TITD05

149 8 0
                                    

MALAWAK ANG ngiti kong umupo sa tabi ni Brix nang madatnan ko siya sa sala, mag-isang nanonood ng korean drama sa Netflix. Nakatutuwa lang sa pakiramdam dahil natapos din sa wakas ang isang linggong walang pahingang exam. Hawak-hawak ko ang cellphone kong tiningnan ang pinapanood niya. Sinikil ko ito sa braso para kunin ang atensyon niya, nakuha ko naman pero binigyan niya ako nang tatlong pirasong nova. Hindi ko tinanggihan ang inilalahad niya. Ibinuka ko ang bibig at lumapit naman siya, ‘tsaka isinubo ang dalawang piraso ng nova sa bunganga ko. Pilit kong nginuya, halos masamid ako habang tumatawa naman siyang tinalikuran ako sa pag-upo.

Nilunok ko ang kinakain at mabilis siyang hinampas sa likod nang kainin niya ang huling ibibigay sa akin. Hinampas ko ulit nang malakas dahilan para tumawa lang siya ‘tsaka iniangat ang kamay upang ilahad sa akin ang kinakain, pero mabilis din niyang ibinaba ang kamay nang mapansin niyang kukuha ako.

“Ang lakas ng trip mo!” angil ko sabay hila sa ilang hibla ng buhok niya.

Mahina siyang tumawa at sumubo, ibinalik ang atensyon sa panonood. Umikot naman ako nang bahagya, tumalikod din at saka sumandal ako sa matigas niyang likod. Itinutulak niya ako palayo, pero hindi ako umalis sa aking posisyon. Nakangisi kong idinikit ang ulo ko sa ulo niyang inuuntog sa akin.

Kalaunan ay hinayaan niya ako sa ganoong posisyon. Kinuha ko ang ipinatong kong cellphone sa lamesa sabay ngiti nang buksan ko ang inbox at mag-type ng sasabihin kay Chrysler. It’s already three in the afternoon and boredom slowly killing me.

To: Love

Love, how are you? Are you busy or nah? If not, can I stay at your house to accompany you?

Iginapang ko ang kamay ko sa leeg ni Brix hanggang sa bumaba ito sa tagiliran niya at ambang kikilitiin ko siya nang tapikin niya ang kamay ko. “Ate, huwag kang galaw nang galaw,” saway niya.

Bumalik ang atensyon ko sa cellphone nang umilaw ito. Malawak ang ngiti kong  napasipa sa hangin dahilan para iuntog ni Brix ang ulo niya sa akin. Binatukan ko lang siya at binasa ang mensahe.

From: Love

I can’t let you stay here. Magulo ang bahay at baka hindi lang kita mapansin dito dahil marami akong ginagawa, but don’t worry I’m fine, love. Pagkatapos ng graduation next week, babawi ako, promise. I hope you can bear with my hectic schedule, love.

Nabawasan ang ngiti ko sa nabasa sabay kamot sa ulo. I let out a deep sighed. I just wanted to talk to him, I want to hear his voice. Simula noong matapos ang exam ko ay madalang ko na lang siya makausap sa kabilang linya. Hindi niya nakakalimutang mag-text sa akin, ngunit palaging madaling araw ko natatanggap iyon. Medyo naiintindihan ko naman siya, pero mas gusto kong naririnig ang boses niya kahit isang oras lang bawat araw.

To: Love

But can I still call you if you aren’t busy?

Naghintay ako ng limang minuto at hindi ako nabigo sa paghihintay nang makatanggap ako ng reply niya.

From: Love

I’ll call you once I am done here, okay? Take care.

My eyes twinkled, biting my lower lip and giggled. Mapapakinggan ko na ang boses niya. Kating-kati na nga ang kamay kong tawagan siya sa mga oras na ito, pero alam kong may ginagawa siya kaya maghihintay ako sa tawag niya.

To: Love

Okay. Kumain ka na, ha? Huwag ka ng mag-reply kung busy ka talaga. I love you.

Today is the DayWhere stories live. Discover now