TITD34

65 6 1
                                    

HINDI AKO MASYADONG kinabahan sa message request na natanggap ko kahapon. I didn’t expect that Chrysler will create a dummy account only to message me out of the blue. He is asking if how I've been doing and greeted me a happy new year. I checked his Facebook profile, but it seems like he deactivated his Facebook account and only his messenger account is activated. I blocked him months ago, at ngayon niya lang ba napansing hindi na niya ako ma-message, o baka break na sila ni Lj kaya niya ako kinukulit? Hindi ko siya ni-reply-an dahil hindi na niya kailangang makatanggap ng reply mula sa akin.

Isinara ni papa ang bintana nang mapansin niyang panay ayos ako sa buhok ko. Muli kong inayos ang pagkakalugay ng parang alon kong buhok dahil nangangati ang aking pisngi dahil dikit nang dikit. Hininaan din niya ang volume ng radio para sagutin ang tumatawag sa kaniya.

Hindi na ako nagpasundo kay Jazz dahil maaabala ko pa siya nang maaga para lang masundo ako. Alam kong pagod siya kahapon, naubos ang energy niya dahil mabilis niyang natapos ang pag-aayos ng compilation at sa Microsoft Excel tumutok pagkatapos habang nasa tabi niya si Miss Cherry n'on.

Kay papa ako nagpahatid dahil eksaktong papasok na rin siya gan’on din si Brix, na kabababa lang. Babalik si papa sa bahay mamayang ten o’clock para ihatid din si mama sa Yange dahil siya ang chief designer sa company.

Tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa nakaibabaw kong bag sa aking hita. May isa akong text message.

From: Brix

Ingat, ate.

Ngumiti ako sa malambing niyang text sa akin. Hindi na niya nagawang magpaalam sa akin kanina dahil bukod sa nasa passenger seat siya ay nakaidlip siya habang nasa biyahe. Noong gisingin siya ni papa nang makarating kami sa pinapasukan niyang university ay lumabas lang ito nang walang paalam, halatang kagigising lang.

Itinago ko sa bulsa ng aking palda. Maya-maya ay bumagal ang pag-andar ng kotse at iginilid. Nag-angat ako ng tingin at napagtanto kong nandito na pala kami.

Pagkatanggal ko ng seatbelt ko ay natapos na rin ang pakikipag-usap niya sa kabilang linya.

Humarap si papa nang nakangiti pagkababa ko ng sasakyan. “Good luck, anak. Baka late kaming makakauwi ng mama n’yo.”

Tumango akong naningkit ang aking mga mata kasabay ng pag-angat ng labi ko bilang ngisi, inaasar si papa sa paraan ng pagngiti ko. “Magde-date kayo, papa?”

Matamis na ngumiti si papa at iniiwas ang tingin niyang tumango. Tumawa ako. “Hindi na namin kayo hihintayin ni Brix mamaya. Ingat sa pagmamaneho, papa.”

Ngumiti siyang kumaway sa akin. Isinara ko naman ang pinto para makaalis na si papa. Kumaway ako kasabay ng pagbusina ni papa nang makaalis ito nang tuluyan.

Tumalikod akong isinuot sa bulsa ang kaliwang kamay ko. Pakiramdam ko ay bagay sa akin ngayon ang suot ko. Ang maong pencil skirt style above the knee, fitted patterned shirt na kulay yellow at may mga maliit na sunflower pattern na naka-tuck in at ang itim na dorsay flats. Ngumiti ako sa guard saka ako pumasok sa loob. Hindi ko inalis ang nakapaskil na ngiti sa labi dahil iyon ang ibinibigay ko sa mga empleyadong nakakasalubong ko.

Papasok na ako sa elevator ngunit biglang may umakbay sa akin. “Good morning Drish!”

Tiningnan ko siya, nakangiti siya nang malawak. Mukhang napakaganda ng kaniyang gising at handang-handa na naman siyang kumilos nang mabilis mamaya.

“Good morning, Jazz ko,” pagbati ko pabalik sa kaniya saka ako tumingkayad para halikan siya sa gilid ng kaniyang labi.

“Too early to be sweet.” He chuckled as he brushed his fingers in the tip of my wavy hair.

Today is the DayWhere stories live. Discover now