TITD14

76 3 1
                                    

INILILIGPIT ko na ang mga gamit ko dahil maya-maya ay dismissal na. Mabuti na lang ay hindi ako natawag kanina sa recitation at kahit paano ay nakapasa ako sa short recap kahapon. Naaalala ko pa pala ang ilan sa mga tanong ng instructor namin, pero ang ilan ay buong pag-iingat akong sumilip sa papel ni Jazz, na sinadya naman niyang hindi takpan ang papel.

“Malapit na ang uwian. Sasabay ka ba ulit o susunduin ka ni Chrysler?” tanong niya dahilan para lingunin ko siya. Umayos ako ng upo habang nakatungo siya sa kaniyang cellphone. May hinihintay yatang text.

“Plano kong mag-overnight sa bahay nila,” sagot ko dahilan para mawala ang paningin niya sa hawak na gadyet, tumingin sa akin.

“Sinabi ko na sa kaniya at pumayag naman through text dahil hindi ko siya matawagan.”

Ngumiwi ako ngunit agad ding ngumiti pagkatapos. Nabasa ko ang pag-aalala sa mukha niya. Kanina ay natawagan ko pa siya pero parang sinasadya niyang hindi sagutin. This is not him and I am being worried about his little changes.

Sa ekspresyong nasa mukha ni Jazz ay parang may gusto pa siyang sabihin. Itatanong ko sana siya, pero mabilis siyang nagpaalam, “Okay. I'll get going now.”

Tinapik lang niya ang balikat kong tinanguan ko. Isa rin siyang parang umiiwas sa akin. Bigla siyang tumatahimik, hindi na nagiging madaldal. Nakakapanibago rin dahil sabay-sabay kaming lumaki nila Genesis, Cathaleya at Jade. Pero si Jazz ang mas kasundo ko sa kanila.

Hindi kasi siya namimilit at talagang makikinig siya sa akin kapag may sasabihin ako. Pumara ako ng tricycle para pumunta sa kanila Chrysler. Siguro naman ay okay lang na pumunta roon kahit wala pa siyang approval. I'm going to surprise him.

Pagkaabot ko ng bayad sa driver ay dumiretso ako sa bahay nila.  Malapad ang ngiti kong itinuktok ang kamao.

Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at bumungad ang gulat niyang ekspreyson dahilan para ikataka ko. Tumagal ang tingin ko sa kaniya. Napansin ang butil ng pawis sa noo't leeg niya. Maging ang suot niyang puting t-shirt. Medyo hinihingal din siya.

“Love, why you didn't tell me that you'll come here?” nakangiti niyang tanong.

“Hindi mo natanggap text ko?” kunot-noo kong tanong dahil nakaharang pa rin siya pinto, hindi pa ako papasukin sa loob.

“Hindi ko pa nahahawakan ang cellphone ko kaya hindi ko nabasa.”

Mas lalong nangunot ang noo ko sa pagtataka. Kung hindi pa niya nabasa ang text ko, sino ang nag-reply? Hinanap ng mata ko ang may gawa sakaling nandito nga.

“Chrys, saan itatapon itong mga kalat?”

Narinig ko ang pamilyar na boses ng babae na may pagkatinis. Bahagyang namulagat ang mata ko nang sumingit siya sa pinto. Hinawi ang kamay ni Chrysler na nakahawak sa doorknob at binuksan nang mabuti ang pinto. Kitang-kita ko ang makinang na sahig ng hallway nila patungong sala.

Iniangat ni Chrysler ang hintuturo para ituro ang basurahan sa labas ng kanilang gate.

Tumango siya at bumaling ito sa akin ng tingin. “Hello, Drishtelle,” nakangiting sambit niya at nilagpasan ako habang bitbit ang isang malaking garbage bag.

Iginiya ako papasok ni Chrysler hanggang makarating kami sa sala. Sinenyasan niya akong umupo sa sofa, pero hindi ko ginawa.

“Dito rin matutulog ang kaibigan mo?” kuryusong tanong ko kunwari, pero sa loob-loob ko gusto ko siyang paulanan ng tanong nang isang bagsakan.

“Oh, yes, love. She'll live here for one week.”

Pasimple kong inilibot ang paningin ko't kapansin-pansin ang kalinisan sa bawat sulok. Makinang na makinang at nag-spray din siya ng pabango sa loob dahil amoy na amoy ko ang lavender.

Today is the DayWhere stories live. Discover now