TITD06

116 6 0
                                    

MARAMING KUWENTO si Genesis at mabuti na lang ay may kasama akong makikinig sa kaniyang mga kuwento. Tili siya nang tili kapag nagustuhan niya ang pinapanood niya, pero ngayong pangalawang movie na ang pinapanood namin ay walang preno ang kaniyang bibig. Panay ang ismid ko habang nanood. Gusto kong ipikit na lang ang mga mata ko para kahit magdaldal siya ay nasa kaniya lang ang atensyon ko, pero kapag gagawin ko iyon ay sisigawan niya ako. Tumatango-tango lang ako, nakataas nang bahagya ang kanang kilay at sumisimangot.

May subtitle ang pinapanood namin pero hindi ko maintindihan dahil sumasabay siya. Pasimple akong kumamot sa noo ko sabay pakawala nang mahinang buntonghininga. Lumingon ako sa kaniya nang kalabitin niya ako at nagpaskil ako nang pekeng ngiti. Ibinalik ko rin kaagad ang tingin sa pinapanood naming parasite ganoon din ang pagpanggap kong kunwari ay nakikinig ako sa kaniya kahit wala akong naiintindihan. I wonder if Cathaleya pays attention to Genesis. Sinilip ko siya sandali, at ang tingin niya ay nasa harap ng telebisyon. Nakikinig ba siya o kagaya ko rin siyang nagkukunwari?

Kunot-noo kong ibinaling ang tingin kay Genesis nang kalabitin niya ulit  ako. Her eyebrows knitted. Parang alam na niyang wala sa kaniya ang atensyon ko. I was expecting her to shout but she just sighed and crossed her arms as she leaned her back at the sofa.

“Bakit ka tumigil?” nagtatakang tanong ni Cathaleya, tinapik ang kandungan ng nanahimik na si Genesis.

“Naubos na laway ko,” she simply said but her eyes were on me. Itinaas ko ang dalawang daliri ko bilang peace sign, pero umirap lang ito at bumusangot.

Tumawa ako nang mahina sabay pisil sa kaniyang braso nang mahawakan ko siya. “Sorry,” I apologize.

“Ang bastos mo talaga, girl. Mabuti na lang may nasalo akong kabaitan ngayon kung hindi, sisigawan kita. Ang dami-dami kong tanong, tango lang sagot mo,” saad niyang sinabayan muli ng pag-irap.

I give her an apologetic smile and she just nodded to accept it. Alam naman niya ang ayaw ko, pero patuloy pa rin niyang ginagawa kapag nanonood kami. Ayaw ko talaga siyang kasama kapag nanonood. Mas nangingibabaw ang boses niya—parang siya ang artista.

“Nasaan si Ivan?” tanong ko kay Cathaleya nang lumipat siya sa tabi ko, sa aking kaliwa. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko kung paano niya yakapin ang throw pillow.

“As usual, naka-duty bilang artista,” sagot niyang nahimigan ko ang malungkot niyang boses o sadyang iba lang ang pagkaka-intrepret ko sa tono niya.

Sumandal ako at ipinilig nang bahagya ang ulo, paharap sa kaniya. “Hindi ka ba nahihirapan sa sitwasyon n’yong dalawa?” I curiously asked.

I stared at her downturned eyes as she slowly shook her head and smiled genuinely, “Hindi. Alam n’yo namang lahat na ganito ang set-up. We’ve been dating secretly in the public for 3 years.”

Senior high school pa lang kami nang maging sila. Kung ako si Cathaleya ay magseselos ako at mabuti na lang ay nakakaya niya ang ganoong set-up ng relasyon nila. Siguro kung ako ang nasa posisyon niya baka mag-demand akong isapubliko ang relasyon namin. Jade is a well-known actor at may chemistry sila n’ong ka-love team niya. Hindi ko lang maiwasang ma-curious sa relasyon nila.

“Matuto kayong mahiya sa single mga girl. Nakakabastos masyado.” 

Narinig kong tumawa si Cathaleya sa tabi ko kasabay ng paghagis niya ng unang yakap niya. Tumama ang unan sa braso ni Genesis.

Umambang babawi si Genesis nang hablutin ko sa kaniya ang unan at inilagay sa likod ko para makasandal ako nang komportable. She crossed her legs and rubbed her shoulder instead.

“Lilipat na ako sa school n’yo,” Cathaleya declared.

Hinihintay ko ang idudugtong niya. Kung bakit siya lilipat sa university na pinapasukan namin, kung mas maayos ang pag-aaral niya doon.

Today is the DayWhere stories live. Discover now