TITD22

105 5 2
                                    

INIIWASAN KO ang mga mata niya sa tuwing nagtatama ang aming paningin. Tinotoo nga niya ang sinabi niya kahapon. Hinayaan ko ulit siyang magpaliwanag at ayos naman na. . . pasado na sa akin, pero parang ayaw ko pang maniwala nang buo dahil nandiyan pa si Lj kaya hindi ako makampante.

Sinabi ko na sa kaniya kanina na ayaw ko sa kaibigan niya at kung gusto niyang maniwala talaga ako, kailangan niyang paalisin at putulin na ang friendship nila, pero parang hindi siya pumapayag sa gusto ko. Ganoon ba kahalaga ang friendship nila kaysa sa relationship naming dalawa?

Nagpanggap akong walang gana sa harap niya habang kausap siya. “May klase ka, 'di ba?”

Sumaglit ako ng tingin sa kaniya at biglang napatakip ng ilong. Mabanghi ang paligid. Kinamot ko ang aking noo dahil malapit pala kami sa comfort room ng mga babae.

Umaalingasaw ang banghi sa buong paligid kaya hindi ko napigilang maglakad palayo. Sinundan naman niya ako habang nagsasalita, sinagot ang tanong ko. “Hindi ko na pinasukan iyong session ko sa isang review center.”

Tumigil ako sa isang bakanteng bleacher, sa lilim ng puno malapit sa student plaza.

Nakasimangot siya. Halatang hindi na niya alam ang gagawin niya sa pagmamatigas ko. “Love. . . oo, palagi kaming magkasama ni Lj at si Pele, palagi ko rin siyang kasama. Dalawang review center ang pinapasukan namin kaya para kaming nag-aaral ulit ng whole day. Sineseryoso namin ang paghahanda sa board exam namin. Iyon lang ang araw-araw na ginagawa namin.”

He drew a long breath and bit his bottom of his lip. He gestured his hand, trying hard to explain everything until I am okay with it.

He opened his mouth and spoke again, “Hindi kami palaging nag-uusap ni Lj kapag nasa bahay na kaming dalawa. Palagi ko siyang sinasabihan na sa dumiretso na siya sa kuwarto niya at huwag na akong kausapin pa. Ayaw kong mag-away tayo nang dahil sa kaniya, kaya ginawa ko iyon at iniiwasan ko pa nga siya.”

Nagsasalita naman siya ng Filipino at kakaiba ang tono niya sa pagsasalita ngayon. Seryosong-seryoso siya sa paliwanag niya at diretsong nagsalita ng Filipino.

Sa palagay ko ay tama ang dahilan ko kung bakit ako nagkakaganito. Gusto ko lang magseryoso pa siya kahit nakikita ko naman sa kaniya. Gusto kong ako lang ang nakikita niya. Gusto kong ako lang bukod sa mommy niya.

Natatakot lang akong mangyari ulit at sabihin na naman niyang hindi niya sinasadya. Kapag ginawa na niya nang isang beses, wala na akong tiwala sa kaniya. Magagawa at magagawa pa rin niya iyon hangga't nandiyan si Lj.

Pinapangarap ko siya tapos magiging ganito ang kahihinatnan ng lahat. Hindi ko alam kung paano mainis o magalit talaga, pero sa tuwing naririnig ko ang pangalan ni Lj ay kumukulo ang dugo ko. Gusto ko siyang saktan pero hindi ako ganoong tao. Hindi ako marunong manabunot o nanampal dahil pakiramdam ko ako ang pinakasamang tao sa mundo.

Itinuon ko ang tingin ko sa suot kong itim na ballerina flats. Umihip ang mahinang hangin kaya nakaramdam ako nang kaunting kapreskuhan. Naiinitan ako sa aking uniform. Nagsusuot pa ako nang makapal na sando para hindi makita ang kulay itim kong bra dahil bakat na bakat ang bra ko kapag wala akong sando.

“Noong nagkasakit lang siya, doon lang ako lumapit sa kaniya. Hindi ko siya puwedeng pabayaan at kapag namatay siya dahil pinabayaan ko, hindi ako patutulugin ng konsensya ko,” he explained from the bottom of his heart.

Gusto ko siyang makita pero ayaw kong dumadaldal siya ngayon. Gusto ko tumayo lang siya sa harap ko at yakapin nang mahigpit—nang buong araw hanggang sa lumambot ang matigas kong puso. Kanina pa siya nagpapaliwanag. Kahapon pa pala—hindi. . . noong isang araw pa pala.

Today is the DayWhere stories live. Discover now