TITD25

75 7 0
                                    

“Bakit single ka pa rin?” kuryuso kong tanong habang nakapangalumbaba akong nakatitig lang sa kaniya.

Busy siyang magbasa ng libro, pero kanina ko pa siya pinapaulanan ng maraming tanong. Hindi naman siya naiinis kapag daldal ako nang daldal, pero pagdating kay Genesis ay magtataas agad siya ng boses.

Isinara niya ang librong binabasa niya, na hindi ko na pinasadahan ng tingin kung anong accounting book ang binabasa niya. Lumabi ako dahil hindi siya umimik bagkus nakatitig lang siya habang nakangiti sa akin. Imbes na ulitin ko ang tanong ko ay hindi ko na ginawa. Alam ko naman kasing sasagutin niya ang tanong ko, pero nakikipagtitigan muna sa akin.

Mas lalo akong lumabi nang kaltukan niya ako nang mahina.

“You really like to discuss that topic, huh?” natatawa niyang sambit habang pinipindot-pindot niya ang noo ko.

Hinawi ko ang kamay niya at umayos ng upo. “Not really. I am just curious why are you still single. Is it because you're busy with your studies or you are just waiting for someone?”

Humahanga ako dahil hanggang ngayon ay single pa rin siya. Maraming nagkakagusto sa kaniya dati pa, pero ni isa sa mga nagkakagusto sa kaniya ay wala siyang nagustuhan. Magaganda naman silang lahat. Makikinis at mapuputing gaya niya, 'tsaka pasok sa beauty queen ang beauty ng mga babaeng nagkakagusto sa kaniya. Kuryuso lang ako sa dahilan niya, kahit halata naman nang mas inuuna niya ang pag-aaral kaysa sa magkaroon ng love life.

He sheepishly smiled and rubbed his neck. “I am waiting for someone,” he retorted as he shifted his gaze to the empty bowl.

Kinalabit ko ang nakapatong niyang kamay sa libro. Bakit ba ayaw niyang sabihin? Hindi ko naman ipagsasabi sa iba. Sa amin lang dalawa ang sekreto niyang hindi mabubunyag kahit kanino.

“Who is that someone?”

He gave a half-smile while rubbing his neck. “Do you want to know who is it?” he hesitantly asked.

I nodded thrice and loomed closer. “Of course, share your secret to me.”

“Maniwala ka sa sasabihin ko. Don't dare to laugh or take it as a joke,” he warned as his smile slipped.

Muli akong tumango at sinalubong ang titig niya habang nakangiti nang malawak. Gusto ko siyang i-cheer na ligawan ang gustong-gusto niyang babae, pero nasa kaniya pa rin ang desisyon.

Unti-unting sumilay ang ngiti niya sa labi. Hindi niya inalis ang kaniyang titig, mas lumalim pa nga ang kaniyang pakikipagtitigan sa akin dahil tanging pagkurap na lang ang nagagawa niya.

“It’s you. . .”

Tumawa ako nang malakas sa narinig ko. Hindi ko pa napigilang takpan ang bibig ko habang iiling-iling akong nakatingin sa kaniya. Hindi man lang nagpabitin, isang bagsakan agad ang pagbibiro niya. Gustong-gusto talaga niyang lokohin ako. Nakakatawa masyado ang biro niya. Alam ko namang hindi niya ako magugustuhan dahil best friends kaming dalawa simula n'ong bata pa.

Imposible ang sinasabi niya. Wala nga akong nakikitang kakaiba sa mga kilos niya tuwing magkasama kami, kahit panay pa ang sabi sa akin ni Chrysler na iwasan ko siya dahil may gusto siya sa akin. Pero hindi ko iyon maramdaman. Parte lang siguro ng pagiging magkaibigan namin ang maging sweet at magbiruan ng ganito. Nagsisinungaling lang siya.

“Don’t laugh I am serious here.”

Umismid siyang lumabi 'tsaka tumingin sa malayo. Hinampas ko nang malakas ang braso niya nang maabot ko habang patuloy ako sa pagtawa.

Iiling-iling akong tumatawa sa sobrang benta ng joke niya. Naituro ko pa siya dahil mas natawa pa ako lalo nang sumimangot siya, na ang labi niya ay halos bumaligtad na sa sobrang pagkurba ng simangot.

Today is the DayWhere stories live. Discover now