TITD29

82 6 0
                                    

IT TOOK ME two days to think about this matter. As if I was answering a risky question on an accounting test paper, analyzing everything for myself. Gusto kong ang resulta ay magiging maganda, at walang masasaktan sa amin kahit na hindi naman maiiwasang masaktan.

Sa sandaling ito ay desidido na ako. Handa na ulit akong magmahal ng iba, kaya heto ako, nakatayo sa putol ang ulong statue rito sa park, hinihintay ko si Jazz. Alas-siete nang umaga ko siya binulabog para lang masabi sa kaniya ito at sana ay matuwa siya. Baka kasi sabihin niyang nagmamadali ako, kahit hindi naman. Last year ko pa naman gustong subukang makipag-relasyon ulit. Noong nakaraang taon din tumubo sa puso ko ang kaunting feelings ko sa kaniya, na pilit kong pinipigilan kasi alam kong mali, pero hindi ko inaakalang may lihim din pala siyang pagtingin sa akin.

Paano niya natiis na itago ang pagtingin niya sa akin nang ganoon? At kailan pa niya ako nagustuhan? Curious na curious ako, gusto kong malaman pero saka ko na siya tatanungin. Maiilang na naman kasi siya at paniguradong iiwasan niya ang mga tanong kong 'yon sa kaniya. Kanina pa ako nag-text sa kaniya, pero wala pa siya. Tulog pa kaya siya? Imposible.

Palaging alas-siete siya nagigising sa umaga dahil gan'ong oras siya madalas nag-go-good morning text sa akin. Sa good morning text niya kanina ay doon ko siya ni-reply-an. Ang sabi niya ay kakain pa lang siya at alas-nuebe na ng umaga, wala pa rin siya.

I've been waiting for hours. I came here alone at 5:30 in the morning to watch the sunrise and to have a lot of strength to say all I want to say for him. I am excited but at the same time, nervous.

Kukunin ko sana ang cellphone ko para mag-text sa kaniya nang may bumusina. Nag-angat ako ng tingin, nakita ko siyang kabababa lang sa sasakyan. Nanginginig kong ibinulsa ang dalawang kamay ko sa magkabilang bulsa ng suot kong itim na jumpsuit.

Sa bawat paghakbang niya palapit sa akin habang sinasakop ang agwat naming dalawa ay hindi ko napigilang kagatin ang ibabang labi ko. Hinugot ko pa ang isang kamay ko sa aking bulsa para kamutin ang noo ko. Kinakabahan ako masyado.

Nang ilang hakbang na lang ang layo naming dalawa ay nakita ko ang basang-basa niyang buhok, kaliligo lang niya at preskong-presko ng dating niya. Napapalingon ang mga babaeng nakakasalubong niya. Takaw pansin talaga ang puti niya. Hindi ba puwedeng bawasan ang kaputian niya? Bumagay pa sa kaniya ang suot niyang polka-dots na v-neck shirt at black jeans.

Bahagya pa akong pumikit para malanghap ko ang pabangong hinahangin palapit sa akin ang amoy niyang vanilla, katulad ng pabango ni Tito Kitian. Gustong-gusto ko ang amoy na ito bukod sa cethapil.

"Ano iyong gusto mong sabihin sa akin?"

Dumilat ako, naabutan ko siyang nakangiti nang malapad at tumataas-baba ang dibdib niya. Ang tangos ng ilong niya at ang mga mata niyang hugis almond. Inilihis ko kaagad ang tingin ko bago ko pa mailarawan ang labi niya at buong pisikal niyang anyo.

"Drish, ano iyong gusto mong sabihin?"

Pikit-mata akong tiningnan siya. Ayaw kong idilat nang mabuti ang mga mata ko, nakakalaglag ng panga ang kaguwapuhan niya. Bakit ko lang na-appreciate ang physical features niya? Ngayon ko lang siya natitigan kanina nang ganoon kalapit.

Tumikhim siyang iwinagayway ang kamay sa mukha ko. Umayos ako ng tayo at ngumiti. "Tungkol sa atin," kaswal kong sagot sa kaniya sabay iwas ng tingin, kahit na nagpipigil akong mamula.

"What about us?"

Iniharap ko nang kaunti ang mukha ko sa kaniya. Nagtama ang paningin naming dalawa. Nakaangat ang isa niyang kilay habang nakangiti.

Napalunok ako nang wala sa oras. Shoot! Ang amo ng mukha niya. Para siyang walang kaalam-alam sa mundo. Hindi intimidating kundi ang approachable talaga ng aura niya, at kaya pala gustong-gusto siyang lapitan ng mga babae. Para bang bawal siyang paiyakin at saktan. Bakit ngayon ko lang nakikita sa kaniya ang mga ito kahit ang tagal-tagal na naming magkasama?

Today is the DayWhere stories live. Discover now