TITD53

59 5 0
                                    

SUMINGHOT ako nang suminghot, nilalanghap ang mabango at nakatatakam na pizza na nanggagaling sa dining area. Hindi ako pamilyar sa mga pinupuntahan ko pero idinadaan ko sa pagtatanong kung saan makakabili ng ganito, ganiyan. Mabuti na lang naiintindihan ko mga sagot nila kahit na ang ilan sa mga pinagtanungan ko ay hindi ko maintindihan dahil sa accent nila at bilis ng pagsasalita.

Pagkaabot sa akin ng order ko ay dumiretso ako rito, sa bahay nila Chrysler. Tandang-tanda ko pa rin ang daan kung paano pumunta rito kahit nakakapanibago. Nasanay ako sa mga nakikita sa Pilipinas, hindi gaya dito sa Los Angeles na magagarang mga establishment at nakasuot ng mga stylish outfit.

As I entered the hardwood floors and high ceiling greeted me. Naupo ako sa half-moon shape sofa pagkaabot ko ng pizza kay tita. Lumulubog ang puwet ko sa lambot. Dati ay pahaba ang sofa nila noong bumisita ako rito pero nagpalit na sila ng upuan at sa pagkakanda ko ay may nagbago sa interior design. Sa tabi ng TV na kaharap ko ay nandoon sa kanan ang floor lamp. Sa kabilang banda ay nakalugay ang mustard yellow curtains samantalang sa likod ng kinauupuan ko ay ang hagdan papunta sa second floor. The whole house has a theme of contemporary and artsy.

Nakaaakit sa mata ang interior design. Every corner of the house makes me comfortable. Ngunit, hindi ito tulad ng bahay nila sa Pilipinas na pagpasok mo pa lang ay bubungad na ang nakahilerang chandelier sa iba't ibang laki, samantalang dito ay wala akong nabungaran pagpasok ko. Mukhang ipina-renovate nila ang bahay dahil maraming nagbago at kamangha-mangha naman ang kinalabasan. Naging mas maganda kumpara sa huling bisita ko rito.

I seated properly while waiting for Tita Lorainne to come out from the dining area. Kanina pa siya roon, hindi pa lumalabas o baka naman nakalabas na sa kusina pero hindi ko lang napansin. Nasaan kaya siya?

Kanina pa kami nag-uusap at siguro na-bore siya sa akin. Mabilis na lumipad ang paningin ko nang bumukas ang pinto. “Welcome to Los Angeles, Drishtelle!” masayang salubong ni tito, iniunat ang mga kamay.

Nakasuot ng polo shirt, naka-tuck in habang nakasabit sa kaniyang balikat ang suit at nakasukbit naman sa kaliwang balikat ang kaniyang messenger bag. Tumayo ako saka lumapit sa kaniya at sinalubong ang yakap. Matagal na rin kaming hindi nagkikita at medyo nagbago ang hitsura niya. May kaunting wrinkles na sa kaniyang mukha, senyales ng pagiging matanda at kulay puti na ang buhok niya. Tila naging Amerikano na ng tuluyan.

Nakakapagtaka dahil hindi man lang kumupas ang ganda ni Tita Lorainne. Natitigan ko siya kanina at wala man lang akong napansing wrinkles. Alagang-alaga niya ang balat na katulad ni mama.

Ngumiti ako nang malawak ngunit nandoon ang hiya. Hindi ko alam kung paano magsalita dahil pakiramdam ko may kasalanan ako sa kanila dahil iniwan ko anak nila at pinaghintay nang matagal.

“Thank you for your warm welcome, tito. Na-miss ko po kayo ni tita.”

Sinundan ko si tito na naglakad patungo sa sofa. “You are always welcome to us, hija. You know that.”

Lumulundag ang puso ko sa saya dahil hindi nagbago ang pakikisama nila sa akin. Bumalik din ako sa pag-upo nang maupo siya. Pagod siyang nagpakawala ng buntonghininga saka isinandal ang likod sa inilagay niyang dalawang unan sa sandalan.

Hinawakan ko ang kamay kong ipinatong sa aking kanang hita. Ramdam ko ang kaunting panlalamig ng palad dala ng lamig sa loob ng bahay.

Bahagya kong iniyuko ang ulo, hindi magawang tingnan si tito dahil kahit gaano kaganda ang bungad nila sa akin ay hindi ko maiwasang maramdaman na parang may kasalanan ako.

“I want to ask forgiveness formally. Sinabihan ko dapat kayong wala na kami at akala ko sinabi ni Chrysler sa inyo, pero hindi pala. I am sorry for breaking your son's heart too,” sinsero kong paghingi ng paumanhin at humina ang boses ko sa paghuling sinabi ko.

Today is the DayWhere stories live. Discover now