TITD44

45 4 0
                                    

NAGLALARO SA isip ko ang naganap kahapon. Kahit saan banda ko tingnan, ang komplikado at ayaw kong pakawalan ang isa sa kanila. Inaamin ko sa aking sarili na nahihirapan ako at naguguluhan sa mga desisyon ko sa buhay. Ang tanging gusto ko lang naman ay maging masaya kaming tatlo, iyong walang nasasaktan pero parehas akong nasasaktan para sa kanila.

Dapat ko bang hayaang umalis si Chrysler at tuluyang kalimutan ako o ang pakiusapan siyang hintayin ako, pero paano naman si Jazz? Nangako ako sa kaniyang mamahalin ko siya, na ibabalik ko ang pagmamahal na ibinibigay niya at kung ano ang deserve niyang pagmamahal kaso, hindi ako masaya. Pero paano rin siya?

Nag-flash sa utak ko ang mukha ni Chrysler kanina nang makita ko siya sa ceremony. He was standing there, far from me and he's smiling like a proud boyfriend. Um-attend nga talaga siya sa graduation ko at akala ko ay hindi siya sisipot. I was smiling ear-to-ear when I saw him but Jazz stood in front of me with those pairs of cold stares. Hahabulin ko sana siya para kausapin, ngunit hindi ko nagawa nang ilingan ako ni Jazz. I promised him that I'll behave, so, I will. Ayaw ko rin namang magtanong sila mama at papa, pati sila tita at tito kung okay lang ba talaga kami. Akala pa rin nila ay maayos kami, na masaya kami pero hindi na pala.

I plastered my fake smile to deceive them that I am happy. Natatakot akong mawala ang magaganda nilang ngiti. Masayang-masaya silang nakapagtapos na kami ng college. It's a relief too that Genesis isn't here. Sabi kasi ni Jazz ay nag-book din sila ng reservation dito, pero na-cancel dahil sa resort nila Tito Mike nag-celebrate ang family nila. Baka kanina pa naiba ang mood kapag nandito siya.

“Happy graduation!” sabay-sabay nilang pagbati.

Ang masasabi ko sa journey ko as accountancy student ay mahirap. Hindi talaga madali at nakapagtataka ngang nakapagtapos ako sa kursong ito. Siguro kung hindi dahil kay Jazz na palaging umaalalay sa akin ay matagal na akong nag-shift ng ibang kurso. All tears are worth it. Utang na loob ko kay Jazz ang lahat kung bakit ako naka-graduate.

“Congratulations Jazz and Drishtelle!” Kuya Kier exclaimed with a wide smile. He looks like a proud Dad than Tito Kitian. Nag-uusap sila ni papa pero mananahimik din sila dahil naubusan na siguro ng sasabihin si tito, pero hindi ko gusto iyong paraan ng tingin niya kapag nagagawi sa akin.

Para bang may alam siya na binibigyan ako ng warning, at tila tutustain ako. Nakakatakot kaya hindi ako tumitingin sa kaniya. Pakiramdam ko kasi ay marami siyang gustong itanong tungkol sa amin.

“Thank you,” nakangiti kong sagot, hindi ko pinapansin ang ibinabatong tingin ni tito na nakikita ko sa aking peripheral vision.

Bumalik sa pagkukulitan sina Brix at Kuya Kier. Gustong malaman ng kapatid ko kung gaano kahirap ang trabaho niya bilang dentista. Inilipat ko ang tingin kay Jazz na nagpupunas ng kaniyang bibig gamit ang tissue. May laman pa ang pinggan niya at tanging iyong shawarma lang ang kaniyang inubos. Kanina pa siya hindi umiimik. Nagkatinginan kami pero siya na rin ang naunang nag-iwas kaya nangunot ang noo ko. Hanggang ngayon ba ay nagtatampo pa rin siya?

Iniiwasan niya ba ako? Wala naman akong ginawa kanina na alam kong ikatatampo niya. Ano kaya ang nagawa ko?

Bumuwelo rin ako sa pagtayo nang mapansin kong umatras ang upuan niya. “Excuse me. Rest room lang ako saglit,” paalam niya.

Tumango lang si tito at papa samantalang ngumiti si tita habang nakikipag-usap kay mama na nasa tabi ko.

Pagkatalikod niya ay agad akong tumayo. Ngumiwi ako sa ingay na nagawa ko sa pag-usod ng upuan. “Ako rin,” singit ko.

Nilakihan ko ang mga hakbang ko para sundan siya. Akala ko ay pupunta siya sa restroom pero iba ang tinatahak niyang daan. Lalabas ba siya?

Tinawag ko siya pero hindi niya ako nilingon. Nagbibingi-bingihan lang ba siya? Tinakbo ko ang agwat namin. Hinawakan ko ang balikat niya.

Today is the DayWhere stories live. Discover now