TITD23

65 6 0
                                    

HINDI KO NA binawi pa ang nangyari. Hindi ko na siya hinabol kahit gustong-gusto kong gawin. May pumipigil kasi sa akin at sa tingin ko ay tama ang ginawa ko.

Sinabunutan ko ang sarili kong yumuko. Naguguluhan ako. Tuwing nakikita ko kasi siya ay bumabalik sa akin ang gabing nasaksihan ko. Parang sirang plakang pabalik-balik, pero kahit ganoon ay gusto ko siyang makita at makausap.

Napahilamos ako at sumandal sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko ay sunod-sunod ang hindi magagandang nangyayari sa akin. Kailangan kong makapag-pokus agad dahil malapit na ang exam namin. Sa Lunes na at hindi ko alam ang gagawin ko.

May recitation ulit mamaya at sa intermediate accounting 1 and 2 pa, samantalang short quiz sa Business Law and Regulations.

Hindi na ako nagsisising nag-accountancy ako pero gusto kong mag-time freeze muna. Mahirap paghandaan ang exam lalo na at broken hearted ako.

Bumuga ako nang malakas na hangin at natampal ang noo. Tumingin ako sa gilid noong mapansin kong may pumasok. Nakita ko si Jazz na nakangiti, ngunit agad ding napawi noong makita niya akong nakasimangot at pulang-pula na siguro ang noo ko sa katatampal ko magmula pa kanina. Inilipat ko ang tingin ko sa hawak niyang yellow pad.

“Nakapag-review ka na?” tanong ko kay Jazz na umupo sa aking tabi.

Tumango siya at ibinigay sa akin ang hawak niyang yellow pad, na may sulat. Tinanggap ko naman at dinaanan lang ng mata ang ipinagsusulat niya sa papel. Naka-highlight ang important details. Naiintindihan ko naman pero nalilito ako. Hindi talaga ako sanay magbasa ng notes ng iba. Mas gusto kong ako ang gumagawa ng reviewer ko, pero ang kaso lang ay hindi ako nakagagawa nang maayos dahil tinatamad ako.

“Within ten minutes, darating na si sir,” paalala niya.

Matamlay akong tumango. Kinakabahan ako. Paniguradong hindi ko masasagot ang itatanong sa akin ng instructor namin kahit nakapagbasa naman ako kagabi.

“Puwedeng ikaw na lang ang tawagin ko kung sinabing ‘call a friend’?”

Tumango-tango siya. “Sure, no problem.”

“Are you sure about your decision, Drish?” paniniguro niya.

Hindi ako umimik dahil hindi ko alam sagutin. Walang mahirap sa tanong niya, pero nahihirapan akong sagutin.

Muli kong dinaanan ng tingin ang hawak kong yellow pad. Nagbabasakaling may sumisiksik sa utak ko na impormasyon.

Maya-maya ay nawala ang atensyon ko nang magkasabay na tumunog ang aming cellphone. Binuksan ko ang text, pero nadismaya lang ako. Hindi galing sa kaniya kundi galing sa globe. Sinasabing subukan ko ang bago nilang promo, na ayaw ko namang subukan.

Nilingon ko ang katabi ko. Umaasa akong nag-text sa kaniya si Chrysler dahil nakatitig lang siya sa phone screen.

“Si Chrysler ba ang nag-text?”

Ipinilig niya ang ulo niya bahagya sa direksyon ko para tingnan niya ako. Tiningnan ko lang din siya, nakikipagtitigan sa kaniya. Naghihintay ako ng sagot niya at inaasahan kong ang katahimikang ibinigay niya nang ilang segundo ay makakakuha ako ng maganda.

“He never texted me.”

I was about to paint my smile because I am expecting it, but I didn't bother to smile anymore. Nakapanlulumo. Nakalimutan kong hindi pala sila nag-uusap ni Chrysler.

Chrysler hates him while Jazz doesn't care about my ex-boyfriend. Jazz is being nice with my ex-boyfriend since then, but Chrysler? He doesn't like him to be my best friend.

Pikit-mata kong tinampal ang noo ko kasabay ng pagbuntonghininga ko nang malalim. Pagbukas ng mata ko ay itinupi ko ang papel na hawak ko nang apat na beses at ibinigay sa kaniya. Nawalan na ako ng ganang magbasa pa.

Today is the DayTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang