TITD33

73 4 1
                                    

SINUSUNDOT-SUNDOT ko ang braso niya habang nakaharap ako sa kaniya. Hindi niya ako pinapansin. Ang mga mata niya ay nasa libro lang, nagbabasa. Wala akong magawa bukod sa pangungulit sa kaniya. Kahit kami na ay hindi pa rin siya napapagod magbasa nang magbasa. Akala ko ay magbabago na siya, na hindi na siya magbabasa pa kahit na magkasama kami, pero nagkamali ako. Kanina kinausap niya ako for almost three hours nang umalis agad ang instructor at nagbasa pagkatapos niya ang kausapin.

Sinabihan niya akong magbasa ng accounting book para may matutunan din ako, pero tumanggi ako. Nakakatamad at pakiramdam ko ay ma-bobo ako kapag magbabasa lang ang aking gagawin. Gusto kong ayain siyang pumunta sa mall para magpalamig at maglibot-libot, ngunit kasasabi lang niyang huwag kong istorbohin nang isang oras.

Nakalabi kong ipinagpatuloy ang pagsundot-sundot sa braso niya at padiin nang padiin ang ginagawa ko. I want his attention, not just his presence. Nang hindi niya ako pinansin ay binawi ko ang kamay ko at umayos ako sa pag-upo. Tinititigan ko ang nakatagilid niyang mukha sa akin sabay kamot sa noo ko at umurong pa ako palapit sa kaniya. Isinandal ko ang aking ulo sa kaniyang braso saka ko itinaas ang kamay para pisilin ang pisngi niya. Puwede naman siyang magbasa mamayang gabi.

Nag-angat ako ng ulo nang hawakan niya nang mahigpit ang palad ko. Nagbabanta ang paraan ng pagtingin niya sa akin, na tila sinasabi niyang huwag ko siyang kulitin, pero ayaw kong pagbigyan siya. Lumabi akong pinindot ang cleft chin niya.

“Jazz, may sasabihin ako,” sambit ko para agawin ang buong atensyon niya.

Wala siyang nagawa kundi ang harapin ako nang tuluyan, pagkatapos niyang isara ang libro. Ibinaba niya ang kamay ko para ipatong sa kaniyang hita at hinawakan niya gamit ang dalawang kamay. “What is it, my girl?”

Bumungisngis ako at kumindat. “Phm rak khun,” nakangiting sambit ko saka ko itinaas ang kamay ko sa bandang pisngi niya para pisilin nang magaan.

Nangunot ang noo niya. “What does it mean?”

“Hulaan mo,” sabi ko habang tumataas-baba ang kilay ko.

Kinamot niya ang kaniyang ulo at hinawakan ang baba para isipin kung ano’ng ibig sabihin n’on. Bihira lang ako magsabi ng I love you sa kaniya dati at wala namang malisya sa akin iyon dahil mahal ko naman talaga siya bilang kaibigan. Pero sa mga oras na ito ay iba, dahil first time kong sinabi ang I love you sa wikang Thailand para hindi niya malaman agad ang punto ko. Iyong dating wala lang ay nagkakaroon ng kahulugan. Ganito pala sa pakiramdam na magmahal ng isang kaibigan, na maging boyfriend ko.

Aaminin kong hindi pumasok sa isip ko ang makipag-relasyon sa kaniya kahit ano’ng mangyari, pero ang puso ko ay sinuway ako. Iba rin kasi siya magpakilig at ang gusto ko sa isang lalaki ay nasa kaniya, tapos palagi pa kaming magkasama. Mula umaga hanggang alas-siete nang gabi, hatid-sundo niya ako at sinasamahan kapag ayaw ni Brix pumasyal kasama ako. Although, hindi nawawala ang libro sa kotse niya—sa tuwing pumapasyal kami, pero hindi siya nagkulang para pasayahin ang buong araw ko. 

Tumawa ako sa pagkamot niya ng ulo. Umiling siya sa akin, senyales na hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin n’ong sinabi ko kanina. Kinagat ko nang bahagya ang pang-ibabang labi ko at tinititigan siya sa mata.

“I love you.” Kumindat ako ulit dahilan para mag-iwas siya bigla ng tingin kasabay nang paghigpit ng hawak niya sa aking kamay. Hinagod ko ng tingin ang mukha niya at hindi ko napigilan ang tumawa nang mahina nang mapansin ko ang pamumula ng kaniyang pisngi.

“I love you,” ulit ko sabay lapit nang mukha ko at buga ng hangin sa pisngi niya, malapit sa kaniyang labi.

“I love you.”

Malakas siyang tumikhim. Iniangat ko ang malayang kamay ko para hawakan ang pisngi niya at ipinaling paharap sa akin. Nandilat ang mata niya sa lapit ng mukha namin sa isa’t isa.

Today is the DayWhere stories live. Discover now