TITD28

95 8 0
                                    

UMAGANG-UMAGA AY naabutan ko ang kapatid kong nasa sala, naka-indian sit sa sofa. Sinadya kong isara nang malakas ang pinto ng kuwarto ko at nagmamadaling bumaba sa hagdan. Abalang-abala ang mata niya sa panonood, hindi man lang lumingon para sawayin akong magdahan-dahan.

Pagkatapos ng party kaninang eight thirty ay sabay kaming umidlip sandali sa sofa, pero nang maalimpungatan ako ng three thirty nang hapon ay dumiretso ako sa kuwarto ko.

Nine thirty na ng gabi, malamang ay kanina pa siya nanonood. Hindi talaga siya nagsasawa sa panonood ng mga ganito. Samantalang ako ay hindi ko pa natatapos panoorin ang bagong thai-drama.

Kinamot lang niya ang kaniyang tainga, senyales na naiirita siya sa ingay. Nakangisi akong lumapit sa kaniya at hinila-hila ko ang kaniyang patilya.

Tinabig lang niya ang aking kamay. Umikot ako para maupo sa tabi niya. Sinundot ko ang batok niya pagkaupo ko.

Segundo niya lang akong tinapunan ng tingin 'tsaka niya ibinalik din agad sa pinapanood niya. Adik talaga siya sa k-drama.

Marahan kong hinila ang manggas ng kaniyang t-shirt, ipinatong ko pa ang paa ko sa hita niya.

“Brix. . .”

Itinaas niya ang kaniyang kamay kaya hindi ko na siya ginulo pa. Malapit ng matapos ang pinapanood niya at kakausapin niya ako mamaya. Tumango lang akong umikot. Isinandal ko ang ulo ko sa braso niya.

Hindi nagtagal ay in-off niya ang TV. “Ano 'yong gusto mong sabihin?”

Iniangat ko ang kamay ko at bahagyang pinaglaruan ito, nag-drawing ako ng mga hindi nakikitang bilog.

“Paano kung magmahal ulit ako ng iba?” tanong ko. Gusto kong pag-usapan ang bagay na ito. I want to open my heart to someone, again. I guess I deserve to be happy.

Hinaplos niya ang buhok ko. “It will be great for you to start again,” he answered with satisfaction in his voice.

Tiningala ko siya. Nakangiti lang siyang nakatingin sa akin, naghihintay na magsalita lang ako.

“Okay lang ba sa iyo na ang mahalin ko ay iyong taong kilala mo na?”

He nodded and painted a smile. “Yes, there's no issue for me as long as you love him and he'll treat you better.”

Napangiti ako sa narinig. Binata na talaga ang kapatid ko. Parang kailan lang ay senior high school pa lang siya, pero ngayon ay kolehiyo na sa kursong pinapangarap niya. Hangang-hanga ako sa kaniya. Umaakto siyang panganay sa aming dalawa, pero hindi niya nakakalimutang respetuhin pa rin ako. He wants the best for me and I also want the best for him.

“Then I will give him a chance,” I declared. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko, baka mamaya siya na iyong magiging happy ending sa love story ko.

“Kung sino man siya, sana maging masaya kayong dalawa.” Matamis siyang ngumiti.

Paniguradong botong-boto siya kay Jazz dahil tinukso na rin niya ako noon sa kaniya.

“Mga anak, nakahanda na ang hapag-kainan!” masiglang sigaw ni mama.

Tinapik niya ang balikat ko, ganoon din ang ginawa ko. Tumayo ako at sumunod naman siya sa aking nagsusundutan pa kami sa tagiliran kaya hindi namin napigilang mapahagalpak sa tawa.

Tawa lang kami nang tawa hanggang sa makaupo kami. Si papa ang nagsalin sa mga iniluto ni mama at kumindat pa siyang inilapag ang beef caldereta at menudo sa bilog naming mesa. Sabay kaming tumili ni Brix habang magkaharap sa isa't isa nang makita naming hinalikan ni papa si mama sa pisngi. Ang sweet!

Today is the DayOnde histórias criam vida. Descubra agora