos niya ang mahabang sleeve, inilabas niya ang nakatagong na ruffles na dekorasyon nito sa dulo.

"Ayaw ko!"

Bumuga ng hangin si tito at tiningnan ang asawa. "Baka mahuli na ako sa meeting. Shall we go now?" paglilihis niya ng usapan.

Lumipat ang tingin ko kay Genesis nang magbilin si tito. Her eyebrows knitted. "Behave, Ge. That's for your future."

Narinig ko ang yabag nilang nagmartsa maging ang pagsara ng pinto. Dalawang beses akong umiling nang gayahin niya ang huling sinabi ng daddy nito nang
walang boses, pero ang buka ng bibig niya katulad noong narinig ko kanina.

Tinampal ko nang mahina ang noo't binuklat sa susunod na pahina ang libro ng conceptual framework and accounting standards book na isinulat ni Win Ballada.

Hindi ko maintindihan at mas naiintindihan ko pa ang dalang libro ni Ate Kyla na galing kay Millan. Mas simplified, madali kong maintindihan.

Nasagi ni Jazz ang braso kong nakapatong sa mesa habang ang isang kamay ko ay hinihilot ang sentido.

Nilingon ko sa aking tabi si ate, ngumunguya ng biscuit. Tumigil ako sa paghilot ng aking sentido at umayos sa pag-upo.

"Ate, may tanong ako," panimula ko dahil may bumabagabag sa akin, gustong makatanggap ng kasagutan. Malumanay siyang lumingon.

"Anong pagkakaiba ng BSA at BSMA?" lakas-loob kong tanong, ngunit nasa katamtamang lakas ang buo kong boses.

Hindi niya itinuloy ang pagkagat samantalang naramdaman ko naman ang pagtigil ng pagtuktok ni Jazz sa kaniyang lapis sa mesa.

Today is the DayWhere stories live. Discover now