TITD32

85 6 2
                                    

KUNOT-NOO AKONG napatingin sa stall ng shawarma habang nakaupo ako sa tapat ng gymnasium, dito sa student plaza. May kausap na babae si Jazz. Naningkit ang mata ko, kinikilatis ang babaeng kausap niya kaso, hindi ko mamukhaan. Hindi ko siya kilala.

Kumaway si Jazz habang may sinasabi sa kausap.  Itinaas ko lang ang kamay ko sa kaniya bilang pagbati pabalik. Iyong kausap niya, hindi ba lilingon para kumaway rin?

Kumaway-kaway ang babae sa kaniya nang lumiko na ito.

“Sino 'yon?” tanong ko habang sinusundan siya ng tingin hanggang sa maupo siya sa tabi ko.

Kinamot niya ang kaniyang buhok at ngumiti. “Si Veena,” simpleng sagot niya sabay buklat ng librong nakapatong sa mesa.

Humarap ako sa kaniya. “Sinong Veena?”

Nag-angat siya ng tingin. Hinawakan niya ang buhok ko para ipusod sa gilid ng aking tainga. “Iyong kaklase natin sa first year at second year sa mga minor subjects,” sagot niya.

Muling nangunot ang noo ko. Wala akong maalalang Veena na naging kaklase namin. Sino kaya ang tinutukoy niya? Hindi kaya. . . nagpakawala ako nang malalim na buntonghininga.

Itinukod ko ang siko ko sa librong nakaibabaw sa mesa. Patuloy naman niyang hinahaplos-haplos ang buhok ko habang nakangiti. Nanatili ang tingin niya sa akin, naghihintay ng mga tanong ko at parang inaasahan na niyang itatanong ko ito sa kaniya.

“Close talaga kayo n'on?”

Tumango siya. “Mabait ba siya?”

Tumango ulit siya. “Nakakausap mo naman siya dati, Drish. Hindi mo na siya naaalala?”

Umiling ako bilang sagot. Wala na akong maalala. Hindi ko naman kinakausap ang mga kinakausap nila. Mga katabi ko at tumatawag lang sa akin ang pinapansin ko. At saka may masama akong kutob kay Veena. Ayaw na ayaw kong may umaaligid na iba kay Jazz. Gusto ko tuloy sabihin sa kaniyang sa lalaki lang siya puwedeng makipagkaibigan, pero kapag babae ay ayaw ko kahit kay Genesis. Pakiramdam ko kasi ay mas boto si tita kay Genesis kaysa sa akin at baka mamaya ay biglang magkaroon ng sila.

“Puwedeng huwag mo na siyang kausapin?” pakiusap ko.

Nagsalubong ang kaniyang kilay at nagtataka lang niya akong tinitigan.

“Baka mamaya magkagusto siya sa 'yo at agawin ka niya sa akin,” pag-amin ko sa bumabagabag sa isip ko, at saka ako nag-iwas ng tingin.

Hindi talaga ako komportable na may kausap siyang babae bukod sa mommy niya at sa akin. Gusto ko ako lang. Ayaw kong matulad ang relasyon namin sa nangyari sa relasyon ko dati. Nang dahil din sa babae kaya nasira ang relasyon namin.

Kunot-noo ko siyang tinapunan ng tingin sa biglang pagtawa niya.

“Anong nakakatawa?”

A corner of his lips lifted to refrain himself from laughing. “You're being possessive, Drish. Hindi naman kita ipagpapalit at hindi niya ako aagawin. May boyfriend na siya at magkaibigan lang kami.”

“Hindi mo masasabi iyan.” Binuklat ko ang libro ko at ini-scan ng mata ko ang first page ng Law on Negotiable Instruments and other Banking Laws.

“Kapag nasanay at nahulog siya sa 'yo, puwede ka niyang agawin sa akin at ipagpalit ang boyfriend niya,” paismid kong dugtong sa hinaing ko.

He poked my shoulder. “It won't happen.”

Ang boses niya ay siguradong-sigurado siyang hindi iyon mangyayari. Tumawa ako nang mahina. Hindi ako naniniwala at magiging kampante. Ganiyan din ang sinabi sa akin noon ni Chrysler at wala na akong tiwala sa ganiyang mga salita.

Today is the DayWhere stories live. Discover now