TITD19

92 4 2
                                    

MALAPAD ANG NGITI kong itinaas ang kamay. Hindi ko aakalaing papasa ako ngayon. Limang oras lang ang tulog ko dahil ginugol ko ang buong oras ko sa pag-re-review para paghandaan ang subject na ito. Ganito pala kasaya na pumasa at mapasama sa mga may mataas na iskor.

Masaya kong inilabas ang cellphone ko para mag-type ng text kay Chrysler, pero naisip kong tawagan na lang siya.

Hinintay kong sagutin niya ang tawag ko. Nakatatlong ring na at hindi pa niya sinasagot. Busy ba siya?

Inilayo ko ang phone ko sa tainga ko para sana i-end call at mag-text na lang ako, pero laking tuwa ko dahil sinagot niya ang tawag ko.

"Nakapasa ako sa long quiz. Can we meet?" nakangiting bungad ko sa kaniya.

Narinig ko siyang bumuntonghininga. Akala ko pa naman ay matutuwa siya. Ang tahimik ng paligid niya, nakakabingi.

Siya lang ba ang tao sa bahay nila? Kung ganoon, puwede akong pumunta sa kanila dahil mukhang wala si Lj doon.

"You need to pass also the prelim before we meet."

Nalaglag ang panga ko. "Hindi ba puwedeng magkita tayo kahit saglit?" nakangiwing tanong ko. Nagbabasakali akong magbago ang isip niya.

Baka kagigising lang niya kaya ganito siya mag-isip pero hindi, e. Seryosong-seryoso siya sa mga sinasabi niya. Mula pa sa tono ng pananalita niya kahapon. Hindi ako sanay na umaakto siyang malamig sa akin o baka naman malamig na nga ang pagtrato niya sa akin, ayaw ko lang tanggapin.

"Hindi ako puwedeng umalis."

“Bakit?” Tumaas ang isa kong kilay habang nakakunot ang noo. “Lj needs you?” dugtong ko kaagad dahil alam kong iyon ang sasabihin niya.

“Yes. . .” mahinang sagot niya, pero nakaabot pa sa aking pandinig.

Pumikit akong napakamot sa noo. Mas mahalaga ba sa kaniya si Lj kaysa sa akin? Buong araw na nga niyang binantayan ang babaeng iyon at ngayon lang naman ako nanghihingi nang kaunting oras niya.

"Please, love. Kahit saglit lang. Gusto lang talaga kitang—"

"Mamatay ka ba kapag hindi tayo nagkita, Drishtelle? Umayos ka nga. Para kang batang uhaw na uhaw sa atensyon."

Namulagat ang mga mata ko sa gulat dahil sa pagtaas niya bigla ng boses.

"Galit ka ba sa akin?"

He hung up instead of answering my question. Bagsak ang balikat kong sumandal sa aking kinauupuan pagkatapos kong ilapag ang cellphone ko sa ibabaw ng armrest. 

Napansin ko ang paglingon ni Jazz sa akin. Hindi ko tiningnan ang mukha niya bagkus tumingin ako sa paa niyang nakataas sa upuang bakante na nasa tapat niya.

“Jazz, nakakainis ba ako?”

Sumimangot akong bumuga ng hangin para pakawalan ang iniwan ni Chrysler na sakit sa ulo. Iniisip kong mabuti kung ano ang mali sa akin.

“Hindi,” matipid niyang sagot.

Ano ang dahilan ni Chrysler kung hindi naman pala ako nakakainis? Hindi ko na siya maintindihan.

“Isip-bata ba ako?”

“Hindi.”

“Immature ba ako?”

“You are. . .” pabulong niyang sagot dahilan para lingunin ko siya.

Kunot ang noo kong tinapunan siya ng tingin. “Paanong naging immature ako? Hindi naman ako ganoon.”

Umiwas ako ng tingin. Bakit ba ganoon ang tingin nila sa akin? Naiinis ako dahil ganoon ang akala nila sa akin, na hindi naman talaga. Hindi naman ako immature, pero. . . labag sa kaloobang bumuntonghininga ako.

Today is the DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon