TITD38

74 4 0
                                    

MEDYO NANLALABO pa ang paningin kong umupo sa kama at marahang inililibot ang paningin. Unang bumungad sa akin ang kamang gawa sa kahoy na nasa tapat ko, at sa ilalim noon ay nakita ko ang makalpal na kutson. Dahan-dahan kong inilipat ang tingin sa katapat kabilang dako, kung saan nakita ko ang isang maliit at hugis square. Marahan akong tumayo nang tuluyan akong magising. Lumapit ako sa kinaroroonan ng mesa. Napansin kong may mga bato sa ilalim ng salamin na nakaibabaw sa mesa at ang mug na nakapatong doon, na sa pagkaaalala ko ay wala akong ganoong nakita kanina bago ako makatulog dahil sa pagod.

Patuloy kong iginala ang tingin ko sa loob nang maluwang na kubo at sa tantiya ko ay puwede rito ang apat na tao. Naka-switch on ang flat-screen TV, kaya lumapit ako sa mesa para kunin ang remote at tuluyang patayin. Nasaan ba ang kasama ko? Habang palapit ako sa terrace, umihip nang malakas ang hangin dahilan para liparin ang nakalugay na puting kurtina. Itinali ko nang mahawakan ko at nakita ko naman ang aking kasama.

Nakaupo siya sa gawa sa kahoy na upuan habang ang tingin ay nasa malayo. Hindi man lang niya ako nilingon nang dumaan ako sa harap niya, napakaseryoso ng kaniyang mukha. Ngumiti lang siya pagkaupo ko sa tabi niya. Ano kaya ang iniisip niya? Parang problemadong-problemdo.

Mas pinansin ko na lamang ang panahon dahil matagal-tagal na rin akong hindi nakakapunta sa malalayong lugar dahil kulang na ako sa oras gawin ito. Preskong-presko sa pakiramdam at hindi masakit sa balat ang sikat ng araw kahit na alas-tres y media na ng hapon. Napakatahimik ng paligid. Kami lang yata ang nasa gitna ng lake habang nakasakay sa floating cottage. It's an overwhelming too to see the Mt. Banahaw here in Aquascape while we are in the middle of Lake Caliraya.

Kahit paano ay hindi ako nagsisising pumayag akong sumama sa kaniya ngayong araw. Dapat sana ay sasama ako sa family bonding, sa resort nila Tito Mike dahil may gaganaping party roon kasama ang mga kaibigan nila papa, pero nagsinungaling akong may pupuntahan kami ni Jazz. Nasiguro ko namang hindi sila pupunta roon dahil may ibang aasikasuhin sila Tita Richie at Tito Kitian. Sana lang ay hindi magtanong si mama kay Jazz kung magkasama kami dahil iba ang kasama ko ngayon, at nakatitiyak akong magagalit sila sa akin.

“Why are we here?” basag ko sa katahimikang hindi awkward dahil nagustuhan ko ang katahimikang binuo niya, nakare-relaks habang nagmamasid lang sa kagandahan ng paligid.

Out of the blue ay nag-message na lang siya sa akin kagabi, sinabing papasyal kami. Of course, I am excited because this is our first time to go out again together. He glanced then his mouth curved into a smile. “I want to enjoy this peaceful place with you, ” he simply said while smiling.

My forehead creased from curiosity.  I understand the fact that there's no someone who can accompany him to travel while he is here in the Philippines. Kuya Pele is always there for him as his best friend, but he said to me a long time ago that he doesn't want Kuya Pele as his travel partner. Marami raw siyang naririnig na reklamo sa kaibigan, lalo na noong nag-hiking sila sa Mt. Pulag sa Benguet. I want to come there too to experience to see the beauty of it.

“Why me?”

“To reconcile with you.” Ngumiti siya at nilingon ako.

Mas lalong kumunot ang noo ko sabay kamot ko sa aking noo. “Hindi ba naipaliwanag ko na sa 'yong hindi puwede?”

Sumilay ang maliit na ngisi. “I don't trust your words. Sinasabi ng mata mong ako ang gusto ng puso mo.”

Nag-iwas ako bigla ng tingin nang tumagal ang pagtitig niya sa mga mata ko. Mahina siyang tumawa dahilan para mag-echo ang nakatutuwang tawa niya sa aking tainga. Hindi ko alam kung ano ang nakikita nila sa mga mata ko para sabihin nila sa aking magkaiba ang sinasabi ng aking bibig.

Tumayo ako para pumasok sa loob. Gusto kong iwasan ang topic na ito dahil alam kong mauuwi na naman sa paliwanag ang lahat kung bakit hindi kami puwedeng magkabalikan. Naipaliwanag ko na sa kaniya kahapon at nararamdaman kong gusto niyang ulitin hanggang sa masabi ko ang kaniyang gustong marinig.

Today is the DayWhere stories live. Discover now